Author's Note: Please tell me what you like and don't like about this chapter, leave some comment. Enjoy reading. Stay safe and God bless!
"WELCOME back to the Philippines. The country where traffic is the trending issue mula noon hanggang ngayon at wala na yatang balak baguhin pa." Naiinis na sabi ni Lana na nagda-drive sa tabi niya.
Hindi siya sumagot, bagkus ay ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana at pumikit. Hahayaan nalang niyang isipin ng kaibigan na nakatulog na siya. Wala kasi siya sa mood na makipag-usap muna. Nawiwindang ang diwa niya at nagugulo ang isip niya.
Kung bakit ba naman kasi kailangang makita agad niya ang lalaki sa unang araw nang pagbalik niya sa bansa? Pwede namang sa isang araw nalang, sa isang linggo o kaya kahit huwag na siguro ay ayos lang sa kaniya.
Pinigil na n'ya ang isip na pumunta sa alalahanin na sa ngayon ay ayaw na muna niyang isipin. Tapos na ang lahat. Okay ka na kaya 'wag kang emotera.
"Oy, friend sa taas ka na magtuloy ng tulog para mas komportable ka." Naguguluhang tumingin siya sa kaibigan. Nagpalinga-linga siya sa paligid at nang maunawaan na nasa parking lot na sila ng condominium unit nito ay agad siyang nagtanggal ng seatbelt at bumaba ng sasakyan.
"Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako."
"Jet lag 'yan. Hayaan mo at maayos nanaman ang kwartong gagamitin mo sa taas. Pagdating natin do'n ay pwede ka na agad humiga at matulog. Kumain ka ba?" Derederetsong tanong ng kaibigan niya habang papasok kami sa building at patungo sa elevator hila-hila ang mga gamit niya.
Nilingon niya ang kaibigan ng makapasok na sila at pindutin nito ang floor ng unit nito. "Oo kumain ako ng kaunti kanina sa flight saka hindi talaga ako inaatok kasi nakatulog naman ako sa byahe. Baka nag-a-adjust lang 'yong katawan ko sa time difference."
Nang makarating sa floor ay agad naman silang pumunta sa unit nito. Napatili siya at napatalon sa kinatatayuan ng magbukas ang pinto ng unit ni Lana at salubungin siya ng isang malakas na hiyawan ng 'welcome back' at may pa-confetti pa ang mga ito.
Nang makabawi ay agad siyang natawa sa sarili at kalaunan ay ngumiti sa mga taong sumalubong sa kaniya.
"May pa-effect kayo na ganito ha. Naku, mga sipsip lang kayo e." Natatawang biro niya sa mga tao roon. Nagtawanan ang mga ito saka isa-isang lumapit sa kaniya upang yakapin siya o kamayan o halikan sa pisngi. She spend the next thirty wonderful minutes answering questions about her life in America or asking them the same question and listening to their answers.
Nang makatakas panandalian ay natagpuan niya si Lana sa kusina. Sinundot niya ang tagiliran nito na agad namang nagpaigtad sa kaibigan. Alam kasi niyang may kiliti ito roon. "May paganito ka ha. Buti at na-contact mo ang mga 'yan?"
Ang tinutukoy niya ay ang mga common friends nila. Mahigit dalawangpu ang nandoon ngayon sa unit nito at ang iba naman talaga ay hindi niya personal na kilala pero dahil friend of friend ay malamang na nahila lang ang mga ito na dumalo.
"Sila Jean at Marlon lang ang sinabihan ko na pumunta pero dahil sadyang taklesa si Jean at masyadong hayok sa party 'yang si Marlon ay ako na ang napilit nilang gawan ka ng ganito. Ang balak ko talaga ay tahimik na dinner lang 'no? Kaya lang, sabi nung dalawa ay ito ang mga tipo na gusto mo kaya," nagkibit-balikat ito saka muling humarap sa sink upang ituloy ang paghuhugas ng kamay. "Go lang."
"Na-invade ang space mo? Dapat kasi tumanggi ka nalang if you don't want. Okay lang naman sakin na walang ganito e." Pahayag niya sa kaibigan dahil alam niya kung gaano nito pinapahalagahan ang privacy nito although alam din niyang party goer ito katulad nila.
BINABASA MO ANG
Begin Again (ANAC book 2-on going)
Novela JuvenilJeremy Kifler is the epitome of rich, too handsome and very available bachelor. But he was also deeply scarred because the last time he fell in love, the girl ended up marrying her brother. Kaya nga ba ang dating mabait, maalalahanin at palangiting...