"MIKHAIL WHY WE'RE HERE? As far as I remember, some men kidnapped us. Tell me what happened?" seryoso niyang tanong dito habang si Mikhail ay nakaupo sa pang isahang sofa at siya naman ay nakatayo malapit sa bintana habang nakakrus ang mga braso niya.
Hindi naman siya sinagot nito bagkus ay inubos muna nito ang wine na nakalagay sa baso.
"Remember, what I tell you?" saad nito matapos lunukin ang wine sa bibig.
"Yung bang 'I want to prove something' mo?" sabay tinarayan niya ito.
Natawa naman si Mikhail sa inakto niya dahilan para taasan niya ito ng kilay. Ngunit sa pagtawa nito ay may kung anong kumuhit sa puso niya para makaramdam ito ng tuwa.
Heart stop!
"Forget about it" sabay kindat nito sa kanya.
Inirapan naman niya ito at umalis sa sabay nagtungo sa kusina. Kumuha siya ng tubig at ininom niya iyon. Napahawak naman siya sa puso niya na ngayon ay natutuwa sa hindi niya malamang dahilan.
Bakit nagkakaganyan kang puso ka? Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sayo?
Bigla naman siyang nalungkot ng maalala niya ang nakaraan. Hindi niya masisisi kung bakit nagkakaganito ang puso niya. Ngunit hindi rin naman niya masisisi kung kailangan niyang umiwas kay Mikhail.
Tama na siguro ang panahong nahulog siya sa lalaki kahit na isa sa mga pinagkasunduan nila ang bawal mainlove.
Bakit ba sa ganitong mga pangyayari ang babae palagi ang nauunang magmahal? Bakit ba palagi ang babaeng unang bumibigay? Bakit ba palagi ang babae ang unang nagiging marupok? Siguro nature na ng pagiging babae ito.
Yung tipong kahit anong gawin mo, kahit anong iwas mo, kahit gawin mo pang bato ang puso mo. Basta pag tumibok ito wala ka ng magagawa pa.
"Are you hungry?" biglang sulpot ni Mikhail sa kung saan.
Tinaasan naman niya ito ng kilay "Nope, I'm not" pero hindi nakumbinsi ito dahil napatingin ito sa kamay niyang may hawak na palang noodles.
Nagtaka naman si Sienna kung kailan at paano napunta ito sa kamay niya. Marahil sa sobra niyang pag-iisip hindi na niya namalayan ang mga kamay niya na kusang kumilos. Inis na inihagis niya ito kay Mikhail at sabay nag walk out.
Hindi naman siya napahiya doon, slight lang. Narinig naman niyang tumawa na naman ito dahilan para kumulo ang dugo niya at lalo siyang mainis ngunit sa kabilang banda ay pinagtataksilan siya ng kanyang puso.
Nagtungo na lamang si Sienna sa living room at doon ay umupo siya sa sofa sabay napabuntong hininga. Napakagat naman siya sa pang ibabang labi ng biglang kumalam ang sikmura kanyang sikmura. Napalinga-linga naman siya sa paligid at nakita niya ang nakasabit na antik na orasan.
Nanlalaki naman ang mga mata niyang makita na nakaturo ang maliit na kamay nito sa ikalimang numero at ang mahaba naman ay sa ikawalong numero. Kaya ibig sabihin ang oras ay nasa 5:40 pm na ng hapon.
Mas lalong kumalam naman ang sikmura ni Sienna ng may maamoy siyang mabangong pagkain. Nang gagaling ito sa kusina at talagang nanghahalimuyak ang amoy nito. Binasa naman niya ang labi sabay sinundan ang mabangong amoy.
Pagdating niya sa kusina napahinto siya ng makita si Mikhail na nakahubad baro ngunit may suot na apron dahilan para lumabas ang kamtchohan nito.
Ang mga mascel nitong nagsisiksikan sa iba't ibang parte ng katawan nito habang nagluluto. Napatulala naman siya kay Mikhail habang ang binata ay abala sa pagluto. Ngayon niya lang kasi nakitang nagluto si Mikhail.
BINABASA MO ANG
W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》
RomanceWARNING R+18: W#1《LET ME TASTE YOU》 "All I want is protection but I found out you're the one who need it because of the pain in your heart." - Sienna Alcazar ATTENTION: THIS STORY ARE COMPOSED OF EROTIC SCENES. BEWARE TO THE WORDS I PUT. NOTE: 18...