When you are lost para kang patay na gumagalaw.Yung tipong ngumingiti ka na lang para sa iba kung minsan nga ay Hindi na talaga
Parang ma ilap sayo ang ligaya.Yung pati tawa ay tinataguan ka.hindi mo na alam kung nasaan ka
Kaya kailangan natin alamin kung sino ba talaga tayo at kung na saan ba talaga tayo and When you already know kung sino ka malalaman mo kung bakit Hindi ka masaya.ayaw mo ba sa pamilya mo dahil prinipresure ka nila.Ayaw mo ba sa friends dahil pinaparewara ka nila.Ayaw mo ba sa kurso na tinitake mo ngayon pero nahihiya ka lang sa mga magulang mong mag sabi.Ano?bakit Hindi ka masaya?bakit Hindi ka nakukuntento?
Masyado tayong nabibighani sa mga taong ang kikinang, ang gagaling, ang tatalino, ang perfect, ang gaganda.Tinatanong mo pa sa sarili mo kung anong meron siya ng wala ka.may mukha siya may mukha ka rin naman.May kamay siya may kamay ka rin naman.Parehas lang naman kayo tao at mas sumisimba ka pa sa kanya kaya bakit mas mukha siyang pinagpala kaysa sa sayo?
Minsan ang sarap ng e-untog ng ulo mo sa pader sa subrang frustrated mo.Yung Gusto mong abutin ng bagay na yun pero alam mong para impossible naman.Yung gusto mong maging artista pero panay tanggi sila.Yung gusto mo maging teacher pero bagsak ka naman sa board exam yung alam mong gusto mo at diserve mo yun dahil matagal mong pinangarap, matagal mong pinaghirapan, pinagpuyatan mo pero bakit kulang na kulang ka parin para abutin yon!nakakagago!at nakakawalang gana!
bakit?bakit?------BAKIT GANON?
Well chill!baka kasi darling kailangan mo ng pahinga.Mag refresh ka muna.Hinga ng malalim!at mag pray ka kay God!baka kasi napagod ka lang.Palagi mo kasing iniisip na para sayo yun kaya parang tangang hinahabol yun kahit klaro namang Hindi para sa iyo yun.
Gaya nga ng sabi ko Hindi naman mali na i-pecture out ang ending ng paglalakbay mo ang kaso baka Hindi mo na alam kung na saan ka!Baka sa paglalakbay mo di mo namalayan na nasa bangin ka na pala.Sa subrang pag-iisip mo sa distinasyon sige ka na lang ng sige go ka lang ng go para lang makapunta ka doon ng mas maaga may short-cut ka pang nalalaman.Guys mahaba ang byahe papuntang pangarap kaya chill ka lang!wag madali, sige ka baka ma-aksidente ka sa daan sa pagmamadali mo.
Maraming bagay kang madadaanan tulad ng love life, isipin mo kung worth it ba siyang hintoan at mag stay na sa piling niya or worth it ba siyang isama sa byahe mo papuntang sa pangarap mo, well mag ingat baka pabigat lang yan sa byahe mo---wow naging bitter, hahaha!
Hindi din natin mapigilan ang maubosan ng gasolina kaya dapat huminto muna at mag trabaho para makabili ng gasolina at magpatuloy ulit sa paglalakbay
Baka sarado ang daan papunta doon kaya kailangan mag hanap ng panibagong ruta para makaabot ka sa pupuntahan mo
Sa paglalakbay mo rin may madadaanan ka rin na mga magagandang distinasyon na pinapangarap ding mapuntahan ng iba at Hindi masamang mag stop over doon dahil malay mo mas maganda pa pala doon kaysa sa distinasyon na nasa plano mo
Dream is just a road trip...maraming challenges at problemang di inaasahan pero ang mahalaga masaya ka...napuntahan mo man ang distinasyon mo or Hindi
Meron din tayong insecurities sa sarili at bad habit sa katawan at mga negative side pa natin na ang sarap tanggalin sa sarili mo pero anong magagawa natin, yan tayo eh.Kailangan talaga natin tanggapin ang sarili natin dahil walang sigundong Hindi natin kasama ang ating sarili.Kaya nating ngumiti sa iba, kaya din nating magpaganda para sa napupusoan natin, kaya nating maging proud para mahal natin sa buhay kaya bakit Hindi natin kaya para sa sarili natin diba?
Kaya mong i- improve ang sarili mo kung gugustohin mo lang pero Hindi dahil nasasaktan ka lang.stand up for your self not for others.Titigil ako sa bisyo ko dahil na realize ko nakakasama pala yun sa sarili ko at Hindi pala ako nagmumukhang cool ng dahil don.Magpapayat ako para sarili ko to look good and have confidence at Hindi para matigil silang laitin ako
Love your self is really hard to do lalo na kung Hindi umaayon sa gusto mo ang nagyayari pero Hindi dapat saktan at kawawain mo ang sarili mo dahil deserve ng sarili mo ang higit pa sa iniisip mong deserve mo.
you're all Queens and kings, sabihin niyo sa sarili niyo na maganda kayo at gwapo dahil kung Hindi kayo magsasabi edi wala nang magsasabi sa inyo niyan
Hindi na kakaganda ng sinasabi ng iba na maganda ka.Hindi rin nakakatalino kung sinabi ng iba na Ang talino mo pero nakakaganda pag sinabi nilang ang pangit mo.Ang sarap mag-aral pag sinasabi ng ibang ang bobo mo
Yes I know na sinabi Kong Hindi dapat para sa kanila kaya ka magbabago...Hindi naman talaga para sa kanila.hindi din naman sila gaganda kung magpapaganda ka hindi naman sila ang makakakuha ng mataas na grades kung ikaw ang na perfect in short ikaw ang nakinabang sa pinagagawa nilang masama sayo kaya kung linait ka magpasalamat ka!wag kang umiyak!
Wag mong masyadong e-push ang sarili mo lalo na kung burn na burn ka at drained ka na dahil wala ka talagang patutungohan niyan.sabi nga ng kaibigan ko na kung napapagod ka na himinto ka dahil masasayang lang ang ginagawa mo pagpinagpatuloy mo pa.so Hinto ka at magpahinga para bukas laban ulit.siguraduhin din na kahit pagod ka masaya ka parin at satisfying yung pagod hindi yung pagod ka pero wala kang maramdamdaman at parang gusto mo ng makawala
Love yourself more than your lover, your parents, your siblings, your friends, the people surround you...pero love Jesus more than anything you have
"Don't be too harsh sa sarili mo dahil ang sarili mo ang huling taong iiwan sayo"
The lesson of the story is:
______________________________________
Hi guys! Kahit wala namang reader ay masaya ako na naisulat ko toh.Wala lang ang sarap lang sa pakiramdam na ang first na natapos mo na kuwento ay tungkol sa napagdaanan ko.Ang raming taon na kwinisyon ko ang sarili ko, ang kahalagahan ko pero maganda parin ako, chur! Gusto ko rin na malaman ng iba na mahalaga sila at mas pahalgahan pa ang sarili nila!Ghorl and Dude you deserve much better.Pray always guys lalo na ngayong covid!sana nakatulong toh!God bless!
PS:mapipindot ko na rin ang completed!yieeee!!!
YOU ARE READING
love yourself |completed|
Short StoryLove yourself is a book that makes you love yourself and know your worth. Just read and you will know what I'm saying! ( completed)