Kabanata 28

5K 51 0
                                    

Kabanata 28

I Can't

"Mauna ka na sa loob. I need to find a parking space," baritonong sambit ni Azriel nang makarating na kami dito sa labas ng hospital.

Tinanguan ko lang naman siya bago ako nagmadaling bumaba sa kotse at halos patakbo na akong pumasok sa ospital at dumiretso na kaagad ako sa nurse station upang itanong ang room number ng nanay ko.

Naiwanan ko kasi ang cellphone ko sa condo dahil sa sobra naming pagmamadali kaya't hindi ko na natawagan pa si Linsey para sa kaniya ko na lang sana itatanong kung nasaang floor at kwarto si Mommy.

"Excuse me po," magalang kong sambit sa nurse.

"Yes, Ma'am? How can I help you?"

"Gusto ko lang pong itanong kung anong room number ni Mrs. Althe-"

"Azalea Eve!" sigaw bigla ng isang pamilyar na boses na siyang pumutol sa pagtatanong ko sa nurse.

Napalingon na ako at natanaw ko kaagad ang pinsan ko na patakbong lumalapit sa akin.

"Ano ng lagay ni Mommy?" kabado kong tanong ng nasa harapan ko na siya .

"S-she's in c-coma, Eve," halos pabulong niya namang sagot na ikinaestatwa ko.

She's just kidding, right?

Nasampal, nasigawan, at itinakwil pa ako ni Mommy nung huli kaming nagkita kaya paanong...

"K-kailan pa?" nauutal kong tanong kahit na hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Almost three weeks na," sagot niya na ikinakuyom na ng aking kamao.

Ganoon na katagal pero kanina lang siya tumawag sa 'kin? Damn it!

"Bakit hindi mo ako tinawagan kaagad?!" pagalit ko naman ng tanong na ikinalamlam ng kaniyang mga mata.

"Dahil pinagbawalan ako nila Lola. Ayaw nilang madagdagan na naman ang mga iniisip mo pero hindi ko rin natiis kaya't tinatawagan na kita," she explained with a shaky voice.

"I'm sorry. Alam kong mas maaga ko dapat sinabi sayo," dagdag pa niya ngunit hindi ako umimik.

Napahilamos na lamang ako sa aking mukha dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Napayuko na lang din muna ako habang pilit kong kinakalma ang sarili ko.

Hindi ito ang tamang oras para magalit kaya't kailangan kong kumalma!

After a couple of seconds, tumungo na akong muli.

"Pasensya na talaga, Eve," ulit pa ni Linsey.

"I don't need an apology. I wanna see my mother now," I replied coldly to her.

"Let's go then. She's in the ICU," sagot niya naman kaagad bago kami nagtungo sa elevator at parehas na kaming nawalan ng imik hanggang sa nakarating na kami sa tamang palapag.

Bumaba na kami kaagad at naglakad papunta sa kwarto ni Mommy at sa bawat hakbang na ginagawa ko'y mas bumibigat lamang ang aking nararamdaman.

"This is her room," anunsyo na ni Linsey na ikinahinto ko na sa paglalakad.

Siya na rin ang nagbukas ng pinto at tuluyan na nga kaming pumasok sa loob.

Napakatahimik ng buong silid. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang tunog ng mga aparatong nakakabit sa nanay ko.

Unti-unti na rin akong naglakad papalapit sa kama niya at nang masilayan ko na ang kaniyang mukha ay agad nang nangilid ang luha sa aking mga mata.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon