"Sa'n ba kasi tayo pupunta?" Paulit ulit akong nagtatanong sa kaniya pero paulit ulit lang din niyang iniiwasan 'yung tanong ko. Sabi niya kanina secret daw pero hindi kasi talaga ako mapakali. Hindi ko alam kung naeexcite ba ako o kinakabahan sa mga posibleng mangyari.
Hindi niya na naman pinansin 'yung tanong ko, patuloy lang siyang nakatingin sa daan habang nagda-drive. Hinubad din niya kanina 'yung tuxedo niya kaya 'yung white long sleeves na polo nalang 'yung pang itaas niya. Wala namang nagbago e, pangit pa rin.
Char. Oo na.
11PM na kaya madilim na sa daan, buti nalang may mga ilaw pa rin na galing sa mga bahay bahay. Hindi rin naman ako pala-labas ng bahay kaya hindi ko alam 'yung mga lugar dito. Kahit nga 'yung mga kapitbahay namin, hindi ko kabisado 'yung mga pangalan.
Ilang minuto lang, halos wala nang mga bahay sa dinadaanan namin. Puro puno atsaka 'yung damong matataas. Hindi ko tuloy alam kung ano 'yung mararamdaman ko ngayon. Ayaw pa kasi sabihin kung saan 'to e, jusko.
"Nasa'n tayo?" Tanong ko agad nu'ng in-off na niya 'yung kotse.
"You'll see." Sagot niya atsaka agad na bumaba sa kotse. Lumabas na rin ako agad dahil atat na atat na akong makita kung nasaan ba kami.
Pagkalabas ko, nakita ko siyang may kinukuha sa trunk ng kotse niya. Agad ko siyang pinuntahan para sana tulungan siya pero agad niyang nakuha lahat ng mga bags.
"Bakit mo pa 'ko sinama kung hindi mo naman pala ako papansinin dito?" Inis kong tanong sa kaniya. Nakakairita kaya, kanina pa ako nagtatanong atsaka nagsasalita pero hindi naman niya pinapansin. Konti nalang sasapakin ko na 'to.
Bigla naman siyang tumawa. Lalo lang ako nairita, imbes na seryosohin niya, tinawanan lang ako ni mokong. Ayos 'yan.
"Ako na kasi bahala. Don't worry, okay?" Ngumiti siya tapos nilapag 'yung mga bags na dala dala niya.
Nagtaka nalang ako bigla kung bakit may mga dala siyang blankets, chichirya, inumin na naka can, pati mga chocolates at candy.
"Wait, naka plano ba 'to?" Tanong ko habang natatawa. Patuloy pa rin siya sa paglalabas ng gamit, hindi na naman ako pinapansin.
"No," Bigla niyang sagot, pero tuloy tuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Nandun na 'yung blanket, pati 'yung mga pagkain na dala niya. Kinuha naman niya 'yung mga softdrinks na naka can tapos in-offer sa'kin. Kinuha ko naman agad atsaka binuksan.
"I hoped for it." Natigilan ako ng saglit sa sinabi niya, pero hindi naman niya pinansin.
Umupo na siya do'n sa blanket, tapos tumabi na rin ako sa kaniya. Sa wakas, nakita ko na kung nasaan ba kami. Hindi ko alam kung nasa bundok ba kami o ewan pero alam kong nasa mataas na lugar kami, kitang kita kasi dito 'yung mga ilaw at bahay sa ibaba.
"Woah." 'Yun nalang 'yung nasabi ko sa nakikita ko ngayon. Napakaganda dito. Malamig 'yung simoy ng hangin, kitang kita 'yung mga ilaw na akala mo stars pero sa nasa ibaba, tapos kasama ko pa siya.
BINABASA MO ANG
SAUDADE (Anthology Series #1)
Ficción GeneralAnthology Series #1 𝙎𝙖𝙪𝙙𝙖𝙙𝙚 𝘥𝘦𝘴𝘤𝘳𝘪𝘣𝘦𝘴 𝘢 𝘥𝘦𝘦𝘱 𝘦𝘮𝘰𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘴𝘵𝘢𝘵𝘦; 𝘢 𝘺𝘦𝘢𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳 𝘢 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘴 𝘱𝘢𝘴𝘴𝘦𝘥, 𝘰𝘳 𝘱𝘦𝘳𝘩𝘢𝘱𝘴 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘦𝘷𝘦𝘯 𝘦𝘹𝘪𝘴𝘵𝘦𝘥.