EPILOGUE

8 4 0
                                    

Diego's POV:

Almost 45 years narin ang nakalipas mula ng mangyari ang pinakamasalimuot na pangyayari sa buhay ko.

I'm in my 65 years now. I stop working yesterday due to my hypertension. My nurse help me for my everyday doings here at 'Home for the Ages'.

I saw many kids running to their parents who's also busy of taking care of their parents.

I smile looking at their direction. I whistle. Not the malicious one but the sweetest one to caught the attention of those children.

As they heard me, they excitedly run towards my pace not keeping their attention to their parents to keep them safe.

As they gather to my wheelchair, I locked it so that it won't move.

They know me very well since I'm always here. Hinanda ko lang ang aking sarili kung sakaling tumanda na ako tapos eto na nga. Humihina narin ang mga kasu - kasuhan ko. Alam ko na kung saan papunta to.

I miss my love. I miss Brie.

"Magandang Umaga po, Lolo Diego!" Natawa ako dahil sabay - sabay pa sila sa pagbati. Nginitian ko pa sila bago ako nagsalita.

"Magandang Umaga rin sa inyo mga apo ko. Kumusta ang naging araw niyo netong nakaraan. Ilang araw rin kayong hindi nakapunta dito ah" biro ko para pagkunotan nila ako ng noo. Natawa nalang ako sa naging reaksiyon nila.

"Hindi po kaya, Lolo Diego. Ikaw po kaya ang wala dito netong nakaraang araw. Hmmp!" Napahalakhak ako sa naging turan ng apo kong si Anne.

"Oo nga po, tama po si Anne. Ikaw nga po ang wala dito. Siguro hindi mo na kami lab kaya hindi ka po pumupunta rito" parang maiiyak naman ang bata si Dodong kaya inalo ko siya.

"Uy hindi ah!" Pagtatanggol ko pa aking sarili kaya nagsegunda pa sila sa pagsasalita dahilan kaya hindi na kami magkaintindihan.

Dala ng ingay narin ay agad ko silang pinatigil sa pagsasalita. Alam na kasi nilang pagsinaway ko na sila ay nagagalit na ako. Tinignan ko pa ang mga mukha nila kaya napailing na lamang ako habang nakangiti sa kanila.

"Lolo, namiss ka po kaya namin, tama po sila Anne at Dodong. Tyaka po bawal magsinungaling. Bawal po yun diba?" Tumango naman ako sa naging tanong ni Antoni. Lahat ng batang narito ay makukulit kaya minsan sinusukuan ko sila. Matanda na ako kaya alam kong naiintindihan nila iyun.

"O sige na. Panalo na kayo. Hindi talaga ako pumunta dito nung nakaraan kasi inayos ko pa ang pagretiro ko. At dahil nandito na ako. Ano bang gusto niyo? Sigurado namang may kailangan kayo sa akin. Sige na sabihin niyo na yun" Alam kasi ng karamihang bata dito na kapag lumapit sila sa akin may hihingin sila na kung ano. Nakagawian ko na naman yun noon pa. Basta kaya nang bulsa.

"Kuwento! Ikuwento mo na po ang nangyari pagkatapos ilagay sa stretcher ni Lola Brie. Ang iyong love of my life po... Hehehe" nabigla ako sa nais ni Anne. Hindi ko inaasahan yun lalo pa ng sabay - sabay silang bumungisngis. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha. Ke tanda - tanda ko na iba parin ang epekto ng pangalan niyang iyun sakin.

Nakita nila ang naging reaksiyon ko kaya tinukso pa nila ko. Mga batang to talaga. Naghagalpakan nalang kami ng tawa.

Marami ang natuwa sa sinabi niya kaya nagsisigaw sila na ipagpatuloy ko ang kuwento.

A Moment with You ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon