CHAPTER FIFTEEN ( LONG NIGHT II )

11 2 0
                                    

LINDSAY POV

Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa amin ni tatay ben... Umiiyak akong nakatingin kay tatay ben ngayon na naka sandal sa may gulong ng sasakyan namin... Basag basag ang salamin ng sasakyan at napakarumi ng mga damit ko na nagkanda punit punit na... Hindi ako makapagsalita at hikbi lang ako ng hikbi sa sobrang takot ko kanina... Kung di lang ako nagyaya na dumaan kami dito sa kalye na to para ihatid sa classmate ko yung notebook na pinahiram nya sakin baka hindi to nangyari sa amin ni tatay ben...

FLASHBACK.....

Uwian na namin ngayon.. Nagmadali akong lumabas ng classroom at nagpunta sa parking lot para ayain na si tatay ben na umalis na balak ko pa kasing ihatid kay Sammy yung notebook na ipinahiram nya saken dahil di sya pumasok ngayon kelangan ko itong ihatid sa kanila..

"Tatay lets go na po"- ako

"Oh maaga ka yata anak"- si tatay habang pinagbuksan ako ng pinto at sumakay na sya sa sasakyan..

"Yes po.. tay pwede po dumaan muna tayo sa kalye sampaguita ihahatid ko lang po yung notebook ng classmate ko"- ako

"Sige nak "- at nagpatuloy na sya sa pagmamaneho..

Narating namin ang bahay nila sammy at naihatid ko ang notebook nya.. Pauwe na kame at binabaybay ang palabas ng kalye ng may humarang sa amin na limang lalaki..

"BABA!"- sigaw nung isa na may hawak ng tubo..

"Tay..."- mahinang tawag ko kay tatay ben...

"Ako na ang baba nak dito ka lang ha"- wika ni tatay ben.. hinawakan ko sya sa braso para pigilan sana kaso bumababa sya at pinuntahan ang mga lalaking nasa harap ng sasakyan... I think mga kaedad ko ang mga to..

They are all scary gosh!!..

Hindi pa tuluyang nakakalapit si tatay sa kanila ng sumugod ang isa at pinalo si tatay sa balikat.. napaupo si tatay ben sa lakas ng palo nung isa.. Napababa ako sa sasakyan ng makita kong pinagtutulungan nila si tatay...

"TATAY BEN"- malakas na tili ko... Goshh Lord help us....

Nabaling ang atensyon nila saken....  At pinuntahan ako ng isa sa kanila inagaw ang bag ko at kinuha ang laman ng wallet ko... Buti na lang naiwan ko sa loob ng sasakyan ang cellphone ko.....

HOW DARE YOU TO DO THIS TO US!!!!! You already took my money bakit di nyo pa kami paalisin"- umiiyak na wika ko.. Bakit ba may mga taong ganito the fact na they are all minors too..

"EH SA NAG EENJOY PA KAME EH"- sagot nung bumasag ng salamin ng sasakyan namin.

"ISA PA MIS DI KAPA NAMIN NATITIKMAN EH"- sabi nung isa saka sabay sabay silang nagtawanan...

"EWWWWW!!!!!"- diring diri na wika ko.....

"JUST LEAVE US ALONE PLEASE"- umiiyak na pakiusap ko...

"Hahahahahahahaha hayaan mo munang makatikim kame ng mayaman mis"- sabi nung isa saka hinablot nya ang buhok ko..

"Ahh---- let go of me"- napa tili ako sa sakit ng anit ko...

Somebody help us.... Plsss. Pakiusap ko sa isip ko na para bang may makakarinig saken...

"Ahammm"- maya maya pa ay nakarinig kami ng boses... Nilingon ko ang nilingon ng mga goons na to at nakita ko ang babae na nakatayo sa may gilid habang nakapamulsa... bigla ay nabuhayan ako ng loob..

"Hoy anong ginagawa mo dito teritoryo namin to!"- sigaw sa kanya ng isa sa mga goons...

"Yow!"- yung babae

"Aba tarantado to ah"- yung isa sa mga goons na akmang susugod sa kanya..

"Kung ako sayo di ko gagawin yan"- nakangisi nyang banta.. Seriously kaya nya ba ang nga to?

HER STORY Where stories live. Discover now