TWELVE

582 35 0
                                    

Ilang minuto ang nakalipas at nag-handa na kami para sa gagawing training. I literally waited for three minutes at hindi pa lumalabas si Felix. Ang init pa naman ngayon.

"Ang tagal mong baliw ka" reklamo ko habang papalapit siya sakin na tulak-tulak ang aking bisekleta.

"Sorry naman. May inayos lang ako dito sa bike mo"

"Bakit, may sira ba? Bagong bili pa naman yan"

"Wala naman. Kadena lang yung inayos ko kasi medyo maluwag" sagot niya at napatango ako. "Tara na. Kaunti nalang oras natin" sabi niya at nauna ng sumakay.

Umangkas ako at umupo sa likuran. Isang bisekleta lang ang gagamitin namin kasi ako lang naman daw 'yung tuturuan niya. I really hope this training goes well.

We arrived at the park. Sa kayrami-raming lugar na pwedeng puntahan, dito pa talaga. How can I focus? Ang dami-daming tao dito. Baka mapa-hiya ko lang sarili ko.

"Seriously, Felix? Dito talaga?"

"What's the problem? Maayos naman dito ah. Aside sa maganda na yung lugar, malawak pa yung space"

"Andaming tao, baka hindi ako makapag-focus"

"Ano ka ba, wag mo sila intindihin. Isipin mo nalang na tayong dalawa lang yung nandito" sagot niya. "Sakay ka na para makapag-simula na tayo"

I don't have a choice, as always. Andito na rin naman na ako kaya wala na akong rason para mag-back out. Tsaka sayang din yung pinunta namin dito kung wala lang kaming gagawin. Sumakay na ako at inihanda ang aking sarili.

I'm starting to get nervous, obviously. Nanginginig na din yung mga kamay kong nakahawak sa manibela. I'm trying my self to calm down.

"You ready? Mag-ingat ka ah, baka lumagpas ka dun sa dagat"  pananakot niya.

"Thank you, ha. It really helped me" I said sarcastically.

Napangiti naman siya at napailing-iling. "Kalma ka lang kasi. Just trust me, okay?"

Tiningnan ko siya at mukhang mapagkaka-tiwalaan naman 'tong siraulong 'to.

"Okay, ano ba gagawin ko?"

"It's simple. Dahan-dahan kitang itutulak and at the same time, dahan-dahan ka ding magpe-pedal"

"Is that it?"

"Yeah. Easy, right? And then after, bibitawan na kita"

Namilog ang aking mga mata sa kanyang sinabi. "Okay, I quit"

"Teka lang. Para dun lang ayaw mo na?"

"Why do you need to let go of me pa ba?"

"Eh Paano ka matuto kong nakatulak lang ako sayo palagi?"

"Paano pag ma-out of balance ako?"

"Edi tumayo ka. Ito naman di nag-iisip"

"Wow, sorry ah. Hindi ko naman kasi ginustong turuan mo 'ko"

Parang sasabay pa ata init ng mga ulo namin sa init ng panahon.

"Sige na ang dami mo pang sinasabi" iritado niyang wika. "Basta tandaan mo 'yung mga sinabi ko sayo, and don't ever forget to focus on the road, okay?"

Malalim akong napabuntong-hininga at hinanda ang aking sarili.

"Are you ready?"

Napatango ako at hinigpitan ang pagkaka-hawak sa manibela. He started to pushed me slowly kaya ginawa ko ang sinabi niya sakin. Nag-pedal ako ng dahan-dahan habang naka-alalay lang siya sa aking likuran. Pagewang-gewang pa ako sa umpisa at hindi pa masyadong nakakapag-balanse.

Ilang ulit pa at paniguradong makukuha ko 'to. Felix and I tried many times hanggang sa nakuha ko na. Ramdam ko namang binitawan niya na ako kaya nag-umpisa na naman akong kabahan, but I still remained focus and calm as what he said. Paikot-ikot ako sa malawak na park. It feels like solo ko ang buong lugar dahil sa ako lang mismo yung nagbi-bisekleta sa mga oras na 'to.

Nilalanghap ko ang sariwang hangin na dumadampi sa aking mukha. Naiintindihan ko na kung bakit gustong-gusto nila ako matutong mag-bisekleta. Nakaka-relax sa pakiramdam. Lalo na't dito ka pa sa maganda at malawak na lugar nagpapatakbo.

Napapikit ako dahil sa preskong hangin na sumasalubong sakin. Pero nang pagdilat ko ay biglang tumambad saking harapan ang isang malaking bato sa daan. Hindi agad ako nakaiwas kaya natamaan ko ito dahilan para ako'y matumba. Nakahandusay ako sa sahig habang nakapatong saking kaliwang binti ang bisekleta.

"Shit" I groaned.

Kumaripas ng takbo si Felix papunta sa direksyon ko. Agad niyang ini-angat ang bisekleta na siya naman nitong pag-kirot ng biglaan sa aking binti. Napapikit ako dahil sa sakit.

"Sorry. Masakit ba?" napatango lang ako bilang sagot. "Dalhin nalang kita sa ospital. Baka lumala pa yan"

I can't move. It's painful.

*****

"Oh, sabi ng doktor kailangan mo muna daw mag-pahinga para gumaling 'yang binto mo. May na-ipit daw na ugat diyan nung nadaganan ka kanina. Buti na nga lang at hindi malala ang nangyari sayo. Tsaka yung gamot mo, wag mo kalimutan" paulit-ulit nitong sabi habang tulak-tulak ang wheelchair kung saan ako naka-upo. Kakagaling lang namin sa doktor at palabas na kami ng ospital.

"Ilang araw daw bago ako gumaling?"

"1 week, I think"

"1 week? So, that means I can't go to the event?"

"Obviously, you're literally on a wheelchair right now. Tsaka mas uunahin mo pa talaga 'yung event kesa diyan sa kalagayan mo? Magpahinga ka nalang sa bahay"

"But I want to go. I just think that it would be fun"

"Palusot ka pa. Gusto mo lang akong marinig kumanta eh"

"In your dreams. Okay na akong hindi marining boses mo noh baka lumala pa 'tong binti ko"

"I can't blame you though" sabi nito at inilapit ang kanyang mukha sa kanang bahagi ng likuran ko. "Baka kasi magka-gusto ka sakin kapag narinig mo boses ko" he wisphered.

"Ang yabang mo talaga" reaksyon ko. "Saglit lang, diba may practice ka pa?"

His eyes widened as he remembered. "Shit. Oo nga pala"

"Umalis ka na. You can leave me here, kaya ko na 'to"

"No, you can't. Ihahatid muna kita sa bahay tsaka na ako di-diretso sa university"

"Felix, don't you get it? You're late. Baka mapagalitan ka pa ng org leader niyo"

"Edi magalit siya" sagot niya. "I just want you to be safe, okay?"

Hindi nalang ako umangal pa at hinayaan nalang siya.

To be continued.

FALLINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon