CHAPTER 10

64 2 0
                                    

Kinabukasan hindi dumating yung kausap ko from Dela Cruz Lawfirm ang sabi nila ay ngayon daw sure na dahil kulang pa ang documents nila kahapon. Walang pumasok ngayon sa office kundi ako, si Jess, si Shiela at siguro ay limang empleyado lang. nakakaloka buong akala ko maraming papasok. Natapos ko ng replyan lahat ng inquiries. At tinawagan ko nalang yung ibang madaming tanong sa email para maipaliwanag ko. May kliyente akong kikitain bukas at base sa pag s'search ko ay malaking company ito. Tinignan ko ang ginamit nilang number pang tawag at legit naman sa pagkakakita ko. Lubusin ko na ito para dumami ang clients namin.

Napatingin ako sa couch at napansin kong ang dami ng paper bag na branded ang naandon. Grabe ganon nila ako kamahal. Hindi ko pa ito tinitignan, si shiela madalas ang nag rereceived kaya diko na ito napapansin. Tumayo ako at kinuha ang wallet ko. Iniwan ko na ang phone ko dahil hindi na kami nakakapag usap ni Dylan siguro ay busy lang talaga sya and who am I to demand? Duh. Niyaya ko si shiela at Jess kumain, negative si Lors dahil busy na rin. Sumama naman ang dalawa sakin.

"Ang swerte ng mga empleyado sayo Ma'am Elle halos ikaw na gumawa lahat." Sabi ni Shiela habang kumakain kami.

"Papasko ko na sa kanila yun." Biro ko naman sa kanila.

"Tuloy ba dating nung isang Lawfirm?" Tanong ni Jess. Nakisuyo kasi ako sa kanya na tulungan nya ako sa pag c-check ng documents.

"Yep, 1pm daw nasa office na sya. Kaya bilisan nyo ng kumain dyan." Nung natapos kaming kumain ay nag aya bumili ng kape si Jess, libre nya daw kaya go naman kami. As usual yung paborito ko ang inorder ko. Naalala ko bigla si Dylan, kamusta na kaya sya? Ang daya hindi man lang magsabi kung ano ng ginagawa nya. Hindi kaya nasawa na sya sakin?

Saktong 1pm dumating yung Secretary ng Dela Cruz Lawfirm may kasama syang isang babae dahil ang daming documents ang dala nila. Nagsimula na kami ni Jess mag check, sinabihan ko siya na busisiin nya lahat at siguraduhing tama ito. Mabuti nalang at on your own ang application nila, kapag kase supported ay medyo complicated at maraming ipo-photocopy pa. Ang travel date nila ay sa January 15 kaya kailangan ko na agad sila ma schedule. Siguro ay inabot kami ng dalwang oras bago ma konpirmang kompleto ang pinasa nila. Nagpasalamat ako dahil mahirap kapag may kulang.

"I'll call you once we're done here. I will schedule them maybe on January 3 with maximum applicant available on that day. I will check the system and see how many applicants are available on the said dates."  Paliwanag ko sa secretary.

"How about the payment? Can I paid it in cash? Or thru bank deposit?"

"You can pay it in cash po." Ayun pinrint ko yung billing dahil first customer namin sila ay kailangan payment first. Pinagawan ko si Jess ng receiving copies ng mga pinasa nilang documents para clear kung ano lang ang natanggap namin. Minsan kase sa daming applicants ay nakakalimutan nila kung ilang passport at ano anong documents  ang na recieved nila and ganon din sa clients.

Nung okay na ang lahat ay nagpalitan kami ng calling card at umalis na sila.

"Simulan na ba natin to Ma'am?" Alok ni Jess, alam ko kasing hindi ma siya papasok bukas dahil wala naman na kaming pasok. Narinig ko siyang may kausap sa phone kanina at mag eexplain siyang baka hindi siya makauwi bukas kung may trabahong gagawin. Ayoko naman na dahil sakin ay hindi pa siya makakauwi dahil ako naman ang tumanggap nito una palang.

"Hindi na Jess, ako na bahala diyan, malayo pa naman ang departure nila." Pero deep inside  malapit naman na talaga. 15 ang alis nila kaya kailangan ko itong matapos.

"Sigurado ka? Ang dami neto." Nag aalinlangan pa sya dahil siguro ay nagihiya sya.

"Ano kaba kaya ko yan, hinihintay ka ng magulang mo kaya sila i-prioritize mo sa ngayon, bawi ka nalang sakin." Nginitian ko siya, yun nalang ang dinahilan ko para mapa-oo siya.  Iniwan ko nalang sa vault ko yung mga documents at nilock ang office ko.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon