CHAPTER 11

58 3 3
                                    

Nakapako parin ang paningin ko sa kanya, he's wearing a suit and tie again with a bouquet of flowers in his right hand. Nakatitig lang din siya sakin sabay ngumiti. Literal na tumakbo ako papalapit kay Dylan kahit naka heels ako. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Akala ko kasi tinigilan nya na ako, akala ko nasawa na siya sa sobrang pagpapakipot ko. Agad nya rin naman akong niyakap pero yung kaliwang kamay lang dahil may hawak siya. Feeling ko nawala lahat ng pagod ko.

"Careful Elle, masyado mo naman akong na-miss." Pabiro nya pa.

"Dylan, nanliligaw kapa ba?" Walang pag aalinlangang sagot ko. Halatalng nagtataka sya sa tanong ko.

"What? Bakit mo naman natanong of course, oo nili.. ." Hindi ko na siya pinatapos, pinutol ko yung sasabihin niya. Eto na yung tamang oras at hindi ko alam kung masasabi ko pa ito sa susunod na araw.

"Then yes, Yes Dylan Sinasagot na kita!" Daretso kong sinabi sa kanya. Napaawang yung labi niya. All these months Dylan is always there for me. Nung lugmok na lugmok ako kay Kier, siya yung andyan para tulungan ako. Sa career ko, at first akala ko masungit siya pero siya pa pala ang tutulong sakin na makabalik sa dating ako. Akala ko hindi na ako magiging masaya. Hindi ko man hiniling na sana ay may makilala akong bago dahil wala ito sa plano ko,m. But all those negative things that happened to me, I am very much grateful that it all turns out into good things. Thanks to my friends. My family and to Dylan.

"Ito yung pinakamasayang bagong taon na nangyari sa buhay ko Elle alam mo ba yon?" Nagulat ako nung may kinuha sya sa loob ng coat nya na maliit na box. May kutob na ako pero ayokong mag assume.

"You refused all those gifts that I wanted to give you, please this time don't you try to refuse this." Binuksan nya yung box at tinapat sa akin, isang silver ring with diamond lang naman. Napahawak talaga ako sa bibig ko. Ito nga ang unang tatanggapin kong regalo mula sa kanya pero sa tingin palang ay napakamahal na.

"I'm happy to be your boyfriend Elle, I really do." Sinuot nya sakin yung singsing at kasyang kasya sakin. Pano namya nalaman ang size ng daliri ko? Nilayo ko yung kamay ko at tinignan ito, ang ganda bagay sa kamay ko. Yung regalo ko sa kanya ay isang branded rin na relo pero hindi naman ganito kamahal.

"I love you Elle." Hinawakan nya yung pisngi ko at hinalikan ako sa labi. Expected ko na to pero bakit nanlambot yung tuhod ko?

"I love you, Dylan." Sobrang saya ko ngayong gabi. Iba yung saya na nararanasan ko ngayon compare before.

"Hindi muna ako lumuhod, tsaka na pag mag po-propose ako baka mahimatay ka eh." Pinalo ko sya sa braso. Na-miss ko rin tong pambibiro nya.

"Bakit hindi ka man lang nagrereply o tumawag? Papatayin mo ba ako?" Reklamo ko sa kanya habang sinamaan sya ng tingin.

"Hey, sorry. Nagpa-miss talaga ako. Effective ba? Bakit parang pumayat ka?" Sabi nya sakin habang tumingin sa katawan ko.

"Ini-stress mo ako eh." Sabay irap ko sa kanya.

"Kamusta work?" Tanong nya. Napabunting hininga naman ako. Kinuha nya yung bag ko, hindi nako nagpatalo dahil pagod na rin ako.

"Dun lang naman ako natulog nung isang araw." Nanlaki ang mata nya.

"Chill, okay lang naman." Kinwento ko sa kanya buong pangyayari sakin habang wala siya. Parang siya yung napagod nung naikwento ko sa kanya.

"God Elle, don't do that again. Buti nalang at hindi ko yan nalaman baka mas napaaga ang uwi ko." Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya at tsaka sumakay.

"At bakit naka ayos ka ngayon? Hmmm planning to have a date without me?" Paghihinala nya.

"Ide'date ko yung sarili ko. Bawal ba?" Pagtataray ko sa kanya.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon