Innocent Psyche [One-Shot]

47 5 0
                                    

○●○●○

Johny Johny
Yes Papa?

Eating sugar?
no papa

Telling lies?
no papa

Open your mouth?
ah, ah, ah

Umiyak si Psyche habang pinapakinggan ang babaeng asal bata sa kanyang harapan. Nakaupo ito sa hospital bed at nakasuot ng puting damit katulad niya. Sinusuklay nito ang mahabang buhok ng manika na kamukha mismo ni Annabel habang kinakantahan. Kinakausap ang manika na parang anak at minsan ay iiyak. Sa tabi naman ng higaan niya'y isa ring babae na tumatawa nang walang dahilan, panay tingin sa larawan ng isang lalaki.  

Puti

Yun lamang ang tanging kulay na kanyang nakikita sa loob ng kwarto. Bawat ikot ng mga mata ay siya ring pagbuhos ng luha niya.

Pakawalan niyo ako rito!

Nakikiusap na sigaw niya dahilan para lamang pagtawanan ng nakapaligid. Isiniksik niya ang katawan sa pader, sinubsub ang ulo sa pagitan ng pinagdikit na mga tuhod habang pilit tinatakpan ang tenga ng mga kamay. Hindi gugustuhing marinig ang paligid.

Takot at pangamba. Iyan lamang ang kanyang naramdaman sa mga oras na iyon. Nanginginig ang kanyang katawan sa posibilidad na maging katulad siya nila.

"Mama, Papa, tulungan niyo po ako"

Paulit ulit lang na bulong niya sà utak.
Bumukas ang puting pinto at pumasok ang isang babaeng nakaputi rin pero ang pinagkaiba lang ay may matinong isip at dalang gamot panturok.

Patungo ito sa direksyon kung nasaan siya. Ayan na naman sila magbibigay ng walang kwentang gamot sa kanya. Wala siyang sakit, ilang beses paba kailangan ulitin 'yun. Napakasakit lang isipin na walang naniniwala sa kanya. Binalikan niya ulit kung paano nga ba siya napunta rito. Pero puro pulang likido lamang ang kanyang nakikita.

May 10, 2019

Isang makulimlim na sabado ng umaga, agad siyang nagising pagkarinig sa nabasag. Dali dali siyang bumaba para tignan kung ano ang nangyayari. Naabutan niya ang kanyang ina na hawak ang kamay at umaagos ang dugo rito.

"Mama, ano pong nangyari?"

Gulat na napalingon sa kanya ang ina at itinago ang kamay na may sugat.

Sa sahig ay mga nagkalat na bubog ng plato.

"Nadulas lang Psyche, nagising ba kita?"

Malambing na pahayag nito, pupulotin na sana niya ang mga bubog ng pinigilan siya ng ina.

Iginiya siya nito sa mesa para makapag agahan. Naroon na'rin ang kanyang ama at ate Sasha. Humalik muna siya sa pisngi ng ama bago umupo, ngumiti lamang ito. Lumipat ang tingin niya sa kanyang ate. Matalim ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya, natakot siya sa nakita at napalunok ng sunod-sunod. Galit pa'rin ito sa kanya.

"Happy Birthday Psyche baby!"

Sabay na pagbati ng kanyang mga magulang, may inilabas ang ina na isang chocolate cake, may pangalan niya.

"Make a wish then blow your cake labs!"

Pikit mata habang umuusal ng hiling si Psyche bago niya hinipan ang kandila. Isang masayang agahan ang kanilang pinagsalohan. Minsan lang sila maging kompleto kaya isa iyon sa mga importanteng araw na di niya makakalimutan.

Pinayagan siya ng ina na magshopping at binigyan pa ng card. Tuwang-tuwa tuloy siyang umakyat sa loob ng kwarto para magbihis. Bababa na sana siya nang hagdanan ng makita niya ang Ate Sasha niyang nakaabang sa dulo, nakahalukipkip ito habang tinatapunan siya nang nanguuyam na tingin. Lumapit ito sa kanya, ang puot sa mga mata nito ay parang bagyong handa siyang tangayin.

Innocent Psyche [One-Shot Story] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon