Chapter 3: Crush

589 131 15
                                    

Arianna's POV


Maayos naman 'tong first subject ko. Si Mrs. Aguilar yung first teacher namin, English subject. Siya rin yung magiging adviser namin this school year. Nag 'Introduce Yourself' muna kami, tapos nagdiscuss ng Do's and Don'ts. Tapos sa mga sumunod na subject ok lang naman. May mga time din na nagpapapansin sakin 'tong pusit na katabi ko. Panigurado akong aasarin niya lang ako kaya hindi ko siya pinapansin. Tumitingin na nga yung iba kong mga kaklase sakin e, karamihan yung mga girls, yung iba iniirapan pa ako. Like seriously? Ayaw ko kayang katabi 'tong pusit na'to!


"Good day class." bumalik nalang ako sa sarili ko nung narinig ko na yung bell, at nung lumabas na yung math teacher namin. Sawakas lunchtime na! Inayos ko na yung mga gamit ko tsaka ako tumayo. Nakita ko pa si pusit na nakatayo sa hamba ng pinto habang hinihintay siya ng mga kaibigan niya sa labas sa may hallway.


'Ano kayang tinatambay niya diyan?! Badtrip'


"Tara na sa cafeteria Ann, baka dumami agad yung mga tao." aya agad ni Kylie.


"Sige tara." sabi ko nalang. Shit madadaanan ko'tong pusit na'to, ba't ba kasi nandiyan yan?! Nagmadali nalang akong maglakad, nauuna ako maglakad kina Claire kaya ako yung unang lalabas sa pinto. Nung malapit na'kong makalabas bigla nalang akong pinatid ni pusit! So yun pala yung purpose niya kaya siya nakatambay diyan?! Akala ko masusubsob ako sa sahig, pero may humawak bigla sa bewang ko. Paglingon ko si Ethan, nakatingin siya sakin na mukhang nag-aalala, habang nakatingin ako sa mga mata niya dun ko napagmasdan yung kabuuan ng mukha niya ng malapitan. Ang haba ng pilikmata niya, tapos medyo singkit yung mata niya, ang tangos din ng ilong niya, tapos manipis yung labi niya na medyo red. What the hell? Kailan ko pa naging hobby na pumuri ng mga lalaki?


"Are you okay?" he asked me worriedly. Umayos muna ako ng tayo bago ko siya sinagot.


"Uhm, yeah i'm okay. Thanks by the way." nahihiyang sabi ko sakanya. Lumingon ako sa may pinto at tinignan ng masama si pusit na nakakunot ako noo.


"What the hell is your problem you jerk!" inis na tanong ko kay Cael! Buti nalang wala ng tao dito sa hallway kaya walang nakakita ng nangyari. Narinig ko pang natawa ng mahina yung kaibigan ni pusit, kung hindi ako nagkakamali sila Ivan and Yuan 'yon.


"Sorry.....Not Sorry." The jerk said. Nakakainis na talaga 'tong pusit na'to! Pinigilan ko nalang yung sarili ko. Kalma lang Arianna, kalma. Huwag mo nalang pansinin, titigil din yan. Pagcoconvince ko sa sarili ko. Inirapan ko nalang siya at tinalikuran. Naglakad na ako palayo sa kanila. Sumunod naman sakin sila Claire.


"Gurl okay ka lang?" tanong ni Kylie sakin. Tinanguan ko nalang siya.


"Baliw talaga yung Cael na 'yon!" sabi naman ni Claire. Sinabi mo pa, tss.


Di nalang ako nagsalita, nung makapunta kami sa cafeteria pumila agad kami at nag order ng lunch. Nung ma-serve na yung akin naghanap ako ng pwesto namin. Nung may mahanap ako pumwesto na agad ako don, after ng ilang minuto dumating na rin si Claire bitbit yung tray niya, kasunod niya si Kylie. Nung makaupo na sila nag start na kaming kumain.


"Grabe hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na katabi mo si Cael! Usually kasi laging sa dulo yun. Minsan gusto niya mapag-isa, pero kapag nasa mood katabi niya mga kaibigan niya. Kaya nabigla ako na tumabi siya sayo kanina." mahabang sabi ni Claire na hanggang ngayon hindi parin makapaniwala.


Sealed With A Kiss (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon