Damien
"Ising,may ipagtatapat sana ako sa'yo." tumingin ako ng diretso sa mga mata nito;kinakabahan ako pero sinupil ko iyon. Matagal ko ng nililigawan si Ising at ngayong may lakas ng loob na akong ayain siya ay lulubos lubusin ko na. Tibay lang ng loob 'to mga tol!
Ngumiti si Ising sa'ken saka dahan dahang pinadulas sa dibdib ko ang kamay nito. Napalunok ako,saka tinago sa bulsa ang panginginig ng kamay.
Isa si Ising sa pinakamagandang babae sa aming baryo,pila pila din ang mga manliligaw nito pero maswerte ako dahil sa dami namin ay nakuha ko ang kanyang atensyon.
Hindi naman sa pagmamayabang pero sa lahat ng manliligaw ni Ising ay ako ang lamang pag dating sa itsura;hindi rin ako papahuli pagdating sa ganda ng katawan. Ngumisi ako sa naisip.
"Ano iyon Damien?." Pinapungay nito ang mata saka patuloy pa din sa pagdama ng dibdib ko. "Ang macho mo talaga!" Bumaba naman ang kamay nito sa tiyan ko,matigas 'yun at walang fats kahit malakas akong kumain,dahil na din siguro sa pagtatrabaho ko sa sakahan at pagbubuhat ng sako-sakong bigas. Dagdag pa na ako ang nag-aararo sa palayan para makatulong kay Mamang at Papang sa pang gastos namin sa bahay.
Hinawakan ko ang kamay nito saka nilayo;nadidistract ako 'dun. Luminga linga pa'ko sa paligid dahil baka mabulilyaso na naman ni Menggay ang plano ko.
Hindi iyon maari kaya ng makita kong walang tao at puros mga puno lang ang nasa paligid namin ay nilabas ko ang maliit na box sa bulsa. Rinig ko naman ang pagsinghap ng babae. Tinignan ko muli siya saka prinesenta ang promise ring na binili ko pa sa maynila noong lumuwas ako sa baryo namin.
"Ising,mahal kita at matagal na kitang nililigawan. Gusto ko sanang maging tayo na?" napatakip ito ng bibig saka nanlalaki ang mga matang nakatingin saken;tila hindi makapaniwala sa nangyayari.
Maya-maya ay sumilay ang masayang ngiti nito. Akmang sasagot na si Ising nang mula sa kung saan ay may boses na nambulabog sa tahimik na lugar.Napapikit ako ng mariin,tinatago ang inis at panghihinayang na nararamdaman.
"Damien. My love!" Gigil na napalingon ako kay Menggay,siya lang naman ang babaeng may lakas ng loob na tawagin ako sa ganung salita at sirain ang mga diskarte ko.
Bigla ay nakaramdam ako ng matinding kaba,kilala ko si Menggay. Paniguradong sisirain nito ang ano mang meron kami ni Ising;at iyon ang ayaw kong mangyari dahil totoong gusto ko si Ising. Iba ito sa mga babaeng nauna kong ligawan,at lahat ng katangiang gusto ko sa isang babae ay nasa kanya na lahat.
Simula ng iligtas ko si Menggay sa muntikang pagkahulog sa kabayo ay lantaran na ako nitong niligawan,sinundan at kinulit para lang mapansin at mapa-ibig ako. Napaismid ako,galit na tinapunan ang papalapit nitong pigura. Ngiting-ngiti ito,pero masama ang pagkakatingin kay Ising.
Walang araw na hindi ito pumalya simula ng ligawan ako;araw-araw ay may tsokolate at sunflower akong natatanggap dito.Si Rael lang ang nakikinabang 'dun dahil mahilig sa matatamis ang isang 'yon. Saka ano ako babae? Tss.
Marami siyang pakulo na ginagawa pero nauuwi lang lahat yun sa pambabasted ko. Pero makulit ang babae;masyado itong pursigido kaya araw-araw ay may bago itong plano;na nauuwi din naman sa wala.
Ang kinaiinisan ko pa ay ang panghaharana nito sa bintana ng bahay namin dis oras ng gabi,aaminin kong maganda ang boses niya pero hindi ibig sabihin nun ay magugustuhan ko na ang ginagawa nito.
Pero iba ang mga magulang ko,tuwang tuwa naman ang mga ito pag nagagawi si Menggay sa amin kaya hindi ko ito magawang ipagtabuyan pag nasa bahay namin.
Ang tingin ng mga magulang ko dito ay isang anak na babae at botong boto sila sa amin. Lahat din ng mga kakilala at ka-close ko ay kinakaibigan niya;lalo na si Rael. Lagi niyang sinusuhulan ng matatamis na pagkain 'yun kaya madalas na magtagumpay ang plano niya. Lahat ginagawa niya para ipakita saken ang pagmamahal "daw." niya. Hindi pagmamahal 'yun,sadyang malakas lang ang topak niya.
BINABASA MO ANG
Megara Dela Paz
RomanceIsang tomboy tapos isang barako? Maiinlove sa isa't isa? Nah,imposible 'yon. Pero sa love? May imposible ba?