Epilogue

7.4K 226 26
                                    

Ten years past

Crystal Point Of  View

"Sana masaya ka na ngayon, Sana mag kasama na kayo ni Bhea ngayon." Pagkausap ko sa lapida ni Vince.

Magkatabi sila ngayon ni Bhea, kaya naman alam kong masaya na siya ngayon. Sana masaya na silang dalawa kung nasaan man sila ngayon.

"Sana mapatawad mo ako, hayst! Kahit kaunting araw lang tayong nag kasama. Medyo sumaya ako dahil sayo, dahil sa kakulitan mo." Pagkausap ko pa rin sa kaniyang lapida.

Hindi ko naman namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

"Bakit kasi nangyari iyon? Bakit kasi ako pa ang rason?" Hikbing anas ko.

"Sinabi na sa akin ni Joshua na hindi ko na sisisihin yung sarili ko sa nangyari, kaso hindi ko mapigilang sisihin yung sarili ko eh." Mas dumami pa ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata.


"Panyo?"

Napatingin naman ako sa taong nag offer sa akin ng panyo.

"Ivan?" Gulat na gulat na singhal ko.

"Wipe your tears! You look like a crying baby." Biro naman niya sa akin kaya napangiti ako, bago kinuha ang inaabot niyang panyo sa akin.

"Thankyou." Pagpapasalamat ko sa kaniya.

"Nagamot na ako, ayos na ako. Pero ikaw, sinisisi mo pa rin ang sarili mo hanggang ngayon?" Tanong naman niya sa akin.

"Alam mo? Kung nasaan man si Vince at ang kapatid ko ngayon. Alam kong napatawad ka na nila." Dagdag pa niya, dahilan ng pag ngiti ko ulit.

"Ikaw ba? Napatawad mo na ako?" Seryoso ko namang tanong sa kaniya, habang pinupunasan pa ang luha sa aking mukha.

"Tawad? Sa palengke lang meron niyan." Tugon naman niya, kaya naman napanguso ako sa harapan niya.

"Joke lang hahaha, gusto lang naman kitang patawanin eh. Tsaka matagal na kitang napatawad. Ako nga dapat ang patawarin mo dahil sa ginawa ko sayo noon eh. Patawarin mo ako dahil sa ginawa ko sayo noon kinain lang kasi ako ng galit ko."

Tumaas naman agad ang isa kong kilay, "Weh? Paano yung kinain ka ng galit mo?" Biro ko pa sa kaniya.

"Ewan ko hahhaha!" tugon naman niya, kaya parehas na kaming natawa rito.

"Oh gash! Ivan mauuna na ako sayo." Nagmamadali ko namang saad sa kaniya at nag madaling maglakad palayo.

Napahinto naman ako at tinignan ulit siya. "Ivan! Napatawad na kita!" Sigaw ko pa sa kaniya.

Ngumiti naman siya sa akin, "Thankyou!"

"Sige, alis na ako!" Pagpapaalam ko sa kaniya, tsaka ako tumakbo papunta sa kotse ko.

Pinaandar ko naman agad ang kotse ko. Maya-maya lang ay nag ring na ang cellphone ko. Kaya agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag.

Seducing Mr. Agent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon