Chapter 29

33.2K 664 123
                                    

Chapter 29: Warmth

Sumalubong sa aking paggising ang isang matigas na bisig na nakalupot sa katawan at sa aking kaliwang kamay. Ngumuso ako at hindi gumalaw. His right hand has been intertwining mine throughout the night.

Dumampi bigla ang labi niya sa aking pisngi. "Good morning..." malumanay niyang sinabi.

I twisted my lips and he chuckled. Nakatutok ang kanyang ilong sa aking pisngi habang humalakhak. Alam kong nakatitig siya sa akin kaya nananatiling nakatingin ako sa aming pinagsalikop na kamay. Gumalaw siya at nilapit ang sarili sa akin, lumapat ang kanyang matigas na dibdib sa aking likod at napakagat ako sa pisngi. There's something in his moves that excites me so much.

"May training ako." mahina kong tugon.

"Hmm..."

Walang pasubali kong inangat ang aking kabilang kamay at inalis ang magkasalikop naming daliri upang paglaruan ko ang kanyang kamay.

"I'm fit to go back, Cassius. Fi–fill in–nan ko rin naman ang palta ko kahit napaano pa, mas tatagal lang akong matapos." banayad kong sinabi.

Pinaghambing ko ang aming mga daliri. Mine were slender and small while his were big and manly. Ngumuso ulit ako at pinitikom ang kanyang kamay at nagpaubaya naman siya.

"Gusto mong marinig ang sinabi ni Dra. Pacete?" mahina niyang tugon.

Marahan akong umiling. Wala akong alam sa naging estado ko, the complications I have because I don't want to hear anything. Masaya na kasi ako at ayaw kong palitan iyon ng samang loob kapag may negatibong maririnig.

"Bakit?"

Tinalunton ko ang ugat ng kanyang kamay gamit ang hintuturo hanggang nakahiga ako ng flat sa kama at patuloy na sumuyod ang aking tingin sa kanyang braso. Natigilan lang iyon nang natabunan iyon ng kanyang t–shirt sleeves.

Humugot ako ng hininga. Nakadantay na ngayon sa aking tiyan ang kanyang braso. Nagkibit ako ng balikat bago ngumiti sa kanya. Sa sobrang lapit namin sa isa't isa, tila nagtatakbuhan ang elektrisidad at pulso ng sistema ko sa tuwa at galak.

"I have to get ready now..." nakangiti kong sinabi.

Dahan dahan akong umupo sa higaan ngunit nananatiling nasa akin ang kanyang mga kamay habang nakahiga pa siya. Nananantya ang kanyang mga titig kaya tinuloy ko lamang ang pagbangon nang hindi siya nililingon. Bumagsak ang kanya mga kamay sa higaan paglayo ko sa kanya at nilapitan ko agad ang aking cabinet.

Nababatid ko ang kanyang panitig sa akin. Kinakabahan ako tuwing ganoon siya tila kapag nakikita niya ang mga mata ko, malalaman niya kung ano ang hindi ko gustong malaman niya. Kumuha ako ng isang jumper skirt at violet na long sleeves na nabibili ko lamang sa ukay at ang undergarments m. Tinago ko iyon sa ilalim ng aking damit dahil pink pa talaga ang bra at panty ko. Huling inabot ko ang tuwalya bago bumaling sa kanya.

Nakahiga pa rin siya at minamasahe ang panga patungo sa kanyang nakasimangot na labi. Gusto kong ngumisi dahil napagkasya kami sa maliit na kama na iyon. Tinaasan ko siya nang kilay at bigla siyang bumangon sa pagkahiga.

"I'll just have a quick shower then," banayad niyang sinabi nang tumayo na sa aking harapan.

Pinagkunutan ko siya ng noo. "Here?"

Humalakhak siya at dinilaan ang labi. He tapped my nose and smirked.

"No, tigress."

Umawang ang aking labi at marahan na tumango.

Iniwan ko siyang nakatayo lamang roon at mabilis akong pumanhik palabas ng kuwarto. Kabado ako ngunit agad nawala nang nakitang wala ang kahit anino ni Tiya Dolores, Tiyo Francing o ni Undoy. Pasado alas sais na ng umaga at higit pa diyan, nagigising na sila. Kumurap kurap ako dahil wala man lang usok galing sa pagluluto.

Bear In Mind (A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon