CHAPTER 12

77 5 4
                                    

"Love! Yung niluluto ko pakipatay, may kausap lang akong kliyente." Utos ko kay Dylan dahil naglalaro lang naman sya ng PS4 ay tumawag na yung isang conpany na dapat ay nung isang taon ko pa kausap. Nag change sdate kasi sila ng appointment.

And yes, live in na kami ni Dylan. Napapayag nya ako sa ilang buwan nyang pangungulit. Syempre nagpaalam rin kami kila Mama at Papa. May sarili na daw kaming isip at oras na daw para ako na ang mag decide sa sarili ko. Sobrang kportable na nga namin ni Dylan sa isa't isa. Sa condo nya kami tumira, yung kotse ko daw muna ang pag ipunan ko. Malinis sa gamit si Dylan kaya hindi ako nahihirapan mg maglinis. Palagi rin naman syang nasa meeting at ako ay abala sa trabaho. Masaya ako sa nararating namin parehas.

"Yes Ma'am, tomorrow 2pm. It's schedule then?" Nakangiti ako habang kausap sya. Dahil yung may ari ng company ang kausap ko at big time client ito kapag na close ko na ang deal.

"Alright, see you Ms. Garcia." Mabait yung boses nya pero alam mong mataray sya.

"See you Mrs. Thompson." Ibinaba ko na ang tawag ata tuwang tuwang lumapit kay Dylan.

"Love, tuloy meeting ko bukas." Excited kong banggit sa kanya. Pinatong ko yung dalang paa ko sa hita nya. Naglalaro parin siya.

"That's nice, do you want me to drive you or hiramin mo isang car? Para dika na mahirapan mag grab." Palaging wala sa choice yung gusto ko . Nakakaloka tong lalaking to.

"Grab" matipid kong sagot.

"Love can't we just agree to my suggestion? It's for your safety and my peace of mind as well." Over protective nya kasi pagdating sakin. Minsan inaaway ko na sya para lang wag na nya ako g ihatid o sunduin. May mga meetings kasi siya na minsan ay ginagabi siya.

"Okay, I don't want to argue with you. Gusto ko lang makita kang na frustated." Pinisil ko ilong niya.

"Halika na kakain na." Naglalaro pa rin siya at nainis ako dahil hindi niya pala pinatay yung niluluto ko.

"Jusko Dylan sabi kong pataying mo 'tong niluluto ko." Pinatay ko yung stove at nilapitan sya. Talagang hindi papaabala, kinuha ko yung remote at pinatay ko yung TV. Nakakainis to kapag naglalaro hindi mo maabala.

"Looove!!!" Tumayo sya at hinabol ako, niyakap nya ako at kiniliti. Sobrang lakas nya kaya hindi mo magawang pumalag.

"Ayaw ko talaga ng may kahati sa atensyon no? Masyado kang selosa." Kiniliti nya nanaman ako ulit.

"Dylan tigilan mo Hahahahahaha! Sasapakin kita isa! Hahahahaha" nung hindi na ako makaginga ay tinigilan nya na ako. Hinataw ko sya sa braso at umaray naman sya.

"Nagiging sadista kana ha." Reklamo nya habang pinagsasandok ako ng kanin.

"Deserved mo." Pang aasar ko sa kanya. Tahimik lang kami kumain. Parehas naming rest day, bihira lang magtugma ang schedule namin pero gumagawa sya ng paraan para magkaron kami ng quality time, that's what I like about him.

"Where do you want to go?" Dylan asked.

"Mall? I want to bake, let's buy some ingredients." Excited ko sinabi sa kanya.

"Mapapadali talaga ang kasal natin. Sobrang perfect mo ng asawa para sakin nyan." Nako Dylan kung hindi lang kita boyfriend sinapak na kita sa kasweetan mo.

"Mamatay ka sa pag titiis." Asar ko sa kanya. Palagi ko syang inaasar pagdating sa ganyan.

Natapos na kaming kumain at nagpaalam ako sa kanya na maliligo lang ako.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon