Kabanata 1: Ang Piging
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na karating ng Ilog-Binundok.
Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan.
Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si pari Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.
Padre Damaso: “Sa loob ng dalampung taon kong pananatili sa San Diego, kilala ko na ang halos anim na libong taong naninirahan doon na itinuring kong aking mga anak. Ngunit nang ako’y mapaliltan bilang kura, iilang hermno tersoro at matatandang babae lamang ang naghatid sa akin.”
Binata: “May kaugnayan po ba ang inyong sinasabi sa pag-aangkat ng tabako?”
Padre Damaso: “Ang repormang ginagawa ng ministro ay hindi tama”
Binata: “May katotohanan ba ang paniniwalang ang mga Pilipino ay mangmang na nagiging sanhi ng mabagal na pag-unlad ng bayan?”
Padre Damaso; “Wala nang mas may hihigit pa sa kamangmangan ng mga Indio.”
Padre Sibyl: “Hindi ka ba nasisiyahan sa dalawampung taong paininirahan ninyo sa San Diego?”
Padre Damaso: “Hindi!”
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.
Tinyente: “Padre, ang inyong pagkakalipat ay dahil umano sa inyong utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki dahil lamang sa hindi pangungumpisal.”
Padre Damaso: “Hindi iyon makatarungan!”
Tinyente: “Padre Damaso, ayon sa Kapitan Heneral ang inyong ginawa ay itinuturing na kabuktutan, kaya ang paglipat sa’yo sa ibang parokya ang naging parusa.”
(Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit.)Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere (Role Play Script)
RandomIto po ang ginawa kong script noong Grade 9 ako. Ang last chapters po (49-64) ay blangko po kinuha ko po kasi iyon sa ibang scripts dito sa wattpad. Nasa Kabanata 49-64 ang ilan pang detalye tungkol sa manunulat ng script na sinasabi ko. ❗BEWARE OF...