CHAPTER 34

5 3 0
                                    

*

Warning:

     SPG alert!!! Marahas!

*

Brie's POV:

"Huwag kang lumapit sa akin. Papatayin kita. Huwag mo akong subukan, Nick o alyas Half Mask!"

Galit kong sigaw sa kaniya na ikinatawa lang nito.

"Makakaya mo kaya yun kapag napakinabangan na kita at napatay... Hahhahaa" asar akong lumilihis sa kaniya. Patuloy naman ito sa paglapit sa akin.

"Tang*na mo! Paano mo nagawang lokohin ang Prinsepe? Wala kang kasing sama, Nick. Kaya pala ng magkita tayo. Mainit na ang dugo ko sa asta mo, yun pala masama ka. Katulad na katulad mo ang iyong lolo" nabigla ako sa pagsampal niya. Hindi ko inaasahan yun.

Galit ko siyang nilingon nang ibaling ko ang mukha ko sa kaniya. Ang lakas ng sampal na iyun.

"Hahahha... Ayos lang sakin yun Brie. Mapapatawad naman kita kung pagbibigyan mo ako" matapos niyang sabihin yun ay sinunggaban niya ako ng halik. Marahas ito kaya kinagat ko ang labi niya dahilan ng pagdugo nito.

Napabitiw siya sa paghatak sakin. Pagkakataon ko nang lumabas sana. Marahas niyang hinablot ang kamay ko at ipinangko sa kama.

Nakapatong na siya sakin ngayon. Akmang sisipain ko siya ng ipitin niya ang mga binti ko. Nagpupumiglas ang mga kamay ko sa tindi ng hawak niya.

"Hahhaha... Mas gusto ko ang posisyon natin, Brie" nakangisi na niya akong tiningnan. Bakas ng takot ang mukha ko.

"Napakasama mo talaga" matapos kong sabihin yun ay sinunggaban niya ang labi ko. Tikom ang bibig ko habang pilit niyang pinapasok ang dila ron.

Nabigla ako ng hinawakan niya ang kanang dibdib ko. Dala ng gulat umawang ang bibig ko. Matagumpay niyang naipasok ang kaniyang dila. Nalalasahan ko ang dugo na mula sa kaniyang labi na kinagat ko.

Patuloy lang akong nagpupumiglas sa ginagawa niya ngunit mas lalo lamang niyang hinaras ang sarili ko. Naiiyak na lamang ako sa nangyayari dahil wala akong magawa para ipagtanggol ang sarili ko.

Nang magsawa siya sa bibig ko ay umanggat ang katawan niya at marahas na sinira ang damit ko.

Agad ko siyang sinikmuraan. Dali - dali naman akong umalis sa kama. Wala akong pakialam kahit sira ang damit ko. Ang mahalaga sa akin ay makaalis sa lugar na ito.

Hawak ko na ang saraduhan nang pinto ng maramdaman kong hinila niya ako. Hindi na ako nagpatumpik - tumpik pa at sinipa ko siya sa mukha.

Hindi ko siya tinigilan sa pagsipa na ikinadadaing niya rin. Susuntukin ko na sana sa mukha ng mahawakan niya ang kamao ko.

Isang ngisi ang natanggap ko mula sa kaniya. Pumaibabaw muli siya sa akin. Mas marahas kumpara kanina.

"Tang*na mo talaga, Nick!"

"Hahahha... Akala ko ba magaling ang Dames ng Prinsepe. Akala ko lang pala. Hindi ko naman talaga tinutulungan ang Prinsepe. Ako pa nga ang dahilan kung bakit natagalan ka niyang hanapin. Maaaring nakaligtas nga siya noon pero ang tanong, sino ang sumabotahe sa kanila? Hahahahhaha... Alam kong naiintindihan mo na ang lahat Brie. Maaari na ba nating ipagpatuloy" dala ng gulat ko sa nalaman ay bigla na naman niya akong sinunggaban.

Siya ang dahilan kung bakit nangyari lahat ng yun sa Prinsepe. Siya ang dahilan kung bakit napaalis kami sa lugar na iyun. Siya ang dahilan kung bakit narito ako ngayon. Lahat ng ito plano na nila noon pa.

Wala na akong pagpipiliang gawin upang makawala dito. Ginawa ko na lamang ang sa tingin ko'y plano na maaaring gumana.

Habang hinahalikan niya ako ay tumugon rin ako sa kaniya.

'I'm sorry, Diego'

Nagulat siya sa ginawa ko kaya lumuwag ang hawak niya sa kamay ko. Mapusok ko siyang hinalikan habang hawak ko ang mukha at batok niya upang mas dumiin ang paghalik ko.

Napangiti naman siya kaya pagkakataon ko nang hawakan ang pressure point niya at pinisil yun upang makatulog siya.

Napagtagumpay ko ito. Mabilis akong umalis sa harap niya ang sinipa pa ang pinakaiingatan nito.

Marahas kong pinunasan gamit ang likod ng aking kamay ang aking labi saka dumura. Hindi ko masikmura ang nagawa kong pagtugon sa kaniya.

Dahan - dahan akong lumabas ng kuwarto. Nakahinga ng maluwag ng sa wakas ay walang bantay.

Papaalis na sana ako ng biglang dumating ang isa sa mga tauhan nila. Tumakbo ako. Nararamdaman ko nalang na marami na ang naghahabol sa akin.

Hindi ko na inalintana pa ang sira kung damit ang mahalaga sa akin ay ang makaalis sa lugar na ito.

Nabunggo ako sa matigas na bagay ng hindi ako tumitingin sa dinadaanan.

"Arrgghh. Kunin niyo ang babaeng to. Nakalusot ka pa talaga sa apo ko" galit niyang usal sakin bago ako sampalin.

Alam kong namula ang pisngi ko dahil sa lakas nito. Nagpupumiglas lang uli ako. Mas ginamitan ko ng pwersa kaya matagumpay akong makawala sa kanila at sinipa ang nasa pagitan ng Lolo ni Nick.

Bago pa ako masuntok nang mga tauhan nito ay pasimple kong kinuha ang baril nang lalaki sa kaniyang tagiliran. Pinapaputukan ko na ang tagiliran nito. Sinipa ko naman ang akmang hahablot sakin at binaril sa kamay.

Nagsunod - sunod na putok nang baril namin nang makita kong wala na ang matanda. Agad ko itong hinanap ngunit nagulat na lamang ako ng mayroon pang dumating na mga armado.

Sinubukan kong tumakbo sa kaliwa ngunit mayroon nang nakaabang roon. Umatras ako at sinubukan namang tumakbo pakanan ngunit may mga armado narin doon na nakatutok ang baril sa akin.

Pasimple akong tumingin sa taas bago nagtaas ng kamay. Dahan-dahan silang humakbang papalapit sa akin. Ganun na lamang ang pagkagulat namin nang makarinig kami ng putukan sa labas nang lugar.

Bago pa sila makapaputok sa akin ay inunahan ko na ang lalaking malapit sakin at ginawang panangga sa bala nang mga kasamahan nila.

Wala na akong pakialam. Damay - damay na kami. Kinuha ko narin ang baril sa lalaking ginawa kong panangga.

Inaasinta ko ang mga kamay at hita nila para hindi nila ako maabutan at makuha.

Galit ko silang pinapaputukan habang umaalis sa lugar na iyon. Agad kong inihiga ang lalaki at pumasok sa isa sa mga kuwarto. Pinagpatung-patong ko ang mga bagay na nakikita ko loob nang kuwarto sa pintuan upang walang makapasok.

Natapos ko ito. Nabigla ako ng biglang nagcollapse ang binti ko. Puno nang dugo ang mga paa ko.  Nararamdaman kong sumisirit ang mga dugo sa iba't-ibang parte ng katawan ko.

Nakaupo lang ako nang kumalabog ang pintuan. Naghihisterikal ang puso ko kaya gumagapang ako patungong bintana nang kuwarto.

No choice ako. Either they will caught me or I'll jump to the window.

Mas lumakas pa ang kalabog nang pinto at nakita ko nalang na bumukas ito kasabay nang pagtalsikan nang mga ipinatong ko roon.



____________________________________________

Hi guys 👋

Omo! Ano nang gagawin ni Brie?

LIKE, COMMENT & VOTE

© purpleCalib

A Moment with You ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon