CHAPTER THREE
Vanessa's POV
Hi guys!ako nga pala si Vannesa Monteclaro ang kaibigan ni Alexa Natividad
Magkaibigan na kameng dalawa simula noong bata pa,kaklase ko sya noong elementary,highschool at saka college,Ayaw kase nameng magkahiwalay sa isat isa.Pero dumating yun time na dapat marunong na kameng magkanya kanya dahil pareho na kameng matatanda at may mga trabaho
Ako ay isang Call Center Agent
At sya naman ay isang Journalist sa isang Company na pagmamay-ari ng kuya koSiguro nagtataka kayo kung bakit mas maganda yung trabaho nya kesa saken?At kung bakit mas gusto kong maging Call Center Agent gayong meron namang kompanya ang kuya ko na pwede naman akong magtrabaho dun dahil kapatid ko naman sya
Pwede naman sana kaso lang pano naman ako makakapagtrabaho doon kung hindi naman ako mahilig gumawa at mag manage ng story,Di naman nya kase ako kasinggaling para maging isang Writer
At isa pa mas gusto ko ang Call Center Agent dahil mas narerelax ako kapag meron akong nacocomunicate na mga tao,Lalo na 't nakakausap ko sila sa ibat ibang lenggwahe
So yun na nga isa sa mga kaibigan ko si Alexa na itinuturing ko nang parang kapatid,Sa araw araw kase na nasa kanila ako ay lage kameng may nagagawang kalokohan tulad na ng paghahanap ng magiging boyfriend sa Social Media.Kaya nakilala namen si James Wize Aloma na kasalukuyang boyfriend na ngayon ni Alexa.
Kaya siguro ganun nalang kababaero ang lalaking yun dahil sa Social Media lang naman namen nakilala
Kasaluyan na akong naglalakad ngayon papunta sa 7/11.Balewala saken ang takot kahit madaling araw na,tumawag kase bigla si Alexa saken kaya ganun nalang ako mag-alala ng marinig kong umiiyak sya kanina
Bwisssit kaseng James na yun,Ang kapal ng mukhang mambabae ehh!halos na nga alagaan at mahalin sya ng sobra ng kaibigan ko nagawa nya pa ring magloko.
Ilang minuto den ang nilakad ko ng makarating ako mismo sa may 7/11.Agad hinanap ng mga mata ko si Alexa,ngunit wala akong makita kahit na anino nya
"San na ba yung babaeng yun?tanong ko sa aking sarili,Sabe nang wag aalis dito ehh!
Hindi na ako mapakali kakahanap sa kanya,kaya ang ginawa ko ay tinawagan ko na sya
Naka tatlong dial ako bago nya ito sagutin
"Hello Alexa!San kana ba?Andito nako sa tapat ng 7/11,Diba sabe kong wag kang aalis dito?Inis kong sabe
"Hello?Who are you?tinig ng isang lalaki,
Ba..ba..bakit lalaki ang sumagot ng tawag?Asan ba si Alexa?OMG baka kinidnap ang kaibigan ko
"He..hello?Ikaw ang sino?bakit na sa sayo ang cellphone ng kaibigan ko?Anong ginawa mo sa kanya?Takot na takot kong sambit
YOU ARE READING
YOU ARE THE REASON
LosowePaano kung isang araw may isang babaeng dumating sa buhay mo para baguhin lahat ng pagkakamali mo Handa kabang tanggapin sya o balewalain nalang?