Chapter 28

12.5K 207 1
                                    

Marissa's P.O.V.

Nakauwi na ako sa bahay. Pumasok ako sa kwarto at nilapag ang bag sa study table. Hinubad ko ang damit ko at dali-daling nagpalit. Muling bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok naman si ate.

"Maaga ka yata nakauwi ngayon ate." Bungad ko sa kanya.

"Hindi kasi traffic." Sagot n'ya at inasikaso ang sarili n'ya.

Hindi na ako umimik pa. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at binuksan ito. Inasahan kong makakatanggap ako ng mensahe mula kay Sean pero wala. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala. Binuksan ko ang TV saka nanood.

Maya-maya ay bumukas ang pinto at naunang pumasok si mama saka naman sumunod si papa. Tumayo ako at nilapitan sila. Nagmano ako at bumalik sa pwesto ko kanina.

"Marissa, ikaw na muna ang magluto ngayon." Sabi sa'kin ni mama at pumasok sa kwarto nila.

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Nagsaing ako sa rice cooker at hinugasan ang lulutuin ko. Nagsimula akong maghiwa ng bawang. Bigla akong natawa ng mahina nang naalala ko ang nangyari kahapon. Tumikhim ako upang pigilan ang ngiti ko dahil dumaan si ate sa tapat ko. Baka mamaya ay isipin n'yang nababaliw na ako dito.

Tapos na akong maghiwa ng mga gulay at nilinis ko naman ang mga kalat ko. Pagkatapos ay nagluto na ako ng ulam. Habang hinihintay ang niluluto ko ay inayos ko na ang hapag kainan. Nang naluto ko na ang ulam ay tinawag ko na sila para kumain. Kaagad naman silang nagsipunta dito at nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos namin kumain ay nagligpit na ako. Hinugasan ko na rin ang pinggan at pinunasan ang lamesa.

Pumunta ako sa sala at kinuha ang cellphone ko doon. Pumasok ako sa kwarto namin ni ate at binuksan ang cellphone. Wala pa ring mensahe ni Sean. Hindi ko alam kung bakit ako nag-aabang ng mensahe n'ya. Pero kasi nag-aalala ako sa kanya. Hindi na ako naghintay ng mensahe n'ya at ako na mismo ang nag-chat sa kanya.

Ako: Sean.

Itatanong ko sana kung ano ang ginagawa n'ya pero h'wag na lang. Hinintay ko na lang s'ya na mag-reply pero wala. Itinabi ko ang cellphone ko at kinuha ang isa sa libro ko saka nagbasa. Maya-maya ay nag-reply s'ya.

Sean: Yes?

Kaagad naman akong nag-type.

Ako: Nakauwi ka na ba?

H'wag 'yun. Binura ko 'yun at nag-isip ng iba.

Ako: Saan ka ba pumunta?

Muli ko 'yun binura at nag-isip ulit ng iba. Mukha akong girlfriend na nag-i-imbestiga.

Ako: Itatanong ko lang sana kung may quiz ba tayo bukas?

Tinanong ko 'yun kahit na alam kong wala naman.

Sean: Wala naman.

Mabilis pa sa alas kwarto ang reply ko.

Ako: Okay.

Nabasa n'ya ang mensahe ko pero hindi s'ya nag-reply. Inaasahan ko na mag-reply s'ya pero ano naman ng isasagot n'ya sa 'okay'? Muli akong nag-type.

Ako: By the way, nakauwi ka na ba?

Wala naman itong pinagkaiba sa kanina, Marissa. Kaagad ko itong binura at muling nag-isip ng iba.

Ako: Pahiram naman ng notes.

Muli ko na naman itong binura. Mayroon naman akong notes. At alam n'yang kompleto ako sa lahat.

Ako: Pwede ba akong pumunta sa bahay mo?

My goodness Marissa! Kaagad ko itong binura.

Sandali nga lang. Bakit ba gusto ko s'yang makausap ngayon? Nilapag ko ang cellphone sa mesa at sinabunutan ang sarili kong buhok. Para na akong baliw dito.

Ano naman ngayon kung hindi pa s'ya nakakauwi? Ano naman ngayon kung saan s'ya pumunta? Ano naman ngayon kung sino ang kasama n'ya?

May pakialam ako kasi best friend n'ya ako.

Pero best friend n'ya lang ako at hindi girlfriend. Hindi ko s'ya pag-aari. Wala akong karapatan na alamin kung nasaan s'ya. Kung nakauwi na ba s'ya at kung ano ang ginagawa n'ya.

Tuluyan kong itinabi ang cellphone ko at nagbasa ng libro. Makalipas ang isang oras ay inantok ako kaya natulog na ako.

***

Nakalabas na ako ng bahay at nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko ba si Sean sa bahay n'ya at sumabay sa kanya. Nagsimula akong humakbang papunta sa apartment ni Sean.

Kung pupunta ako doon, babalik lang rin ako dito mamaya. Papahirapan ko lang ang sarili ko.

Nakakawalong hakbang pa lang ako ay kaagad akong bumalik sa direksyon papunta sa train station. Pansin kong meron pa lang bata na nakakita sa'kin at napakunot ang noo nito sa'kin. Malamang ay nagtataka ito kung saan ba talaga ako pupunta.

Muli akong napahinto at lumingon sa likod ko. Pero kahit anino ni Sean ay wala akong nakita.

Bahala na nga.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa train station. Makalipas ang maraming minuto ay nakababa na ako at nagsimulang maglakad papunta sa school. Wala na akong ibang dinaanan pa at dumeretso na sa room namin. Nandito na ang iilan sa amin pero si Sean ay wala pa. Umupo na ako sa upuan ko at hinintay s'yang dumating.

Napapalingon ako sa pintuan sa tuwing mayroong pumapasok. Inaasahan ko na sana si Sean 'yun. Malapit na ang oras pero wala pa rin s'ya. Halos nandito na ang lahat ng classmate ko pero s'ya ay wala pa rin. Hindi pa rin s'ya dumarating. Muli akong napatingin sa oras. Limang minuto na lang ay magsisimula na ang klase namin.

Hindi ba s'ya papasok? Pero bakit? Ito ang unang araw na wala s'ya. May sakit ba s'ya? May lagnat ba s'ya? Pero alam ko na kahit may lagnat s'ya ay pipilitin n'ya pa ring pumasok. Ayaw na ayaw n'ya ang lumiliban sa klase. Muling bumukas ang pinto at pumasok ang professor namin.

Sh*t, wala pa rin s'ya.

Palihim akong natuwa dahil sumunod na pumasok si Sean at umupo sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos n'ya ang sarili n'ya at umupo ng maayos. Nang napansin n'yang mayroong nakatingin sa kanya ay nilingon n'ya ako. Umiwas ako ng tingin saglit at muling ibinalik ang tingin sa kanya. Nginitian ko s'ya ng kaunti at ngumiti rin s'ya pabalik. Kaso hindi umabot sa mga mata n'ya ang ngiti n'ya. Muli n'yang binaling ang atensyon sa harap at hindi ako kinausap.

Friends With Benefits (R18) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon