𝙄 𝙏𝙝𝙞𝙣𝙠 𝘼𝙗𝙤𝙪𝙩 𝙔𝙤𝙪

0 0 0
                                    

[𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘤𝘳𝘶𝘴𝘩 𝘥𝘪𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘤𝘳𝘶𝘴𝘩 𝘥𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘭𝘢] 𝚊𝚝 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚒𝚔𝚊𝚠 𝚢𝚞𝚗 𝚑𝚊𝚑𝚊𝚑𝚊𝚑𝚊𝚑𝚊𝚑𝚊

-𝓜𝓷𝓮𝓶𝓸𝓼𝔂𝓷𝓮♡

"SOFIA!!! ANO BA DI MO BA BIBILISAN DIYAN?!!! IIWAN KA NA NAMIN." sigaw ni mommy mula sa baba.

"Opo pababa na akooo!!!" sagot ko naman sa kanya. Habang sinusuot ang jacket ko.

Binalikan ko pa kase sa taas yung backpack ko at cellphone ko na kanina ko pa chinarge para sa byahe namin ngayon. Papunta kami ngayon sa Bramsea, isang sikat na camping site at doon kami magpapalipas ng summer ngayon. Hinablot ko na ang headset ko at sinukbit sa likod ko ang backpack.

Paglabas ko ng bahay ako nalang pala ang hinihintay. Dali dali na akong sumakay sa backseat, since si mama yung nasa gunshot seat at ayos na din yun kase makakahiga ako ng maluwag dito sa likod.

"Bakit ba ang bagal bagal mong kumilos ha sofia, kanina mo pa kami pinagiintay dito ng daddy mo." pagsalubong sakin ni mama.

"Sensya na po" sagot ko nalang sa kanya.

"Mommy hayaan mo na." pagsuway naman ni daddy sa kanya. "Ano sweetie nadala mo na ba lahat ng kailangan mo for this camping? " ask ni daddy sakin.

"Of course dad, andito na lahat ng kailangan ko. " sabay tapik sa backpack ko. Inimpake ko lang naman yung mga damit at magagamit ko dun since walang internet at signal dun malamang. Kaya wala siguro akong ibang gagawin dun kundi matulog at makinig ng music o buoin ng paulit ulit tong rubics cube ko.

"Kinakampihan mo nanaman yang anak mo" pagtatampo ni mommy kay dad.

"Aysus nagtampo ka naman kaagad diyan." sabi ni daddy, sabay tusok sa tagiliran ni mommy.

Napailing nalang ako habang tinitingnan sila. Binuksan ko nalang ang phone ko, inopen ang bluetooth sa both phone at headset ko. Mahaba haba pa ang byahe namin kaya matutulog nalang muna ako.

●♡🌺♡●

Paggising ko nagbabyahe padin kami. Inofferan ako ni mommy ng Jollibee na tinake out nila daddy kanina. Sakto gutom na gutom pa naman ako.

Mga ilang kilometers pa, nakarating na rin kami sa entrance ng Bramsea. Pumasok kami sa isang malubak na daan na puno ng mga puno.

"Wow dad, ang ganda naman dito. Your right about saying that this looks like a paradise." sabi ko kay daddy, habang nakatanaw sa bintana. Unti unti nakita ko na rin yung lake at sobrang excited na akong lumabas para maggala at mag swimming dun.

"I know that you will have so much fun here, lalo na may mga ka-age mo rin ang pumupunta dito." tugon ni daddy sakin. Bigla naman akong nanamlay sa sinabi ni daddy.

Akala ko naman kase masosolo ko tong lahat ng toh yun pala may mga makakasama din pala kami dito. Well ghorl hindi naman din kase toh private, I should have remind myself about that.

Pagkapark ni daddy ng kotse, dali dali narin akong bumaba at kinuha lahat ng gamit ko. May mga kumuha ng gamit namin at tinulungan kaming ilagay yun sa isang cabin. Nagrent din kase si daddy ng cabin para kung puno ng tent yung camping site atlis may matutulugan kami. At gusto ko din mahiga sa kama noh kaya thank god na may cabin.

Pagkasettle na pagkasettle namin ng mga gamit sa cabin, may pumito sa labas.

"Mukhang sakto lang tayo sa time para sa mga activities dito" sabi ni daddy. Nauna pa siya saming lumabas ni mommy.

One ShotWhere stories live. Discover now