Brie's POV:
Mas lumakas pa ang kalabog nang pinto at nakita ko nalang na bumukas ito kasabay nang pagtalsikan nang mga ipinatong ko roon.
Gumapang lang ako ng gumapang papalapit sa bintana ng kuwarto kahit na patuloy umaagos ang dugo ko sa aking mga sugat.
Napapadaing ako sa kirot nito. Nagulat ako nang buhatin ako nang kung sino man ito.
"Shit, get off of me" sigaw ko habang pinaghahampas ang kamay ko ang humawak sa akin. Nakapikit lang ako habang ginagawa yun.
Naramdaman kong hindi nagsalita ito kaya tumigil ako. Unti - unti kong minulat ang aking mga mata gayun nalang ang gulat ko nang sa wakas ay dumating siya.
"Diego!" Iyak lang ako ng iyak sa bisig niyang nakaalalay sa akin. Nagpapasalamat akong dumating siya.
Dumating ang taong inaasahan kong magliligtas sa akin. Ang taong aking hinihintay. Ang taong aking iniirog. "Dumating ka! Dumating ka! Diego"
Pinupunasan niya ang mga luhang naglalandas sa mukha ko. Mababanaagan ko ang tuwa, lungkot at galit sa mukha niya.
"Shh, tahan na babe. Nandito na ako. Ililigtas ka namin. Pangako yan" napanatag ako sa sinabi niya at isinuot sa akin ang blazer niya kaya ng naramdaman kong kumalma ako ay sinubukan kong tumayo. Kailangang na naming makalabas sa lugar na ito.
"We need to get out of here" napaupo nalang uli ako dahil sa naging tama ng mga bala sa binti ko. Mas lalo pang sumirit ang dugo mula roon kaya napahikbi ako sa sakit.
Kung kanina wala akong pakialam sa mga natamo ko. Ngayong nandito na naman si Diego saka ko lamang naramdaman ang sakit na kanina ko pa iniinda.
Agad niya akong binuhat in a bridal way. Hindi ko na siya sinuway pa dahil nanghihina na ako. Bago pa kami makalabas ay pumasok na naman ang kinasusuklaman ko.
"Hahhahha... Andito ka lang pala Brie. Hahahha... Oh, andito na rin pala ang lalaking to... Pagkakataon nga naman. Masaya to" Ani nito sa amin habang nakatutok ang baril sa amin.
"Papatayin kita, Nick! Traydor ka-" bago pa matapos ni Diego ang kaniyang sasabihin ay binaril na ang binti niya nito.
Napaluhod siya nasama ako. Tumama ang likod ko sa sahig kaya hindi ko napigilang dumaing.
"Shit... Brie. I'm sorry! Ayos ka lang? Hayop ka Nick! Niloko mo ang Prinsepe" galit na sigaw ni Diego habang naaaligaga siyang hawakan ako.
Tumawa lamang ang lalaki sa kaniya sabay na tinutukan ng baril habang lumalapit sa amin nang tumatawa pa.
"Hahahha... Wala akong pake sa Prinsepe niyo. Kung hindi lang sana kayo nagpakita at nangialam pa hindi na sana ito mangyayari" hindi ako nagsalita bagkus ay kunot - noo lamang akong nakatingin sa kaniya.
"Ano bang pinagsasabi mo? Kaibigan ka ni Prime" Ani ni Diego ngunit wala naman itong pake. Mas itinutok niya pa ang baril kay Diego na ikinabahala ko sa maaari niya pang gawin.
"Nick, please don't do this. I'm begging you. Please don't!" Umiiyak ako sa kaniya. Kahit na masakit ang katawan ko ay mas lalo pa yata itong sumakit dahil sa nakikita ko.
Pagak siyang natawa sa sinabi ko bago nagsalita.
"Hahahah... Nakakatawa lang... Ako na ang may ginawang masama sa inyo kayo pa ang humihingi nang paumanhin... Hahahahah... Ano ba naman kasi ang magagawa ko? Apo ako ng Duke, Brie. Alam mo yun Diego. Sayang nga lang at kababata pa naman kita" sa sinabi niyang yun mas lalo akong naguluhan sa kanilang dalawa"Ano bang pinagsasabi mo, Nick?"
"Hahahhaa... Sayang nga lang at may mahal ka nang iba, Brie. Hindi nga naman ang Prinsepe, ang kababata ko naman. Ang labo talaga ang tadhana no. Dito pa tayo magrereunion... Hahahhaha"
"Ibaba mo yang baril, Nick. Mag - usap tayo!" Diego ordered him but it turns out na hindi yun nagustuhan ni Nick.
"Hahhahaha... Sige mag - usap tayo..." Nakahinga ako sa sinabi niya pero hindi ko inaasahan na may susunod pa sa sinabi niya. "pero sa paraan ko"
Hinatak niya ako mula kay Diego habang nakatutok ang kaniyang baril sa aking sintido.
"Nick, huwag mong gawin yan. Huwag si Brie. Pakiusap" imbes na ibaba ang baril nito sa aking sintido ay binaril niya pa ang tagiliran ni Diego.
Tanging si Diego na lamang ang nasa isip ko. Kahit na maaari akong maubusan nang dugo sa nangyayari ay wala akong pakialam.
"Hahahhaha... Gusto ko sanang sundin ka. Ang kaso hindi pwede. You no know what? I'm the grandson of Duke Armageddon. I bet you know him, Diego. Mula noon hanggang ngayon palagi nalang ikaw ang napipili. Palaging sayo ang atensyon. Palaging ikaw ang bukambibig ng mga taong malalapit sa akin. What about me? I'm always the second of everything because you got it all, Diego. I can't help not to envy you pero habang binabalewala ko yun mas lalo lamang akong nagagalit sa iyo. I didn't deserve to have this attention. I don't want to be like this but you leave me no choice then nakilala ko si Prime. Akala ko wala na ang inggit mula sa iyo. Meron pa pala at mas lumala lamang yun dahil na kay Prime naman ang atensyon dahil sa pagiging Prinsepe niya. Hindi na sana talaga ako mangingialam sa plano nang Lolo ko. Then he offered me... to be the next Duke. So who am I to decline it. I can get also the power that a Prince has once he died"
"No, Nick. It's not what you think. I thought Diego is the grandson of that old man" nasabi ko na lamang sa kaniya.
"Huh? Ofcourse not. Hahahhaha... your so funny Brie. Ofcourse Diego is not because it was me. It's me! Understand! He's fooling you. You know what. Kung hindi ka lang sana dumating pa sa buhay nila then you wouldn't feel this way and this wouldn't happen t to you... Hahahh... Kung pinagbigyan mo lang ako kanina edi sana hindi ka nasasaktan nang bala ng baril"
Sinalubong ko ang galit na mukha ni Diego.
"So, ikaw ang gumawa niyan kay Brie?" Humalakhak lang si Nick bago itutok muli ang baril sa akin. Napalunok ako sa ginawa niya lalo na nang kakalabitin niya ang gatilyo nito.
"Hahahah... It's a yes and no, Bro. Yes, I molested her and no because it didn't go as what your mind is saying. Hahhaha... You sure have a wonderful lady, Bro. She taste so sweet" dinilaan niya ako kaya nagpupumiglas ako. Galit na galit namang tumingin sa kaniya si Diego nang tumingin muli ako rito.
Alam kong inaasar niya lamang si Diego. But, I don't know what would have happen if he act breathlessly.
"I bet you don't know me well, Nick. If you continue doing that shit to my lady, Man. I will rip off your head even if you are my best friend" he spoke English straight as I know that he is furiously angry.
___________________________________________
Oh no! What will happen?
LIKE, COMMENT & VOTE
© purpleCalib
BINABASA MO ANG
A Moment with You ✔️
RomanceDalawang tao ang pagtatagpuin ng tadhana. Handa ba silang suungin ang mga problemang nakaambang para sa kanila? O ipagsasawalang bahala na lamang ito? Nang dahil sa mga sikreto ng pamilya ni Brie Zamora, makilala niya si Diego Sacramento. Ano kaya a...