Darlene's POV
Monday na naman po. Napapabuntong hininga na lang ako sa pagkainis. Monday kasi eh. So, kailangan paulit-ulit? Natatawa na lang ako sa sarili ko habang naglalakad, kung ano-ano kasi ang naiisip ko.
Habang naglalakad, nakita ko si Andrea na kasama si Paul. Sila na ba? Parang kailan lang, nagpapatulong sa akin si Andrea kay Paul ah. Hmmm... Muka ngang sila na. At talagang hinatid pa ni Paul sa classroom si Andrea ah. Mamaya matanong nga itong si Andrea. But wait, kung sila na, paano na si bessie ko? Iiyak na naman siya. Napabuntong hininga na naman ako sa naisip ko. 'Di na pwede yun. Ilang beses ko na siyang nakitang umiyak nang dahil kay Paul. This time, ihahanap ko na siya ng lalaki. 'Yung mas gwapo, mas matalino, lahat ng gusto niya sa isang lalaki, hahanap talaga ako. Basta yung 'MAS' kay Paul.
Umupo na ako sa aking upuan at parating na 'yung teacher namin. Wala kasi kaming flag ceremony ngayon eh, kaya deretso klase na.
Nasaan na kaya si bessie Alyza? Kanina lang, kasabay ko pa siya sa pagpasok.
Tumayo na yung mga kaklase ko at binati ang teacher namin ng good morning.
Nalipad ang aking isip dahil sa pag-iintindi sa mga bagay-bagay. Napansin ko na lang na may kasama ang teacher namin habang papasok sa classroom. Transferee ata. Sino kaya yun? Hindi ko kasi masyado kita ang muka niya.
"Class, you have a new classmate."
Grabe naman ang introduction ni Ma'am ha, very straight to the point.
Bigla namang nagsalita 'yung new classmate namin. "Hi. My name is Jico Mendez." Bakit ganito yung nararamdaman ko? Di ko ma-explain. Bakit kaya? Hmmm... may something itong Jico Mendez na ito ha. Dumadagundong yung tunog ng puso ko. Ano ba ito?
"Jico, doon ka na sa may unahan umupo. Doon sa bakanteng upuan sa tabi ni Ms. Valdez." Eh? Wag na Ma'am. Wag n'yo na siya ipatabi sa akin. Nalilito ako. Bakit ganon? Ay! Hindi! Hindi ko siya gusto, and besides, ang gusto ko nga ay si Lance. Pero 'di naman kami ni Lance. Eh kaya nga gusto ko lang siya eh. Ay! Ano ba 'yan? Bakit nag-aaway ang left and right side ng utak ko. Teka... Meron ba'ng ganon? Napabuntong hininga na lang ako sa mga naiisip ko.
Maya-maya pa, naramdaman ko na naglalakad na siya. 'Di ako nakasalita nang tumabi na siya sa akin. Nakakainis. Ayaw ko ng ganitong feeling.
"Uhm... Hi. Ano ang pangalan ng seatmate ko?" Muntik na akong mapatalon sa upuan ko. Ano ba naman ito? Papatayin ata ako nito sa atake sa puso.
Kinompose ko muna ang sarili ko bago ako magsalita. " Hi-i-i rin. A-a-ano nga tanong mo ulit?" AAAAHHH! Bakit ako ganito? Hindi ko rin pala na-compose slash nakalma ang sarili ko. Nakakainis. Nautal ako. Bago sa akin ang pakiramdam na ganito.
"Oo. Ano ang pangalan mo?"
"Ano... Darlene. Ikaw pala si Jico?"
"Oo. Ako nga. Sige mamaya na lang ulit tayo mag-usap, baka marinig pa tayo ng teacher natin. Muka pa man ding mataray." Sinundan niya 'yung sinabi niya ng isang tawa. Wow. Natawa siya. Ang cute. Alam mo yung tawa na galing sa ilong? Ang cute lang eh.
Napatawa na rin ako. Nakakahawa siya eh.
"Sige, huwag ka na tumawa. Nakakahawa eh. Baka mamaya eh makita tayo ni Ma'am," sabi pa ni Jico. Pero tawa pa rin naman siya ng tawa.
"Hahaha-ha-ha.......ha-ha....." Bakit paputol-putol siya kung tumawa? Mas lalo akong napatawa.
Patay! Nakatingin na 'yung teacher namin. Uh oh!
"Mukang may sarili kayong lesson diyan ah, Miss Valdez and Mr. Mendez?" Patay talaga kami!
"Ma'am, sorry po." Sabay pa namin sinabi yun ha.
"Hindi ko ito mapapalampas. Lumabas kayo ng classroom kung magtatawanan lang kayo." Napatunganga lang kami sa teacher namin. Nakakatakot siyaaa.
Hinila ko na lang yung damit ni Jico para makalabas na kami ng classroom, kaysa mapagalitan na naman kami pag nagdaldalan kami.
"Patay tayo," sabi niya.
"Talagang patay tayo! Kainis ka kasi, 'yan tuloy napalabas tayo!" Pinalo ko siya sa balikat niya. Nakakainis.
"Sorry na, Darlene. Bilis na, sorry na!" Wow! Nagso-sorry siya ah.
"Oo na." Kunwari, pagalit pa yung pagkasabi ko, pero nang tumalikod ako, napatawa naman ako. Lumipat siya sa harap ko. Nakita tuloy niya na natawa ako.
"Ihhhh! Natawa na siya. Bati na tayo ha?"
Tapos kiniliti ako ng loko. Sorry lang siya, wala kasi akong kiliti eh.
Napatawa ako ng lihim sabay sabing, "wala akong kiliti."
"Sige. E di wala."
Nagalit ko ata. "Hoyyy!!! Galit ka?"
Hindi siya umimik. Tapos maya-maya.....
Sabi niya, "hindi ah." Kiniliti na naman ako. Pero 'di ako nakikiliti. Wala nga kong kiliti, 'di ba?
Ang kulit. Hahaha. Kaya nga crush ko eh. CRUSH.
*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
"Ayyy bell na?" Sabi niya.
"Ayy hindi. Hindi pa bell"
Tumawa na lang kami nang tumawa hanggang sa makabalik kami sa classroom. 'Yung tawa ko, okay pa eh. 'Yung kanya, mapapatawa ka talaga kasi hindi ordinaryong tawa. 'Yun bang tawa na galing sa ilong. Ang cute lang.
Tapos napaisip ako.....
I like this guy. Really.
LIKE. Take note: LIKE lang. Pero yung kay Lance ata eh love eh. Ewan ko ba...
Basta, I like Jico Mendez.
BINABASA MO ANG
In Love Ako Kay Dota Boy!
Teen FictionHindi ko ine-expect na mai-inlove ako sa kanya. Bigla ko na lang namalayan na gusto ko na siya. Hindi ako sanay sa nararamdamang ito eh. Ngayon lang talaga. 'Di naman siya masyado KAGWAPUHAN. Pero meron talagang kakaiba sa kanya. 'Di ko alam kung an...