Chapter 36: Counterattack

3.2K 131 4
                                    


Chapter 36: Counterattack

***

Tiningnan ko ng masama si general na nakangiti lamang habang pinagmamasdan kami sa loob ng sasakyan. Huminga ako ng malalim at lumingon sa katabi ko.

"Anong gagawin natin Finn?"

Seryoso niya akong nilingon. Halata sa kanyang mukha ang pagtitimpi. Parang hindi na siya makapaghintay na labanan si general. Siguradong hindi siya magdadalawang isip na patayin ito dahil sa ginawa nito sa kanyang ama.

"Dito ka lang sa loob. Lalabas ako at lalabanan silang lahat," sagot niya na agad kong kinontra.

"Pero ang dami nila Finn. Tsaka malala pa ang sugat mo sa likod. Sabay natin silang harapin."

"Siguradong ikaw ang sadya nila. Hindi ako papayag na makuha ka nila."

"Kahit na. Tutulungan parin kita--"

Napatigil ako sa gulat ng may arrow na dumaan sa gitna namin ni Finn. Sabay kaming lumingon kay general. Napamura si Finn at mabilis na lumabas ng sasakyan. Hindi naman ako nagdalawang isip na sumunod sa kanya.

"You have guts to show yourself after you killed my father huh!" galit na sinabi ni Finn habang nakatingin kay general.

"Anong kailangan mo?" tanong ko kahit alam ko naman ang pakay nila. Linibot ko ang tingin sa mga traydor na tauhan ni dad na ngayon ay nasa panig na ni general.

"Ikaw lang ang kailangan namin young miss. Sumama ka sa'min at hindi masasaktan ang kasama mo."

"In your dreams. Hindi siya sasama sa inyo," ani Finn. Nilingon siya ni general.

"Oh young man. Kung ako sayo, hindi na ako makikialam. Baka matulad ka lang sa iyong ama," nakangiting sabi ng general na lalong ikinagalit ni Finn.

"You! Magbabayad ka sa ginawa mo sa kanya." Halos manlisik ang mga mata ni Finn sa galit ng binanggit ni general ang kanyang ama.

Humalakhak si general.

"You think you can kill me? You're just a kid. Si Michael nga hindi ako kinaya, ikaw pa kaya na anak lang niya. Oh, well, pagbibigyan kita. Kung gusto niyo talaga kaming labanan, wala na kaming magagawa kundi patayin kayong dalawa. After all, katawan lang ni Janina ang kailangan namin. Dead or alive."

Napakuyom ang aking kamao. Siguradong ang tinatawag niyang master ang may pakana nito.

"I will be the one to kill you. I swear," sabi ni Finn at nagpalabas ng kulay puting bola ng enerhiya sa magkabilang kamay niya.

Ngumisi lang si general at tumingin sa mga tauhan niya. Sumenyas siya sa mga ito at sabay sabay na sumugod ang mga tauhan niya sa'min.

Huminga ako ng malalim at nagpalabas ng kuryente sa magkabilang kamao. May dalawang lalaking sumugod sa'kin. Dahil isa silang sundalo, magaling sila sa combat. Halos hindi ako makasabay sa galaw nila.

Narinig ko ang malakas na pagsabog  galing sa direksyon ni Finn. Hindi ko naman magawang lumingon sa kanya dahil sa pagiging abala sa dalawang sundalo. Mabuti na lang, walang mga tao sa paligid. Tanging mga puno lamang sa gilid ng kalsada ang makikita. Kaya walang madadamay kung sakali.

Iniwas ko ang aking mukha sa paparating na kamao ng kalaban at mabilis ko siyang sinuntok sa mukha at kinuryente. Napasigaw ang lalaki sa sakit. Napadaing naman ako sa tigas ng mukha niya. Natumba siya sahig at nawalan ng malay.

"AH!" sinipa naman ako ng isang lalaki sa tiyan kaya tumalsik ako at nadapa sa sahig. Hinawakan ko ang aking tiyan at unti-unting bumangon.

CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon