Nagising ako dahil sa sakit ng ulo. Ano bang nangyari at ang sakit ng ulo ko.
Bakit panlalaki ang amoy sa bedroom ko?
Whatttt?????
Agad akong bumangon ako at inikot ang paningin pilit ininda ang sakit sa ulo. Nang mapagtantong hindi ito ang kwarto ko kinapa ko agad ang damit ko. Ito parin naman yung suot ko kagabi.
Anong nangyari last night?
I saw a glass of water with a note on the table near the bed.
"Drink" basa ko sa note. Ininom ko naman agad para mawala ng konti ang sakit.
Sino ba kasi ang nagdala sa kin dito?
Pilit kong inalala ang nangyari kagabi.
OMG!???
Si Rigel ang nagdala sa akin dito?
So, sa kanya ito? Tumayo ako nag ikot ikot sa loob. May nakita akong picture ng isang batang Rigel. Ang cute niya grabe!
Infairness ha! Ang linis ng kwarto niya wala talagang kalat. Ang laki ng wardrobe niya na nasa gilid ng kama. Sa kabila naman ng bed ay may veranda. I think he's favorite color is gray dahil ang daming color gray dito.
Nagulat ako ng may kumatok kaya mabilis akong umupo ulit sa bed habang hawak ang ulo ko.
Iniluwa ng pinto si Rigel na naka apron lang at syempre may pang ibaba. My God! Sayang akala ko naka apron lang. Hekhek!
"Anong nangyari kagabi? Bakit nandito ako? Anong ginawa mo sakin? Is this your condo?" sunod sunod kong tanong sa kanya. Ngumiwi lang siya sakin at lumabas.
Attitude!
"Hindi man lang sinagot kahit isa sa tanong ko" I pouted. Wala talaga siyang ano.
Inayos ko muna ang nagusot kong damit at buhok. Mabuti na lang yung purse ko nasa table lang.
Pagkalabas ko nakita ko si Rigel naghahain ng breakfast.
Tumingin ako sa side table kung nasan yung clock niya. It's 6:30 am. Nakahinga ako ng maluwag, baka ma late na naman ako. Mabuti nalang wash day ngayon. Wala akong ganang mag uniform.
"Ahm... Rig" pano ko ba to sasabihin sa kanya na uuwi na ako. Nakakahiya na.
May hiya din ako noh!
"Eat first" biglang salita niya at umupo sa dining table. Mukhang masarap yung luto niya at ang bango. Umupo agad ako sa tapat niya.
"I don't know san ka nakatira so I brought you here" kung siya nagdala sa akin dito. Waitt! yung kotse ko nasaan?
"My ca"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad siyang sumingit.
"Na sa friend mo"
"Okay" hindi na ako nagsalita pa. Ang sarap niya magluto kahit itlog at hotdog lang.
Masarap din kaya sa kanya? I giggled kaya napatingin sakin si Rigel.
YOU ARE READING
Chasing my worth from the Star (Completed)
No FicciónPhile Series # 1 Astrophile - people who love stars