Kabanata 1
Rain
Madalas pagkatapos ng klase ay may lakad kami ni Lovi. Pupunta sa mall para maglibang, sa paborito naming ukayan para bumili ng sapatos nya o kaya naman kahit saan na maisipan. Ngunit iba na ngayon. Ganoon siguro talaga kapag nakakaroon na ng kasintahan.
Ngayon, ang kasama na nyang gawin yun ay si Andrei, her boyfriend. I don't have a problem with that, alam kong mag iiba na ang lahat sa oras na magkaboyfriend na sya.
May naging boyfriend na sya noong junior highschool at senior highschool kami pero lahat yun ay hindi ganoong seryoso kaya marami pa syang oras para sa akin. I am not against to her current boyfriend. I am cool and fine with it. It's just that I am afraid if shit happens to their relationship and Lovi being broken is my nightmare too.
"Hi ma'am! Awesome afternoon, may I take your order please." Malawak na ngiti ang bungad sa akin ng babaeng kahera na sa wari ko ay kaedad ko lamang. Napakasimple lang ng ayos nya, hindi ganoon kakapal ang make up. Manipis lang ang pagkakalagay ng foundation at ang kilay ay natural na makapal at nasa porma.
"Hello, ahm...isang order ng lasagna chicken combo and carbonara chicken combo. Ala carte yung isa then upgrade sa chocolate rush with jelly naman yung drinks nung isa. Take out please, thanks."
Naalala ko noon ang usapan namin ni Lovi na mag summer job pagkagraduate ng senior high. Hindi na nga lang natupad dahil hindi pumayag ang mga parents namin.
"Here's your attending number ma'am. Enjoy your stay with us!"
Pagkakuha ko ng number ay humanap ako ng bakanteng upuan para doon hintayin ang order ko. Wala pang sampung minuto ay nauna ng dumating ang drinks na inorder ko.
Maraming tao sa mall ngayon dahil Sabado. Hindi rin kataka taka na marami ang kumakain sa fastfood restaurant kung nasaan ako.
"Excuse me, do you have company?"
Nawala ang tingin ko sa mga taong kumakain ng may biglang tumawag ng atensyon ko.
"Do you mind if I sit in here? Wala na kasing available na table." Nahihiyang tanong sakin ng isang babae na sa tantya ko ay mas matanda lang sa akin ng ilang taon.
Tumango ako bilang pagsang ayon na ayos lang na umupo sya. I don't own this and I also notice that she's right, occupied na nga lahat ng table.
"Thank you and sorry sa abala."
"No, it's fine." Ngumiti na lamang sya bilang pag tugon at saka ibinaling ang tingin sa iba.
Ibinalik ko ang tingin sa mga taong abala sa pagkain hanggang sa napadpad ang aking mata sa kaherang ngayon ay abala sa pagkuha ng order ng mga customer.
Ano kayang feeling magwork? When I was a kid, I always wanted to be a cashier. I fell in love to the sound of the coins everytime na ilalagay ng cashier ang mga ito doon sa kaha. Manghang mangha din ako sa bilis nilang pumindot doon sa monitor. Para bang kaya nilang gawin iyon kahit nakapikit.
"Excuse me ma'am,.." ang crew na kanina pa ata nakatayo sa aking gilid. "..here's your order po."
Kinuha ko ang paper bag at chineck kung kompleto at tama ang laman kasabay noon ay binanggit naman ng crew ang laman ng paper bag.
Nang masiguro ko na tama ang laman ay kinuha ko na ang aking bag at nagpasya mg umalis. Tiningnan ko pang muli ang babaeng nakishare sa akin ng table ngunit abala siya sa kanyang cellphone kaya hindi na ako nag paalam.
Wait, bakit naman ako magpapaalam?
Naglakad na ako paalis ngunit bago ko pa marating ang glass door ay nakita ko si Russ at kasama nya yung babae nung nakaraan sa may parking. Kadarating pa lang siguro dahil nakapila pa sila para umorder.
BINABASA MO ANG
In Love With Your Flaws
Подростковая литература#1 Alena Hope Arevalo and Lincoln Austin Ramirez story. ©