Standee My Baby

2 4 0
                                    

Naglalakad lakad ako rito sa mall ng mahagip ng mata ko ang standee ng isang sikat na lalaki. Syett ang gwapo talaga ng baby ko.

"Roxy baby come here" pag tawag sakin ng aking baby na si Tom. Siya yung lalaki na nasa poster.

"Wait for me my baby"

Naglakad ako papunta rito at ito'y niyakap

"I miss you baby" bulong nito sa aking tenga

"I miss you too. Sobrang busy mo kasi sa work mo eh kaya wala na tayong time sa isa't isa" kunwaring pagtatampo ko rito

"Remember I do it for our future okay" sabay halik nito sa noo ko. acckkk I'm so kilig kilig na ha wag kang ganyan kagatin kita dyan rawr.

Pumunta kami sa isang restaurant na magkahawak ang aming mga kamay. Pagkapasok namin doon halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa amin I mean sa katabi kong sobrang gwapo wahh.

"Nakakainis sila kanina pa sila tingin ng tingin sayo oh" bulong ko rito

"Don't mind them" simpleng tugon nito

Pagka order namin ng pagkain ay umupo na kami sa aming pwesto. Doon kami pumuwesto sa may pinaka dulo para raw di na ako magselos sa mga tumitingin kay Tom. Sweet nitong lalaking ito kaya love na love ko ito eh.

"Hey don't talk when your mouth is full" pasaway nito sakin. Kinukwento ko kasi sakanya yung nangyari sakin kahapon. Inabutan ako ng tubig nito na ininom ko naman agad.

"Sorry di ko kasi mapagilan eh nakakainis sila sinabihan ba naman ako na ginagamit lang kita para sumikat ako" galit na kwento ko rito

"Don't mind it. I know that's not true" sagot nito

"You know how much I love you right. They are just my fans but you you're my girl" dagdag nito na nakapagpakilig sakin

"Yii enebe keshe nemen eh kenekeleg eke" sabay mapaglaro kong pinalo ito sa braso

"Pfftt go finish you're food and we will go to the park" sabay tap nito sa ulo ko

Kaya naman dali dali kong inubos ang pagkain ko para makapunta na kami sa park agad.

Pagkarating namin sa park ay umupo kami sa isang bench roon.

"Alam mo ang swerte ko dahil naging boyfriend kita" nakangiting sabi ko

"I'm lucky to have you to as my girlfriend" tugon nito

Maya maya lang ay naramdaman kong tumayo ito  sa harap ko sabay luhod. Magpoprose ba siya wahhh di pa ako ready dito bigyan niyo muna ako ng ilang segundo para makapag isip. Ay payag na pala ako kahit wag niyo na ako bigyan ng ilang swgundo ng pag-iisip.

Kinuha nito ang isang kamay ko.

"Roxy I think this is the right time for me to do it" sabay labas nito ng isang maliit na box. Pagka bukas nito ay napahawak ako sa bibig ko gamit ang isa kong kamay.

"Roxy will you marry me" pagkasabi niya nito ay napaluha na ako

"Yes baby papakasalan kita" sagot ko rito

Napatayo ito sa saya atsaka niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you so much" bulong nito at bumitaw na sa pagkakayakap sa akin

Hinawakan nito ang aking baba at onti onting pinaglapit ang aming mga mukha. Isang inch na lamang ay mag kikiss na kami ng biglang may kumalabit sa akin.

"Ah miss magsasarado na po ang mall kailangan niyo na pong lumabas" magalang na sabi ng guard

Napaltingin ako sa paligid ko at wala na ngang tao nakapatay na ang mga ilaw at ang ilaw na lang ng clothing shop na nasa harap ko ang bukas.

Myghad roxy kanina ka pa pala nagiimagine sa harap ng standee ng sikat na model na si Tom. Jusq nakakahiya ako. Muntik ko pang I kiss ang standee na ito.

Dahil sa kahihiyan ay kumaripas ako ng takbo papalabas ng mall.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon