32: Conviction
KAKATAPOS LANG namin mag-recess nila Leigh. Maya-maya ay sigurado na paparating ang susunod namin subject teacher. Tinignan ko ang schedule namin na nakadikit sa whiteboard.
"Class, may reporting kayo rito sa Principles of Marketing, ang subject ninyo sa 'kin. Magsisimula next week pa para makapaghanda kayo. Pero ang magiging ka-grupo ninyo ay hindi kayo ang pipili. Magbubunot ako sa mga index card na binigay ninyo sa 'kin." Hawak na ni Sir Val ang mga index card namin. "By five kayo. Forty-five kayo, hindi ba?" Nag-agree ang isa naming kaklase.
Ginawang baraha ni Sir ang mga index card. Binalasa niya 'to. Ni-distribute niya 'to na parang may siyam na maglalaro.
"Hindi necessary na una kong tinawag ang grupo ninyo ay kayo ang unang mag-re-report. Meron akong hinandang mga papel at isang representative ang bubunot ng number and topic." Namimili si Sir kung ano ang una lang niyang babasahin na index card.
Kinuha na si Sir ang isang group ng index card. "Sancual, Jonaelle Garlyn. Sancual, Faella Quetin..." Napahinto si Sir sa pagbasa ng names ng kambal. "Parehas na Sancual, a. Magkamag-anak? Who are these two Sancual?" tanong niya sa klase.
Nagtaas si Jona at Ella. "Woah, kambal. Ang palad ninyo naman at magkasama kayo. Ayaw ninyo maghiwalay, a. Wala pa ring forever sa mundo!" sambit niya at natawa kami sa walang forever.
"Bitter naman ni Sir," sambit ni Joshua. Naalala ko name niya kasi siya ang nag-guitar sa stage na sinabi ni Elisha.
"Hindi ako bitter. Iyan ang katotohanan. Lahat naman ng bagay sa mundo ay temporary. Ang kayamanan dito ay nangangalawang. Ang kasiyahan na offer ng world ay temporary din. Pero ang kinagagalak ko, pati mga problema natin, may katapusan. Tinapos na ng ating Panginoon sa krus ng kalbaryo ang lahat."
"Amen, Sir!" agree namin sa kanya.
"Kung wala mang forever sa mundo, may eternal life tayo dahil sa finished work of Jesus!" masaya niyang sambit. "Anyway, hindi ninyo ako Relationship With God subject teacher. So let's proceed..."
"Okay nga 'yan, Sir," sambit ng mga kaklase ko.
Lahat ata ng teacher sa Academy na 'to, Christian.
"Gabriel, Fernleigh. Pearson, Rainato Rene. and Ferrer, Cristiny."
Sayang, 'di ko ka-group si Leigh at Rene. Kahit si Rheuben or Elisha man lang kasama ko.
Kumuha na si Sir ng pangalawang batch na tatawagin niya ngunit hindi ko pa rin naririnig ang pangalan ko. Hanggang umabot na ng ikawalong grupo ay wala pa rin. May last siyang grupong tatawagin, sigurado nandoon na ang pangalan ko.
"Racineño, Elisha. Garrett, Carmiah Reesa. Rex, Rheuben. Rosario, Joshua Peter. and last but not the least... Mendez, Cassiranne."
Okay na rin. At least, isa lang ang hindi ko kilala.
"One representative per group... Halina kayo." Si Joshua na ang pumunta para sa 'min. Naglakad na siya, kasama ng iba pang representatives papunta kay Sir.
Nakatingin lang kami sa kanila. Si Joshua ay nakabunot na. Napakunot-noo siya nang tignan niya ang papel na kanyang binunot.
Pumunta na siya sa 'min. "Sorry, sis and bro. Una tayo." Natawa na lang kami sa nabunot niya.
Pinalo ni Elisha si Joshua. "Ang daming bubunutin, one pa talaga ha?"
"Sorry na." Bigla akong na-cute-tan sa dalawa. Naalala ko bigla si Leigh at Phillip.
"Hayaan niyo na. Nangyari na kaya paghandaan na lang natin," sambit ni Rheuben.
"Mas okay nga 'yon kasi matatapos tayo agad," sabi naman no'ng Cassiranne, ka-group namin.
BINABASA MO ANG
The Living Bible (Completed)
ДуховныеCarmiah hates some Christians because of their works. She lived in doubt about God. She met Yarianna, an unbeliever, who greatly influenced her and the Christian youth who were serious about God. The people she met make her more confused because the...