BEES
Hinatid muna ako nila Clerry at Helen sa hrm department bago sila pumunta sa bsca. Si Liam kasi ay nauna na sa engineering department since malayo dito ang building niya. Hrm at major in cruise ship services ang pinili kong kurso since gusto kong maging chef ng Costa Concordia. Isang sikat na kompanya kung saan pag aari nito ang mga sikat na port at restaurant na naka branch out sa iba't ibang bansa.
Though hindi naman talaga cruise ang gusto kong pasukan dahil mahirap kapag nasa cruise, I intended to work in a passenger ship. Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management-Cruise Ship Services din kasi ang unang requirement para makapasok ka sa isang ocean liner kaya ayun. Plano ko rin kasi ang kumuha ng exam nila for free training sa Seville kaya nagpupursigi akong kunin yun.
Yun lang talaga ang makakapag usad sa pamilya namin. At saka pag nagka trabaho ako, ako na rin ang magpapa aral sa dalawa kong kapatid.Kahit pa alam kong malalayo ako sa kanila ng ilang taon ay alam kong ginagawa ko naman ito para sa pamilya ko. Gusto kong bumawi sa lahat ng sakripisyo nila.
Nang makapasok na ako sa room ay ang ingay ingay na ng mga kaklase ko sa unang subject. Hindi na ako magugulat. Palagi naman silang maingay. Nang makaupo na ako sa upuan ko ay nagsitabi na naman sa akin ang mga kilala ko and most of them are boys.
Hindi naman sa nagbubuhat ng bangko pero lahat ata ng nakapalibot dito sa akin ay nagtangkang manligaw sa akin pero tinaggihan ko dahil nga mayroon akong prioridad. Pero okay naman na siguro ang hindi nila pamimilit sa akin since kilala nila ang tatay ko dahil nga minsan ay namamasada siya ng jeep na ka ruta lang ng unibersidad.
"Lunch tayo mamaya Star, libre ko." Nakangiting sambit ni Rex.
"Kasama ko mga kaibigan ko eh." Nakangiting tanggi ko pero hindi na natapos ang usapan.
"Kamusta araw mo this last weekend?" Si Heron.
"Okay lang, kayo ba?" Sagot ko naman habang may hinahalukay sa bag para kunin ang binder.
"Actually masama, but okay naman na ngayon kasi nakita na kita."
Napaangat ang tingin ko sa kanila na ngayon ay nakangising aso lang. I just jokingly rolled my eyes at them at nagsimula nang magsulat ng kung ano ano. Hindi kasi ako sanay na napapalibutan ng ganito, na a appreciate ko naman ang atensyon na binibigay nila sa akin pero hindi naman ako uhaw sa atensyon.
Kahit pa nga wala sila riyan ay masaya na ako. Dinig ko rin kasi ang mga bulungan ng iba specially girls sa paligid at alam kong ako yung pinagbubulungan at alam ko rin na masama lahat ng impresyon nila sa akin dahil nga lapit ng lapit ang mga kaklase naming lalake. Pero hindi ko naman sila matulak dahil baka maging bastos pa ako.
Nagsibalikan na ang mga kaklase kong lalake sa kani kanilang upuan nang dumating na ang prof namin. Nakita ko pa ang isang irap sa akin na sikulian ko lang ng ngiti. Aba naman siya. Mahal ang irap ko para ibigay ko lang sa kanya no.
Nang matapos na ang klase ko ay pumunta agad akong mini park kung andun ba ang mga kaibigan ko at hindi nga ako nagkamali. Nagtaka lang ako nang makitang may kasama silang tatlong lalake. Sino na naman kaya ang mga to? Ah! Baka mga kaibigan ni Liam!
Dali dali akong pumunta roon at kumaway pa talaga para makita nila ako. Kumaway din si Helen dahilan ng pagtingin nilang lahat sa akin. Sinalubong ko sila ng nakangiti habang nakatingin lang sa mga kaibigan ni Liam. In fairnes. Lahat pogi walang patapon!
Pero kahit lahat sila ay pogi hindi maiwasan ng mga mata ko ang mapako sa isang mukhang pamilyar na lalake na kasalukuyang seryoso lang na nakatingin sa akin. I earned gossies from that stare pero hindi ko ito pinahalata. Sino kaya ang isang to? Mukhang pamilyar eh! I was busy squeezing my thoughts when Liam called my attention na ikinatayo ko ng maayos.
BINABASA MO ANG
Call of The Sea (Spain: Series 2)
Любовные романыSPAIN SERIES TWO "Gagawin ko ang lahat para lang maabot ang natatangi kong pangarap para sa inyo nay, tay!" Star Renato, a jolly and loud girl was born less fortunate yet she has the beauty and the brain. Gusto niyang magtapos ng pag aaral para buma...