Chapter 22

9 2 0
                                    

Gusto ko lang naman mag-aral ng maayos para sa pangarap ko.

Akala ko maging matiwasay ang pag-aaral ko dito sa Brent pero akala ko lang pala.

Siguro iiwasan ko nalang siya, tama iiwasan ko na lang siya at kailangan kung pigilan ang nararamdaman ko.

Habang maaga pa, siguro mawala na to bakit pa ba kasi umamin sya.

Tama kayo may gusto ako sa kanya hindi ko alam kung kailan to kasi wala akng paki alam.

Pero nung umamin siya sa akin kagabi, doon ko lang nalaman na totoo talagang may gusto ako sa kanya.

Pero hindi eh, hindi ko to ginusto.

"Aaaaahhhhhhhhhhh"sabunot ko sa buhok.

Naiinis ako sa sarili ko bakit sa kanya pa ako nagkagusto. Sa kanya pa na naiinisan ko, nakakainis.

"Aye, sumabay ka na sa papa mo papunta ng school."sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko.

Tinignan ko yung orasan ko, 7:16 na pala.

"Ayoko pong pumasok"sagot ko sa kanya.

"Bakit?may problema ba sa mga subject mo?"tanong niya.

Nandon pa din siya sa labas ng kwarto ko ang lakas ng boses namin kasi nakasirado yung pinto.

Binuksan ko yung pinto at ngitian si mama.

"Wala po, ang bait ko kayang bata."nakangisi kung sabi sa kanya.

Tumuloy siya sa kwarto ko at umupo sa kama kaya tinabihan ko siya.

"Bakit ayaw mong pumasok?"tanong niya ulit.

"Tinatamad"maikli kung sabi.

"Paano mo makakamit yang pangarap mo ko tatamad ka diyan"medyo galit na sabi niya sa akin.

"Ngayon lang naman ma"sabi ko sa kanya.

"Hindi ako naniniwala sayo na yan lang ang rason mo"at lumapit ng kunti sa akin.

Hiniwakan niya yung dalawa kung braso.

"Pwede ka na mang magsabi sa akin kung anong nangyari sayo"mahinahong sabi niya sa akin.

"Wala talaga ma" pagsisinungaling ko sa kanya.

"Bahala ka nga diyan"at tumayo sa kama ko "Puntahan ko nalang don yung papa mo para pumunta na siya sa trabaho niya baka malate siya kakahintay sayo"at tumalikod na sa akin pero pagtapat niya sa may pintuan ko ay bumaling siya sa akin. "Basta kung may problema ka, isabi mo lang sa akin baka maabutan ka nalng namin dito sa kwarto mo na nagbigti dahil na depress ka kaiisip sa problema mo"sabi niya.

"Hindi ko yun gagawin nuh, at siya ka wala naman akng problema"pagsasabi ko sa kanya.

"Ikaw bahala, segi na alis na ako"at tuluyan ng umalis.

Ano bang gagawin ko dito sa bahay.

Siguro tulungan ko na lang si mama sa pagdedeliver o di kaya tulungan ko siya sa pag pack ng mga pagkain, tama ang galing ko talagang mag-isip.

Lumabas na ako ng kwarto at hinanap si mama sa sala pero wala siya din.

Kaya pumunta ako sa kusina at nakita ko don si mama na nag pa pack ng mga orders niya.

"Tulungan na kita diyan ma"sabi ko sa kanya at lumapit.

"Kanina pa kita inaantay na lumabas sa kwarto para naman matulongan mo ako, ang dami pa namang orders"sabi niya sa akin.

Sinimulan ko ng magpack. Nung una masaya ako kasi nakatulong ako ni mama pero nung nagtagal hindi ko na gusto kasi napapagod na ako.

Ang sakit na ng kamay ko kaya tumigil ako. Tinignan ako ni ng masamang tingin.

"Bakit ka tumigil?"tanong niya sa akin.

"Napapagod na po ako"at tumayo na "punta lang muna ako sa kwarto ko"pagpapaalam ko sa kanya.

"Hindi pwede kaylangan tapusin mo tong ginagawa mo. Ang tamad mo talagang bata ka at ano naman gagawin mo don sa kwarto,magmomokmok?"pagsesermon niya sa akin.

Inis akng bumalik sa bangko ko at nagsisimula na sa pag pack.

Pumunta si mama sa CR kasi naiihi saw siya kaya hinay hinay akng lumakad para hindi niya marinig yung yapak ko.

Nakarating na ako dito sa labas ng kwarto ko at pipihitin ko na sana yung doorknob ng biglang..

"Bumalik ka ditong bata ka, hindi pa tayo tapos."malakas na sigaw ni mama.

Kaya ni choice ako kundi ang bumalik don, pinitik niya pa nga yung tenga ko.

Napagod ako sa ginagawa ko ang dami talaga ng orders niya.

Sana hindi na lang ako umabsent.

Hindi na ako magaabsent sa susunod.





The Bad Boy's NerdWhere stories live. Discover now