Kabanata 18

43 5 0
                                    

Nasa isang kubo ako , umuulan sa labas at sobrang dilim , may pintuan ang kubo pero alam kong isang sipa lang ay masisira yon

Habang nasa isang sulok ako ng kubo ay nakita kong may tao sa labas , natatakot ako pero pinipilit kong itago ang sarili ko

Nakita kong pinipilit niyang buksan ang pintuan kaya napahawak ako sa bibig ko para walang lumabas na boses doon

Ng mabuksan niya ang pintuan ay nakatago parin ako sa gilid , ngunit halos mahimatay ako sa kaba ng bigla siyang humarap sakin , palapit siya ng palapit kaya ako namanal ay paatras ng paatras , ng bigla siyang mag salita

"Tala mahal ko " sambit niya

Agad naman akong napatingin sa kanya

"Luigi ikaw ba yan ? " tanong ko

Nakita kong tumango siya kaya agad akong tumakbo sa kanya at niyakap siya

"Akala ko ibang tao " sambit ko habang nanginginig pa rin ako

"Natakot ko ba ang prinsesa ko ? " tanong niya

Tumango ako habang nakayakap parin sa kanya, lumayo siya sa pagkakayakap ko at ngumiti sakin

"Wag kang matatakot kase lagi ako nandiyan para iligtas ka , lagi akong nandito para sayo " sambit niya

Ngumiti ako at hinalikan siya , pero humiwalay din ako agad

Umupo kame sa isa sa mga upuan at magkayakap

"Mahal na mahal kita Tala " sambit niya

"Mahal na mahal din kita Luigi " sambit ko den

Malakas parin ang ulan at mas lalong lumalamig , naramdaman kong hinawakan niya ang baba ko at pinaharap ako sa kanya hinalikan niya ako ng madiin hanggang sa unti unti na itong naging mapusok

Hinalikan niya ako hanggang sa bumaba ang halik niya sa leeg ko , napaka sarap niyang humalik

Dahan dahan niya akong inihiga at nasa taas ko siya habang hinahalikan parin ako , naramdaman ko rin nag likot na ang kamay niya , at hind ko namalayan na nakahubo't hubad na pala kame

"Handa ka ba ? " tanong niya

Hinalikan ko lamang siya at tumango , naramdaman ko ang dahan dahang pag pasok ng pagkalalaki niya sakin , masakit at mahapdi pero tiniis ko para sa ikakasaya namin , at nangyare na nga ang dapat mangyare

Nakahiga kameng dalawa habang nakayakap siya sakin , medyo tumila na rin ang ulan , tulala ako nung bigla siyang magsalita

"Nag sisisi kaba sa nangyare ? "  Tanong niya

Agad akong umiling at humarap sa kanya tsaka yumakap sa bewang niya

"Hinding hindi ko pag sisisihan ang pinag saluhan natin , hinding hindi ako mag sisisi na ibinigay ko sayo ang iniingatan ko , may tiwala ako sayo at mahal na mahal kita kaya wala akong pinag sisisihan " sagot ko

Nakita ko ang pangingilid ng luha niya kaya agad niya akong hinalikan sa noo

"Mahal na mahal kita Tala , hindi ko makakaya pag nawala ka " sambit niya at tumulo ang luha niya

"Hinding hindi ko rin makakayang mawala ka , mahal na mahal din kita " sagot ko at naramdaman din ang pag tulo ng luha ko

Agad niyang hinuli ang labi ko at hinalikan niya ako ng mahinhin at puno ng pag mamahal .

Iminulat ko ang mata ko at ramdam kong basang basa ng luha ang mga pisngi ko , sana totoo nalang ang panaginip , sana totoo nalang sambit ko sa sarili tsaka ako humagulgol ng iyak

Tumingin ako sa orasan at nakitang alas singko na , wala kameng pasok ngayong araw dahil may pupuntahan ang mga teacher kaya balak ko sanang mamasyal at aliwin ang sarili ko

Pasado alas syete ng naisipan kong lumabas ng kwarto at nakita kong nag hahain na sila mama sa mesa para sa umagahan

"Oh tara kain na " aya ni mama

Tumango lamang ako at umupo na sa harap ng hapag kainan , kumakaen lamang kame ng biglang mag salita si papa

"Pupunta ako sa lupain mamaya dahil may balak akong ipatayo roon , ang mama niyo naman ay mamimitas ng prutas para ipamahagi sa simbahan , kayo may gagawin ba kayo ? " tanong ni papa

" Pupunta po ako sa kabilang bayan para ayusin ang building na ipinapatayo " sagot ni Kuya Mar

"Ako naman po balak po naming mag video games at mag basketball ng mga tropa ko " sambit ni kuya Hex

"Ikaw Tala anak saan ka ? " Tanong ni mama

"Balak ko pong mamasyal at mag libang " sagot ko

Tumango lamang sila at pagkatapos namin kumaen ay pumasok na ako sa kwarto para makapag ayos

Pagkatapos ko maligo ay nag suot lamang ako tshirt at sexy short tsaka ako nag rubber , lumabas na ako para mag paalam para pumunta ng bayan

"Sumabay kana sakin " sambit ni kuya Mar

Kaya tumango na lamang ako , nung paalis na kame ay humalik na ako kila mama at papa bago ako sumakay , pagkarating namin sa bayan ay humalik na ako kay kuya at bumaba

"Mag iingat ka ha ? " Sambit ni kuya at tumango lamang ako

Naglibot libot lamang ako at bumili lang ng mga makikita ko at kumaen rin , may nakita akong isang bracelet na may palawit na babae at lalake na mag kahawak kamay , gandang ganda ako sa bracelet kaya naisipan kong bilhin ito . Isinuot ko na ito kasama ang bracelet na bigay ni  Neva

Alas tres na nang mapag pasyahan kong umuwi na , sumakay na ako sa trycicle at habang nasa loob ako ng trycicle ay may naisipan akong pumunta sa Narem Falls kaya dun na ako idineretso ni kuya , pagkarating namin ay bumaba na ako at inabot ang bayad , naglakad ako papunta don at pagkarating ko ay nakita kong may lalakeng nakaupo doon , grabe ang kaba ko pero nag patuloy ako , tumabi ako sa kanya at nag salita

"Andito ka pala " sambit ko

Tumingin naman siya sakin at tumango

"Maganda kase dito kaya dito ko na naisipang tumambay " sambit niya

"Ikaw buti naka punta ka dito ? " sambit niya

"Hmm wala lang galing kase akong bayan super stress kaya nag pa deretso ako dito " sagot ko

Tumango lang siya at tumingin sa tubig ganun din ako , walang nag salita . Ganun lamang kame ng ilang oras

Alas singko na kaya napag pasyahan ko ng umuwi , kaya tumayo na ako

"Mauuna na ako " sambit ko

"Ambilis naman " sagot niya

Kailangan ko ng umalis kase nasasaktan lang ako pag kasama kita , Luigi Mahal na mahal kita at nahihirapan akong itago yon pag nakaharap ako sayo

Gusto kong isambit yan pero pinigilan ko ang sarili ko

"Hmm baka kase hinahanap na ako eh , ahm nga pala congrats " sambit ko , nasaktan ako at gusto ko ng umiyak pero pinipilit kong palakasin ang loob ko

"Salamat "sagot niya " sige mag iingat ka pauwi "

Tumalikod na ako at dun na nag si labasan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan

Blurry Romantic Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now