Chapter 28
"Axton, I'm scared"
Nakasakay na kami ni Axton sa private plane nila Tito Tyler. It's my first time be in a plane but it didn't even makes me nervous. The news from Lolo Albert is much alarming.
"It's gonna be okay, baby. We will get there", hinawakan ni Axton ang mga kamay kong nanginginig.
Tiningnan niya ako sa mga mata at nagtitigan kami.
"Is it?"
"Yes, don't worry"
It took us 1 hour only to reach Cebu.
Nang makakita ako ng taxi ay pumara agad ako.
"St. John Memorial Hospital po", sabi ko sa driver at sumakay na kami ni Axton sa likod.
"Malayo ba yun dito?", tanong ni Axton.
"Hindi naman"
Tinext ko na si Lolo na malapit na kami. Nagtaka pa siya kung bakit ang dali daw ng byahe. Sinabi ko namang nakaprivate plane kami.
~
Nang makarating kami sa hospital ay halos tumakbo na ako sa nurse station para magtanong.
"Anong room po si Rose Lavish?", tanong ko sa nurse.
"Room 24 po, Miss"
"Sige, salamat", lakad-takbo na naman kami ni Axton.
Nang marating ko ang room ni Lola ay dumiretso na ako sa pagpasok.
Pagpasok ko pa lang ay kita ko na si Lola Rose at Lolo Albert na nagtatawanan. I smiled at them.
"Oh, meron ka na pala Lang", sabi ni Lolo.
Diretso kong niyakap si Lolo. Namiss ko din siya. It took us a minute bago kami kumalas sa yakap.
"Miss na miss mo yata ang gwapo kong mukha, Apo ah", napatawa nalang ako sa sinabi niya.
"Oo naman po"
Tiningnan ko si Lola Rose at yun na naman ang kaniyang maamong mukha at magandang ngiti na bumubuo ng araw ko.
Niyakap ko agad siya ng mahigpit.
"L-Lola", napaluha na naman ako. Hindi ko yata kayang mawala sila sakin.
"Lang, okay lang ako sabi ng Doctor"
Hinarap ko na siya at kita mong namumutla siya pero meron parin ang matamis niyang ngiti.
"Apo, sino itong kasama mo?", tanong ni Lolo sa likuran ko. Hala! Nakalimutan kong meron pala dito si Axton.
Nilapitan ko si Axton at hinawakan niya naman agad ang kamay ko. I smiled.
"Ahh.. La, Lo. Si Axton po, boyfriend ko", pagpapakilala ko sa kanila.
"Hala! Bakit di mo sinabi samin na may boypren kang gwapo, Apo", sabi ni Lolo.
"Hello po, Lolo", nagmano agad si Axton kay Lolo. Lumapit din siya kay Lola para magmano.
"Kasama ko po siyang pumunta dito. Sa kanila po yung private plane na sinakyan namin", pagpaliwanag ko.
"Naku, pasensiya ka na, Iho, sa abala ahh..", sabi ni Lola.
"Okay lang po yun, Lola. Nag-aalala din po ako sa inyo", ngumiti agad si Lola sa tinuran ni Axton.
Pinaupo ko si Axton sa silya sa gilid. Bumalik naman si Lolo sa tabi ni Lola.
"Bukas, makakalabas na ako sabi ng Doctor", Lola said.
"Okay po, ilang araw nalang din po Anniversary na nila Mommy at Daddy", tumango sila ni Lolo at Lola.
Gabi na din kaya nagpahinga na kami. Since there's only two bed in here, sa sofa nalang kami ni Axton.
"Sleep here, in my lap. You have a tiring day today, baby"
"Paano ka?", tanong ko.
"I'll be fine as long as my baby's fine too"
"I love you, Axton"
"I love you too. Now sleep my Angel"
Humiga na ako sa kaniyang kandungan. He give me a quick kiss in my forehead. I'm lucky to have him as my boyfriend.
~
Kinabukasan ay nakalabas na si Lola. Ako na ang umasikaso sa papeles niya.
Meron kami ngayon sa tricycle. Malapit lang naman din dito ang bahay namin. Habang nasa byahe ay di naiwasan ni Axton na purihin ang paligid.
Mga punong kahoy ang makikita. Meron ding mga kubo na madadaanan. Napakapresko. I miss this place.
Nang makarating kami sa Barangay Matutinao, Badian ay mas namangha si Axton sa tanawin. Ngiti lang ang palagi kong sinusukli sa kaniya.
"Wait till you see the treasure here", sabi ko sa kaniya.
"I can't wait"
Inalalayan na namin si Lola Rose papunta sa bahay namin. Hindi naman masiyadong kalakihan ang kubo namin pero may tatlong kwarto ito at sa paligid nito ay may mga tanim na bulaklak. Mahilig kasi si Lola sa mga bulaklak.
Nilagay na namin ang mga gamit sa loob.
"Ako na po ang magluluto ng ating agahan. Alas nuwebe na, wala pa tayong kain", sabi ko habang inaayos ang mga gamit.
"Sige, Apo. Salamat", tumango ako.
"Tulungan na kita", sabi ni Axton. Sumang-ayon naman ako.
Tiningnan ko ang laman ng ref nila. May gulay sa loob. Kalabasa ang kinuha ko at hinanda ko na ang mga sangkap para sa pagluto ng ginisa.
Tinimplahan ko na din ang para sa kanin namin.
"Marunong ka bang magluto ng ginisa, Axton"
"Oo naman, I know so many dishes and I can't wait to cook them all for you"
"Alam mo, napansin ko. Simula nung napunta tayo dito sa Cebu, puro ka nalang banat"
"HAHA hindi ka na nasanay", I just shrugged my shoulders.
Habang nagluluto ay may naramdaman akong mga kamay na unti-unti bumabot sa bewang ko.
Little did I know that Axton's hugging me from behind.
"You're a wife material, baby", he leans his chin on my shoulders.
"Of course I am pero sure ka ba na ako?", biro ko sa kaniya.
"Oo naman, sure na sure", tumawa nalang ako at nagpatuloy sa pagluto.
"Aba! Ang aga-aga, ang haharot niyo", hindi ko namalayang pumasok na pala si Lolo sa loob.
Agad na humiwalay si Axton sa yakap. Hmmp! Buti nga sayo HAHAHA.
"Ikaw, Axton. Wag na wag mong lolokohin ang apo ko ha. Nakahanda ang bulo ko dito para sayo"
Nakita ko namang napalunok si Axton. Tumawa agad ako nang malakas.
"A-Ahhh.. H-hindi ko po y-yun magagawa, Lolo", utal na sabi ni Axton. Takot din pala 'to eh.
"Buti naman", tumalikod si Lolo para kumuha ng tubig.
"Ayaw jud pagbinuang kay katilaw jud kag bagsik ni Albert WAHAHAHAHA", dumiretso na si Lolo sa labas. Napatawa ako sa sinabi niya.
"Ano yung sinabi niya?", sabi ni Axton.
"Basta HAHAH", he pouts and he back hugs me once again.
"Ang clingy mo", sabi ko.
"Atleast sayo lang", buti naman.
Nang matapos ko ang niluluto ko ay nag-ayos na kami ni Axton nang mga plato at kutsara sa mesa.
Pagkatapos ay pinuntahan ko na sila Lola at Lolo sa sala. Nanunuod sila ng TV nang abutan ko sila.
"Kumain na po tayo, La, Lo"
"Sige, Apo", sabi ni Lola.
Umupo na kaming lahat sa hapagkainan. Nagdasal muna kami bago kumain.
"Ang sarap mo parin magluto, Apo", sabi ni Lola.
"Opo naman, sayo nagmana eh", tumawa si Lola sa sinabi ko. Totoo naman ah!
"Apo, pagkatapos nating kumain, igala mo si Ton-ton dito", sabi ni Lolo. Nakagawa agad ng pangalan eh.
"Sige po", ngumiti ako kay Axton and he smiles back.
Pagkatapos naming kumain ay pinagpahinga ni Lolo si Lola sa kwarto baka daw mabinat.
Kami naman ni Axton ay naglinis sa kusina.
"I'm really curious about the treasure you're talking about", hindi na talaga ito makapaghintay.
"Later, Axton"
"Okay"
May bigla akong naalala.
"Wala kang damit dito, Axton", Halaaaaaa..
"HAHA, don't worry, baby. I came prepared. May bag ako na dala kagabi. Hindi mo lang siguro napansin dahil sa pag-alala mo", haysst siguro nga.
"We will be staying here for 1 week. Okay lang ba sayo?", I asked.
"Of course, as long as I'm with you", ngumiti naman agad ako sa sinabi niya.
~~~
Ang sweet talaga ni Axton WAHHHHH!
I'm sorry for the long updates. Medyo may ginagawa lang kasi pero thank you parin sa mga readers♡
Labyow all...
YOU ARE READING
Someone To Hold (Denvor's Series #1)
RomanceLife might get rough but sometimes when you're really down, there's someone you can hold on to.