Chapter 3- Harana

592 27 3
                                    

Tine's Pov

Natawa ako sa pangalan ng paborito nyang banda, pero wala akong nagawa kundi pumayag nalang ako. I'll take this opportunity to be with her, sakto nga ata tong nilipatan kong University. First day palang, may nakuha na'ko.

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming pumunta sa mga klase namin, hindi naman ganon kahirap intindihin yung mga lessons kung makikinig ka lang talaga. May ibang prof na nagpa quiz agad para daw malaman nya kung nakikinig ba kami o hindi.

Naka perfect naman ako, kasi yung tatlo bagsak. Hindi umabot yung score nila sa passing score, ayan di kasi nakikinig.

"Hoy pano mo na perfect yung quiz, eh mukha kang di nakikinig kanina ah? Halos ipikit mo na nga yung mata mo sa sobrang antok" mahabang litanya ni Phuak.

"Yung mata ko pumipikit, pero yung tenga ko nakikinig" sabi ko sa kanya.

Parang tangang pumalakpak silang tatlo, napatigil ako sa paglalakad ng biglang nag beep yung phone ko.

From: Pear

I just finished my class, asan ka na? Sunduin kita jan, nood tayo concert.

To: Pear

Wag na, kakatapos lang din ng class namin. Ako na susundo sa'yo, san ka na ba?

"Oh pano ba yan pre, mukhang may ka date ka ngayon. So, una na kami ah!" Pag papaalam nilang tatlo at umalis na.

Nag beep ulit yung phone ko.

From: Pear

Andito ako sa Med Building, hintayin nalang kita dito.

Agad akong pumunta sa Med Building kung saan naroon si Pear, pagkakitang-pagkakita ko sa kanya ay parang bumagal yung takbo ng mundo.

At ang bilis ng tibok ng puso ko, ayoko mang aminin pero gusto ko na ata to. HAHAHHA wag nga tayo mag madali.

Agad kong kinuha yung bag nya at ako yung nagdala nun papunta dun sa lugar kung saan magaganap yung concert.

Medyo wala pang tao nung dumating kami, pero agad din itong napuno ng malapit ng magsimula.

Lumabas na yung lead singer at iba pang mga kasama sa banda,

"Wazap everyone! Kami nga pala ang bandang "Ssss"" yun palang ang sinasabi ng lead singer at nag hiyawan na ang lahat, lalo na nung nag simula ng mag adjust ng strings yung pamilyar na gitarista.

"Nakita mo yung lalakeng may hawak na gitara? Isa sya sa mga pinunta ko dito sa concert na'to, magiging sub kasi sya ng isa nilang gitarista kasi nagkasakit daw." Pagpapaliwanag ni Pear.

Tumango lang ako sa kanya, at tinignan ang buong set ng banda. Maganda naman ang pagkaayos ng stage at colorful din yung nilagay nilang lights, bumabagay ito sa atmosphere kasi gabi na rin.

"Ang ating unang kakantahin ngayon ay ang kanta ng Parokya Ni Edgar na, Haranaaaa!" Sigaw nung lead singer, mukhang nabuhayan naman yung loob ko dahil sa narinig ko.

Ipapatugtog nila yung paborito kong banda at yung paborito kong kanta ng banda, okay baka di nyo naintindihan kaya intindihin nyo nalang. Dejoke lang.

Paborito ko kasi yung Parokya ni Edgar, tsaka yung pinakapaborito kong kanta nila ay yung "Harana" which is yun yung itutugtuog ngayon.

Maswerte ako sa araw na'to kasi nakasama ko yung babaeng gusto ko, tsaka yung paborito ko pang kanta yung maririnig ko habang kasama ko sya.

(A/N: Mga OPM lang po yung ilalagay ko kasi nasa Pilipinas po tayo Hehehe)

Nag simula ng tumugtog yung banda.

[Now playing- Harana by Parokya Ni Edgar]

Uso pa ba ang harana, marahil ikaw ay nagtataka.

Nung narinig ko yung linyang yun, ay agad akong umakbay kay Pear. Kasi wala lang, feel ko lang HHAHAHA.

Sino ba tong mukhang gagong nagkandarapa sa pagkanta, at nasisintonado sa kaba.

Tumingin ako sa gitaristang tinutukoy ni Pear kanina, laking gulat ko ng naka tingin din sya sa'kin. Ngunit masama ang kanyang tingin sa'kin na para bang gusto nya'kong patayin.

Na realize ko na naka-akbay pala ako kay Pear, at baka yun yung kina-iinisan nya. Baka may gusto sya kay Pear kaya nag seselos sya sa'kin. Binaba ko nalang yung kamay ko kasi baka magkagulo pa dito.

At pag dating nung Chorus.

Puno ang langit ng bituin, at kay lamig pa ng hangin

Sayong tingin akoy nababaliw giliw, at sa awitin kong ito sana'y maibigan mo

Agad akong lumingon kay Pear, at ngumiti. Ang gandang tanawin naman kasi nito.

Nagulat ako ng biglang maghiyawan yung mga tao, nabigla ako pagtingin ko sa stage.

Biglang inagaw nung gitarista yung mic sa lead singer at...

Ibubuhos ko ang buong puso ko, sa isang munting Harana, para sa'yo...

Yung gitaristang tinutukoy ni Pear ang tumapos sa linyang yun, at habang kinakanta nya yung mga linyang yun ay...

Nakatingin na naman sya sa'kin...

:)
@StudentAndrea

Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon