Chapter 2

41 23 0
                                    


         Natapos yung first and second subject ko na wala akong maintindihan. Mamaya manhihiram na lang ako ng notes ng mga kaklase ko. Hindi na rin muna ako nagbabasa ng novels later. Balak ko pa naman sana ulitin yung A Walk To Remember ni Nicho. Kilala mo Yun? Fan din kasi ako ni Nicholas Sparks , ang gaganda kasi nung mga love stories na sinulat niya. Anyway, recess na!

"Alexis, pasama naman sa canteen oh, nagugutom na ako." Sabi ko Kay Alexis. Friend ko.

"Sure, wait lang ateng, isasama ko lang si Kenzou." sagot niya at pumasok ulit sa room.

Nasa labas ako ngayon papunta sa canteen. Hindi kasi ako nag almusal. Baka magkasakit pa'ko. Kuripot ako actually, kahit itanong niyo pa sa mga kaibigan ko. Wag lang ako nakakita ng mouthwatering na foods, especially 'CHEESE' anything na may cheese!

Yun na nga, pagkadating namin sa canteen, pumila na agad ako. Nang bigla kong mahagilap si sir Jericault kasama ang ilang teachers.

Dug.dug.dug
Dug.dug.dug

Shocks! Ito nanaman 'tong mga nagkakarerahan na kabayo sa dibdib ko. Nakita kong umupo sila dun sa isang round table sa di kalayuan. Nakaharap siya sa direksiyon ko kaya't kitang kita ko kung paano siya ngumiti. Awww~
Ang gwapo at ang cute niya talaga.

"Uy, mader! Kanina ka pa tinatanong ni kuya. Ano daw ba ang bibilhin mo?" Natauhan naman ako sa sinabi ni Alexis na nakapulupot yung braso kay Kenzou. Wag kayong judgemental. Ganyan lang kaming tatlo. Normal lang samin yan.

"A-ay! Sorry po kuya."

"Anong sayo? Pakibilisan at marami pang nakapila" ang taray naman nito.

'Anong sayo' daw? Parang annyeonghaseyo lang. Hhahahah.

Ay teka oo nga pala!

"Ahm.. isang lemon square cheesecake, calcheese at isang mineral water--I mean nature spring po pala. Hihi." Sagot ko kay kuyang masungit at inabot ko yung 50 pesos ko. Ginto na sakin to no?
Binigay naman sakin yung mga binili ko at ang 15 pesos na sukli. Balak ko pa sana tumambay sa canteen saglit nang narealize ko na kasama ko pala sila Alexis. Ayokong magtanong sila kung bakit ko gustong tumambay dito na alam nilang hindi ako mahilig tumambay. Ayoko may makaalam na crush ko si sir Jericault. Kasi sure ako kakalat yun sa classroom at pati na rin sa buong campus.

Waaaaaaaah!!!
Ayoko mangyari yun!
No way! Ayoko makipagsabayan dun sa mga babaeng tagahanga niya. Sapat na sakin yung pangarapin siya sa malayo.

Since nung 2018, naggawa kong makuntento sa pagtingin sa kanya sa malayo. Sa simpleng pagsulyap sa kaniya sa faculty room. Sa panonood sa kaniya tuwing magbibigay siya ng speech or magiging master of ceremony sa mga events, at sa pagiging judge sa mga contest ng school. Todo support at palihim na nakikipagsiksikan sa crowd, mapanood ko Lang siya tuwing kumakanta siya sa stage.

Minsan naiinggit din naman ako sa mga girls na nakakalapit sa kaniya at nakakausap niya. Pero I always remind myself na 'I should know my place'. At hindi ako nababagay sa kaniya. Ang layo namin sa isa't isa at posible pang magsnow sa summer. Tama na yung ganito. Yung napapangiti niya ako sa simpleng bagay kahit alam ko na in the first place na...

hanggang pangarap lang siya.

Walang wala ako compared dun sa mga students na nakapaligid sa kaniya. After nung last period namin, kumain na kami ng lunch. Kasama ko pa rin si Alexis at Kenzou.

"Devonne, sabi ni ma'am Abbrantes pinapahatid niya sa art room yung mga notebooks nung mga umabsent kahapon." Sabi sa akin ni Kenzou.

"So ma'am talaga oh! Balak ko pa naman sanang matulog!" Reklamo ko habang nginunguya ang kalahating pirasong lumpia.

"Don't talk if you're mouth is full" saway naman sa akin ni Alexis. Parang nanay at tatay ko kasi ang dalawang to eh. Protective sila pagdating sa akin. Kaya mahal na mahal ko sila eh! Mabibilang mo yung pagkakataon na may kasama akong iba, bukod sa kanila. Most of the time, sila Kenzou at Alexis ang palagi kong kasama, sa uwian man o kung saan mang lakad.

Matapos namin kumain ay saglit akong umupo sa seat ko at tumingin dun sa t.v. at nakita kong nanonood sila ng isang Disney movie.

-_-
Di ko alam pero nakokornihan ako sa mga fairytales. Napaka predictable kasi nila eh. Sa umpisa pa lang alam mo na, na sila yung magkakatuluyan. Walang thrill. Sorry sa mga fairytale fan. Pero ako ito, at iba iba naman siguro tayo.
Oh crap! Makaalis na nga!

Kinuha ko na yung mga notebooks at dumiretso na dun sa art room. Nilagay ko dun sa isang desk kung saan nandun ang ilang gamit ni ma'am Abbrantes. Tumingin ako sa buong room. May iba't ibang paintings and sketches. May mga sculptures at ibat ibang kagamitan na ginagamit sa pagpipinta at pagdodrawing.

Ilang saglit pa lang ay lumabas na ako sa art room.

Dug.dug.dug
Dug.dug.dug
Ayan nanaman yung puso ko. Papalapit na kasi si sir Jericault.

Dali-dali naman akong nagtago dun sa likod ng art room. Shocks! Ang bilis ng heart beat ko. Ganito na lang ako palagi everytime na nakikita o makakasalubong ko siya. Napapayuko na lang ako at maglalakad ng mabilis na hindi man lang siya binabati ng 'good morning' or 'good afternoon'. Minsan pa nga napapakaripas pa ako ng takbo para magtago, kagaya ngayon. At kung lalabas ako ng classroom at makikita ko siya o dadaan siya napapabalik na lang ulit ako sa room.

Kung tinatanong mo kung bakit. Ewan ko rin. Hindi ko rin alam. Ang weird ko ba? Hindi ko talaga alam kung bakit ko ba siya iniiwasan. Parang ewan lang yung buhay ko no? Ang korni ba? Pero yun naman kasi talaga ang totoo. Siguro dahil sa alam ko sa sarili ko na may gusto ako sa kaniya at mas lalong ayokong marinig niya yung...

malakas na heartbeat ko?

Aalis na sana ako dun ng makarinig ako ng kumakanta. Kaya sumilip ako sa art room sa maliit na part ng nakabukas na bintana.

"...I thought it was right
But maybe I was wrong all along
I held on to something that never really mattered
Stuck on that starting line"

Ang ganda naman ng boses niya. Napaka angelic masyado. Siguro para sa babaeng mahal niya yung kinakanta niya. At oo, Devonne. Hindi ikaw yun. Pero single naman siya eh? Yun ang sabi ng iba, narinig ko sa ilang fan girls niya sa room.

"...I'm still, silently, quietly, hoping you'll end up with me~"

Boom!! Sapol yung puso ko dun sa last part. Narinig kong tumigil na siya, at naramdaman kong may papalapit na footsteps kasi rinig ko yung tunog na gawa ng heels ng sapatos or sandals nito.

May paparating na teacher!!!

Agad naman ako umalis dun sa may bintana. At naglakad na pabalik sa room. Hayss.
Sir Jericault.
Bakit ba kasi teacher ka??

Matapos ang pangyayaring yun, ilang buwan nanaman kaya ang hihintayin ko? At aasang baka isang araw maririnig ko sa kaniya yung pangalan ko. Na tatawagin niya ako sa first name ko. Di ko alam. Subject teacher ko naman siya, at minsan niya na rin naman ako tinatawag sa klase. Pero never sa first name ko. Ang arte ko ba? Ewan basta gusto ko ng ganun.

You can't blame me naman di ba? Siya lang yung taong  nagpatibok ng puso ko ng ganito kalakas. Parang asteroid na bumubulusok sa kalangitan. At rocket na nilau-launch sa kalawakan. Tawagin mo ng crush, infatuation, o love na ba to. Basta ang alam ko..

ganito lagi ang nararamdaman ko.

Dug.dug.dug.
Dug.dug.dug.

Proof of my HeartbeatWhere stories live. Discover now