ABIGAIL DEBORAH JOANNA MARIANNE RAMOS' POV
NANGHIHINA akong napadilat ng mata kinabukasan. Dama ko ang lamig ng pakiramdam ko. Giniginaw ako. Kinapa ko ang noo ko, at doon napagtantong may lagnat ako. Pinilit kong makatayo mula sa kinauupuan ko saka nagsimula nang bitawan ang dahon ng saging. Naglakad na ako upang muling makahanap ng paglalabasan.
Gano'n na lang ang ngiti ko nang makakita ng kalsada mula sa 'di kalayuan. Nagtatakbo ako kahit pa ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Lakad-takbo at gapang ang ginagawa ko.
Inilinga ko ang paningin sa kabuuan ng kalsada nang makarating na ako. Walang tao, walang sasakyan.
Napahawak ako sa tiyan ko nang sumakit iyon. Parang pinipilipit ang sikmura ko.
Nagsimula na muli akong naglakad paderetso sa kalsada. Kung saan papunta iyon ay hindi ko alam.
Mga ilang minuto pang lakaran ang ginawa ko bago ako nakakita ng mangilan-ngilang tao. Tinitignan ako ng mga ito ngunit nag-iiwas din ng tingin sa tuwing mapapatingin ako sa kanila. Pakiramdam ko tuloy ay mayro'n akong sakit na nakakahawa dahil sa inaasta nila.
Mayamaya lang din ay nakakita na ako ng mangilan-ngilang estruktura. Sa wari ko ay malapit na ako sa kabisera.
At tama 'nga ang aking hinala dahil nang makailang kilometro pa ako ng lakad ay nakakita na akong ng naglalakihang mga building. Maraming sasakyan. Mga kalsada. Napangiti ako sa tanawin, ngunit napalis din 'yon kalaunan nang makaramdam ako ng gutom. Isang araw na pala ako hindi kumakain, 'ni uminom.
Mabigat 'man sa loob ay ginawa ko pa din ang naiisip. Bumuntong-hininga ako saka lumapit sa mga taong makikita ko.
"Pa-Palimos po." Ani ko saka isinenyas ang kamay ko sa isang lalake. Ngumiwi ito sa akin saka ako iniwan. Lumipat naman ako sa isang babae na nakita ko. "Pilimos po." Yumuko ako sa kaniya. Pero tulad kanina ay nandidiri itong lunayo sa akin saka naglakad papalayo. Nanlulumo akong tumingin sa kanila sala muling naghanap ng paglilimusan.
Nakakita ako ng matanda mula sa 'di kalayuan. Mukha itong mayaman, base sa pustora at pananamit nito. Tumakbo ako dito papalapit saka isinenyas ang kamay ko. "Palimos po." Nilingon naman ako nito saka naaawang tinignan. "Nako, bata ka. Nasa'n ang mga magulang mo?" Tanong niya sa akin, hindi ako nakasagot sa kaniya. Ayaw ko sabihin kung bakit ako napunta dito, dahil baka ikasira nila iyon. Napapalunok nalang akong nagsinungaling. "A-Ah, hindi ko po alam, eh." Ngumiti ako sa kaniya. "Nako bata ka, kumain ka na ba?" Nag-aalalang tanong niya saka ako marahang hinawakan sa mga braso. Doon unti-unting nanlabo ang mga mata ko. "Ayos ka lang ba, bata?" Pinilit kong tumayo ng tuwid saka siya nginitian. "Opo," Tumango ako. "Halika't papakainin kita," Aniya saka ako hinawakan sa pulsuhan at dahil sa kung saan, nagpatianod naman ako.
"Good Afternoon..." Pahina nang pahinang sambit ng isang crew nang makapasok kami sa isang kilalang fast food chain. Napatitig ito sa akin saka ako binigyan ng nandidiring tingin. Nagbaba nalang ako ng tingin dahil sa labis na kahihiyan para sa sarili. Nakuha mo din ang atensiyon ng lahat ng kumakain sa loob, at tila nawalan sila ng gana. "Maupo ka muna dito, apo." Aniya saka ako iginiya paupo at sandaling umalis para um-order.
Labis na kahihiyan ang nararamdaman ko para sa sarili. Napakadumi ko. Napatingin naman ako sa bintanang katabi ko. Doon ko nakita ang pamilyang masayang naglalakad sa kung saan. Naiinggit ako, dahil sa nasasaksihan ko. Nais ko din naman ng magandang pamilya ngunit iba din makipaglaro si tadhana.
Mayamaya lang din ay dumating na ang matanda saka inilapag ang pagkaing in-order niya para sa aming dalawa. "Maraming salamat po," Sinserong sabi ko saka ngumiti sa kaniya, tinanguan lang niya ako.
Nang makaisang subo palang ako ng kanin ay labis na gutom agad ang naramdaman ko. Hindi ko napansin ang sariling mabilis na kumain. Para akong pulubi dahil sa ginagawa ko. Nang mapagtanto ang ginagawa ay tumigil na agad ako saka napapahiyang tumingin sa matanda. Nakikita ko ang matinding awa sa mga mata niya.
Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain hanggang sa matapos na kami pareho.
"Apo, gusto mo bang tumira muna sa bahay ko?" Tanong ng matanda nang makalabas na kami sa kainan. "Nako, nakakahiya naman po," Sinserong sabi ko saka nagbaba ng tingin. "Hindi, ayos lang, kaming dalawa lang naman ng anak kong lalake ang magkasama sa bahay." Pagpupumilit niya, napabuntong-hininga ako saka tumango nalang upang pumayag.
May kung sino siyang tinawagan sa telepono, at mayamaya lang din ay may tumigil na van sa harap namin. Lumabas ang driver nito saka kami iginiya papasok ng van.
Naging matahimik ang buong byahe, hanggang sa makarating kami sa isang mansiyon.
"Magandang gabi, Señorita Adelaida," Bati ng mga katulong nang makapasok kami sa mansiyon ng matanda. Nginitian niya lang ang mga iyon saka tinanguan. Ako naman ay kumakaway sa kanila, gano'n din sila sa akin.
Pumanhik kami ni Señorita Adelaida sa isang malaking kuwarto. Iginiya niya ako papasok, saka hinila papunta sa isang aparador na naglalaman ng madaming damit, na sa tingin ko ay kasya sa akin. "Maligo ka na, aantayin kita dito," Ngumiti siya sa akin, saka itinuro ang isang pintuan na sa tingin ko ay palikuran. Nakangiti akong tumango-tango saka kinuha ang imaabot niyang mga damit at tuwalya.
Matapos kong maligo ay lumabas na agad ako. "Kasyang kasya sa'yo ang damit na iyan," Ngumiti sa akin si Señorita, nagtataka mo siyang tinitigan. "Opo, kasya po sa akin," Ani ko saka tumabi sa kaniya.
Nagulat ako nang hawakan niya ako sa pisngi, at marahan iyong haplusin. "Nararamdaman kong ikaw siya." Ngumiti siya sa akin, bahagyang nangunot ang noo ko, nagtataka. "Sino pong siya?" Ngumiti siya sa akin saka umiling. "Matulog ka na," Aniya, saka akmang tatayo na nang pigilan ko siya. "Maraming salamat po sa kabutihan niyo, Señorita Adelaida. Ngunit, nais ko lamang po itanong kung hanggang kailan ako mananatili dito?" Humilig ang ulo ko. Humarap siya sa akin saka ako marahang hinawakan sa panga, upang iangat ang tingin ko sa kaniya. "Hanggang sa tuluyan mo nang mabawi ang lakas mo." Ngumiti siya sa akin, gano'n na din ang ginawa ko.
Lumabas na siya ng kuwarto ko, saka marahang isinara ang pinto ng kuwarto.
Dear Diary,
Nagpapasalamat ako dahil may taong tumulong sa akin. Napakabuti niyang tao. Hinding hindi ko siya malilimutan.
Sa totoo lang, gusto ko na talagang umuwi ngayon sa amin, pero hindi pa puwede. Alam kong hindi nila ako tatanggapin sa ngayon.
Hinihiling ko na sana, maliwanagan sila. Nasasaktan ako sa ideyang, hindi ako hinayaan ni Papa na makapagpaliwanag. Gumawa agad siya ng konklusiyon sa utak niya, nang hindi manlang ako tinatanong kung ano ba talaga ang nangyari.
Hinihiling ko din na sana, maayos na ang lagay ni Ate.
Pansamantala muna akong maninirahan dito, Diary. Ipinapangako ko sa'yong, babalik at babalik ako sa bahay...
... Bago ako mawala sa mundo.
Nangangako,
Abigail Deborah Joanna Marianne Ramos
BINABASA MO ANG
Diary of a Neglected Child [PUBLISHED AND COMPLETED]
Teen Fiction[BOOK 1] They say life is not perfect; it is not easy, it is never fair. But does it mean that her life should be this miserable? This painful? This is her life. Her book. Her story. Her diary. [[Word Count: ≈22,000+ Words]] Date Started: May 22, 20...