1.
THIRD PERSON'S POVKUMATOK ang isang ginoong kung 'yong titigna'y nasa kalagitnaan ng 30 at 40 ang edad. Nakasuot ng pormal na uniporme't masasabing may itsura.
Tila ba inip na inip na kumatok habang pasulyap-sulyap sa relo nitong may kamahalan saka inaayos ang kurbadang kanina pa ayos. "Angels, wake up please. You don't want me to be late."
Tila mabilis pa sa kidlat ang pagkilos ng dalawa. Ang inis sa tono ng kanilang ama ang naging hudyat na kahit gusto pang bumawi ng ilang minutong tulog ay kailangan na nitong kumilos.
Mabilis pa sa alas nueve'ng binuksan ng isang dalaga ang pinto't dahan-dahang ngumiti.
"Good morning daaaad." Sabi nito saka hinalikan sa pisngi ang tinutukoy nito.
"Morning princess..." Hinalikan sya nito sa noo. Isang pagkakataong nagpapahiwatig na karapat-dapat nga naman s'yang kainggitan. "Where's Blaire? Go on, wear your uniform. Nauna na kuya n'yo, at ako ang maghahatid sa inyo ngayon." Nanlaki ang mata ng dalaga't mabilis na tumakbo.
"Ateeeeee! Ateeeeeee! Si Daddy maghahatid satiiiiiiiiiin!!!!" Halata sa boses nito ang labis na pagkatuwa. Kaya naman kahit mahuhuli na, unti unting nawala ang pagkainis ng ama. Napailing na lamang siya't unti-unting napangiti.
Muntikan ng malunok ng babae ang minumumog ng magulat sa sigaw ng kakambal.
"Osh-Osh nash" sagot nito habang nagto-toothbrush. Sanay na siya sa reaksyon ng kapatid, talagang tuwang-tuwa ito 'pag nagkakaroon ng oras para sa kanila ang kanilang ama.
Sa kambal, masasabing siya ang ate. 'Pagkat di mapagkakailang mas mature itong mag-isip.
Naramdaman niyang may yumakap sa likod niya kaya naman hindi na napigila't talagang iritang-irita na siya. "Flare!" Tumalsik man ang laway ay hindi siya papatinag, galit siya, kailangan umayos ng kapatid niya.
"Hehehe. Sorry na ate. Dalian mo na dyan, baka magbago isip ni Daddy." Nakanguso ito. Napatingin naman sa kanya ang ate niya, oo nga't siya na lang ang hinihintay. Nakauniporme na ito at nakaayos pa ang buhok.
Tumigil ito saglit sa pagsisipilyo saka nagsalita "5 minutes Flare, give me 5 more minutes; so sit there in the corner and shut your mouth for 5 minutes, ayt?"
"Hehe. Aye aye, captain!" Usal nito habang may malawak na ngiti; na s'yang ikinailing muli ng kapatid.
*****
Sumandal sa kotseng itim ang ginoo habang patuloy na pinaiikot ang susi sa kaliwang kamay tandang naiinip na ito. Saka sumulyap sa relo at nagsalita na may bahid ng pagkairita. "Angels, what's taking you so long?"
"Here we are, dad!" Lumabas ang babaeng may itim na laso sa leeg na nakawaterfalls at bahagyang nakalaglag ang may pagka magenta pink nitong buhok. Naka 3/4 sleeves at fitted na blusang mayroong pulang kurbata. Sa kaliwang kwelyo nito'y naroon ang logong may pulang tigre na may kulay pilak na pakpak; na s'yang sumisimbolo sa kanilang paaralan. Kapansin pansin rin ang pula nitong paldang nagmumula sa may pusod hanggang sa 2 pulgada pataas mula sa tuhod. Mayroon itong tatlong guhit sa gilid na kulay pilak. Siya si Flare.
Kasunod nito ang naka ponytail ng mataas ang itim na itim na buhok na kulay abo ang dulo; at kapansin-pansin rin ang pagkasopistikada nito sa itim na lipstick; na di mo malalamang sa eskwelahan pala ang tungo nito kung hindi makikita ang uniporme. Nakasuot ito ng unipormeng katulad ng sa kapatid. Ito naman si Blaire.
"Goodness... I thought sa klase punta nyo?" Singit ng kararating lamang na ginang, may dala itong ilang plastic ng gulay at tinapay.
"Goodmorning Hon," lumapit ito sa ginoo't humalik sa labi. "Eeewww..." sabay na banggit ng dalawang dalaga na syang ikinangisi nito, "bakit di pa ba kasi kayo magboyfriend ah?, wala ba kayong manliligaw?"
"As if someone would dare to." Napabuntong hininga si Blaire, saka naupo na sa likuran ng sasakyan at dumungaw sa bintana upang bumeso sa ina. "G'bye mom."
"Mom look at my hair! Finally, I did it!" Nakangiting pagmamalaki ni Flare sa ina. "Buh-bye mom!" Humalik ito sa pisngi ng ina't dali-daling naupo sa kabilang parte ng sasakyan.
Napailing na lamang ang babae at saka napangiti. "Take care, okay?..." bumaling ito sa ginoo at napangiti, "I love you."
Sabay namang napatakip ng tenga ang dalawang dalaga saka sabay ring inikot ang mata. "Too much sugar." Bulong ni Blaire saka naman humagikhik si Flare.
Napatawa ng bahagya ang ama saka tumingin sa asawa't sumagot, "I love you more. Tell nanay Cita to close the gate, kay?"
Tumango ang babae saka sumakay na ang lalake't nagmaneho. Naiwan ang babaeng nakangiti habang pinagmamasdan ang paalis na sasakyan.
*****
Nagmamadaling naglakad ang dalawa, hindi maikakaila ang paghanga at ilang mapanuyang tigin sa kanila. Nilabas ni Flare ang maliit na clipboard mula sa bag kung saan nakasulat ang schedule nila.
"Room 104." Mahina niyang banggit, sabay naman ng pagtango ni Blaire.
*****
Simula na ng ikalawang semestro, at sa loob ng isang buwan ay tila walang nagbago sa kanilang paaralan.
Lunch break nila ngayon at ang dalawa ay nasa may isang maliit na coffee shop sa Apex Plaza, ang naging tambayan nilang dalawa magmula ng lumipat sila sa Silver Wings Academy dalawang taon na ang nakakaraan.
Nasa kalagitnaan na ng binabasang libro si Blaire at nakasandal sa upuan habang si Flare naman ay nakapangalumbaba sa lamesa at mangiyakngiyak ng may suot na earphones at nakaharap sa laptop, nanonuod ito ng While You Were Sleeping.
Maya-maya ay nakarinig si Blaire ng hiyawan kaya naman kinalabit nito ang kapatid. Tinanggal naman agad nito ang earphones at dali-daling pinunasan ang luha at lumingon sa tinuturo ng kapatid.
Dahil sa may pagkatsismosa ang dalawa, nawala sa isip nila ang kanilang mga gamit at nagkukumahog na pinagsisikan ang sarili upang makasilip. "Gago! Sino ba may sabi sayong may pake ako sa inyo?!" Marahil ay pamilyar ang boses nito kaya naman mas lalong sinubukan ng dalawang makita kung kanino ito nanggaling.
At dahil nga may kataasan ang sapatos ni Blaire habang ang kay Flare ay flat, hindi ito gaanong nahirapan. Gulat man sa nakita, ay hinila na nito ang kapatid at tila nagmamadali. "For goodness' sake Blaire, I wanna know too!" Bakas ang pagkayamot sa dalaga, nagdadabog man ay nagpahila na lang sa kapatid.
"Shut up Lanz Clyde! You don't know anything." Natigil ang dalawa sa paglalakad, agad na napalingon si Flare sa komosyon "Sana mali yung naiisip ko pero... it's not him, is he?" Baling nito sa kapatid.
BINABASA MO ANG
Death's Plan
Mystery / ThrillerNapalingon sakanya ang lalake dahil sa nagawa niyang ingay. Di maikakaila ang bakas ng gulat at pagtataka sa mukha nito. Dali-daling humakbang ang lalake palapit sakanya, kasabay ang daglian niyang pag-atras "saglit la-" hindi niya ito pinatapos sak...