Lyka's POV
Lunes na naman. Magkikita na naman kami. Para na naman kaming di magkakilala.
"Lyka, bilisan mo nga! Lutang ka na naman." -Liza
"Ano na namang nangyari?^_^" -Loraine
Yeah:) Ang iingay talaga ng mga kaibigan kong to.
"Bakit ba? Wala namang nangyari kagabi."
"Sinungaling! Anong akala mo maniniwala kami?! Asa!" -Lean
"Oo na! Tama na kayo! Tumawag na naman siya kagabi." Pagsasabi ko nang totoo sa kanila.
"Tapos ano? Ang sweet sweet niya kagabi tapos ngayon parang di ka niya kilala!?" -Lean
Ayan na naman. Sinesermonan na naman nila ako.
"Kasalanan ko pa talaga ngayon?" -ako sabay walkout. Napuno na rin siguro ako kasi sobra na nilang pinapakialaman ang buhay ko.
Kilala ko naman sila. Pag once naramdaman nilang galit ako, di nila ako papasinin.
Naalala ko na naman ang ginawa niya kagabi.
-FLASHBACK-
Dalawang oras na kaming naguusap ni Lorenz sa phone Actually 1am na. Trip niya kasing tumawag nang gabi na talaga At dinadamay pa ako =_=Minsan ako ang tumatawag sa kanya pag Kailangan ko na talaga ng kausap Pero madalas naman na siya ang tumatawag Alam niyo kung bakit? Para bwesitin lang ako at ako namang tanga nagpapabwesit din!
Hay! Kamusta naman yon!? Kung mag-usap at magkatext kami sa phone Hinigitan pa namin ang magboyfriend girlfriend. Ewan ko ba kung bakit di ako nabobored pagkausap ko siya. Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit Dahil gusto ko siya. Pero kung alam niyo lang Kung ano kami sa classroom nako!! Maiinis kayo dahil sa katotohanang parang di kami magkakilala.
Nagising ako sa pagkwekwento ko sa inyo nang marinig ko na bigla nalang siyang tumahik mula sa pagkwekwento niya.
"Lyka, may sasabihin ako?" -ang seryoso ng boses niya.
Bakit iba ang nararamdaman ko?
"A-ano y-yun?
"Wag kang magalit okay?"
"Oo na! Bakit nga?"
"Pwede bang manligaw?"
Natahimik na lang ako bigla. Di pa kasi nagsisink-in sa utak ko kung ano ang sinabi niya.
Loading.......
Processing......
Processing......
Sink-in......
What??!!! Seryoso!?! Baka nag-aasume lang ulit ako. Mahirap na!
"Paki-ulit nga?!"
"Sabi ko Pwede bang humingi ng tulong may liligawan kasi ako." -pagpapaliwanag niya.
Bakit masakit? Hindi naman ganun ang narining ko ha!? Baka isa na naman yun sa mga imagination ko. Napakaasumera ko talaga.
Sino ba naman ako? Ni hindi nga kami nagpapansinan sa room tapos liligawan nalang niya ako bigla. Asa!
"Ah! Oo naman! Basta ikaw!"
"Ano ba ang magandang gawin pagmanliligaw?"
Iisipin ko na lang muna na para sa'kin to! Atleast kahit ngayon lang Maging masaya ako.
BINABASA MO ANG
Text/Call ??
Short StoryIlang months kaming nagtetext at nagtatawagan pero hanggang ngayon di ko alam kung ano kami.