"Maita,sabihin mong nagbibiro ka lang"
"Hindi siya nagbibiro,may nangyari saamin noong nak---"
Hindi ko na tinapos pagsalitain si Aiden dahil inunahan ko na siya.
"Tama na!"sigaw ko habang nakatakip ang dalawang kamay ko sa dalawang teynga ko para hindi marinig ang mga sasabihin niya
Masyado nang masakit.
Baka hindi ko kayanin.
Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo at tinignan si Aiden ma para bang nababakas ang awa sa mga mata niya habang nakatingin sakin.
"Mahal mo pa ako diba?"lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawang pisngi niya
"Carol,itigil mo na ito"tinanggal niya ang dalawang kamay ko pero ibinalik ko ulit ito
Hahalikan ko na sana siya pero bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang dalawang braso ko.
"Tumigil kana!"sigaw niya at bahagyang itinulak ako na dahilan para matumba ako at mapaupo"I will file an annulment"
Tuluyan na namang pumatak ang mga luha ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.
Doon ko napagtantong hindi na niya ako mahal.
Wala na siyang nararamdaman para sakin.
"C-carol!"napalingon ako kay Maita noong isigaw niya ang pangalan ko
Booooogsh!
Pero huli na noong maramdaman kong tumama ang aking katawan sa isang pwersa.Parang nadurog ang mga buto ko sa sobrang sakit at hindi na kaya ng katawan ko.Hanggang sa mawalan na ako ng malay.
Aiden's POV:
Namanhid ang buong katawan ko at nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa nasaksihan ko.Nabangga ng isang kotse si Carol.
"Hindeeeee!"sigaw ko at tumakbo palapit kay Carol na nakahandusay na sa kalye
"Carol!gumising kaaaa!"pilit ko siyang niyuyogyog pero hindi parin siya gumigising
"Tumawag kayo ng amulansya!"sigaw ko ulit at nakita kong nagtitipa si Maita habang umiiyak
Bigla akong napaluha habang minamasdan si Carol na nakahandusay at nakalupaypay sa mga bisig ko.
Kasalanan mo lahat ng ito Aiden.
"O-oh my god...Oh my god...What did i do.."
Sumigaw nalang ako at naramdaman kong lumapit saamin yung nagmamaneho ng kotse.Babae siya at nasa tabi ko siya habang umiiyak na hindi malaman ang gagawin.
Tumayo ako at hinawakan siya sa kwelyo,nanginginig at natatakot ang mga mata niya habang nakatingin sakin.
"Anong ginawa mo!"sigaw ko sa mukha niya at napapikit nalang siya habang umiiyak
"H-hindi ko sinasadya"humagulgol na siya
Sasapakin ko na sana siya pero biglang hinawakan ni Maita yung kamay ko.
"Huwag,Aiden.Huwag"umiiling niyang sabi
"Nasaan na yung Ambulance!!"sigaw ko
Wala na akong pakealam kahit na tignan pa ako ng mga tao ngayon,ang importante ay madala ko ang asawa ko sa Hospital ngayon as soon as possible.
Damn it!God damn you Aiden!
Paulit-ulit kong minura ang sarili ko sa nangyari.Kasalanan mo ito Aiden.
BINABASA MO ANG
I Tried Loving You
RandomAng babaeng hindi minahal ng kanyang asawa kahit kailan.Para kay Caroline,yun ang pinakamasakit na bagay na nangyari sa kanya.Ang hindi mahalin ni Aiden.Pero kahit ganun,pinilit niya paring ipaglaban ang pagmamahalan nila kahit na nagmumukha na siya...