I LOVE YOU FROM AFAR
"Pst.. Dom."
"Huy ,, Pst,,,"
Nak ng,wait! Ako lang mag-isa dito ah!Pagtingin ko sa likod ko. BOOM!!
"Hule ka Dom hahaha! Sinong tinitignan mo dyan ha! Nagtatago ka pa talaga dito sa likod ng puno ha"
Nak ng! Pano ko nasundan ni Ken
"Loko ka Ken, Kanina ka pa ba dyan? Nagpapahangin lang ako, duling ka ba?"
"Nagpapahangin daw pero yung leeg halos nagiging giraffe na sa kakahaba may Makita lang"
Nak ng putcha ka ken.. Sh*t
"Huwag mo nga kong inaano dyan,tsk, Bat mo nga pala ako sinundan dito?Nababading ka na ba sakin, ilang minuto palang nung nagkahiwalay tayo ah!"
"Ulol mo pre! Nagpapatawag na kasi ng meeting si coach at may iaannounce daw sa atin! Nagtext siya sakin, alam ko kasing hindi mo dala cp mo kaya hinanap na kita para sabay na tayo, Sweet ko ba?"
"Ulol mo pre, umayos ka nga"
"Hahaha"
"Pero pano mo pala nalamang nandito ko?"
" nakita kasi kita kanina parang may tinataguan ka since nung magkahiwalay tayo kaya sinundan din kita ng palihim"
"Tsk.. Pre, Imbento, ako may tinataguan? Sa pogi kong toh? Kanino naman ako mahihiya!"
"Eto na naman tayo mr.Yabang,, tsk.. Tara na nga"
Walang ano-ano’y hinigit na nga ako ni ken papunta sa gym ng school namin. Nakita kong napansin kami ni Shy palabas sa punong pinagtataguan ko.Malayo-layo yun sa inuupuan niya pero kita kong tinignan niya kami habang papaalis sa lugar na yun.
And Yes, pinagtataguan ko si Shy dito sa likod ng puno. She’s the reason why I’m here always, panatag na mag-isa lang para lang masilayan ang kanyang mukha kahit sa saglit na oras lamang. Isa ako sa mga taong palihim na humahanga sa kanya, she’s the top one of our class. Beauty and Brains kumbaga .
Maraming naghahabol sakin dahil sa isa akong varsity player pero ewan ko ba bakit siya lang yung naka-agaw ng pansin ko.
Kapag papatak ang oras ng 11:11am. Lagi siyang mag-isang nakaupo sa may umbrella.Upuan siya na pwede mong pagtambayan kapag walang klase, iilan lang din ang pumupunta doon dahil masyado siyang malayo sa ibang building.
Kung masipag ka lang talaga maglakad at gusto mo ng katahimikan,that’s the right place to stay.
Lagi siyang nandun kasama yung gitara niya at minsa’y kumakanta din. Halatang dun siya nagpapalipas ng oras niya.
Isang beses lang ako napadpad doon dahil pinagtataguan ko si ken at nung may marinig akong kumakanta ay di ako nag-alinlangang tignan kung sino iyon dahil sa angking ganda ng boses nito.
Doon nagsimula ang simpleng paghanga ko sa kanya na hindi ko akalaing magtatagal pala. She knows me only as his classmate ,we’re not close, ni isang beses ay hindi pa kami nakakapag-usap kahit na 3 years ko na siyang kaklase but that’s okay for me because I’m contented to stare at her from afar.
"Dom,Ano nga pa lang ginagawa mo dun?"
"Dom,,Dom,,DOM,,,Huy!!!"
"Nak ng, Ken! Ano ba?"
Binatukan lang naman ako ni Ken,ANo bang problema nito?
"LoKO ka ba?Kanina pa kita kinakausap dit0 hindi moko sinasagot"