Once a Love Story

11 1 2
                                    

"Julia! Ano bang problema mo? Kanina pa ko usap ng usap dito, oh! Pansinin mo naman ako girl!" sigaw ni Natalie sa akin. "Tell me, what's bothering your stupid mind?"

"It's Chase..." I finally said it.

"What about your stupid ex?" she asked as she sipped her coffee.

"I saw his tweet last night,"

"And?"

"He's coming back."

***

"Julia, please focus." Sita ni Ms. Rhea sakin.

"Dadating yung anak ng CEO this week to observe, and at the end of the month papalitan nya na si Mr. Roland Perez sa pwesto, and please behave and focus. I need you to impress him, kasi ikaw ang napili ng unit natin para maging secretary nya. Kaya Julia please, don't disappoint me." Sabi ni Ms. Rhea nang makalabas na kami sa meeting room.

"What?! Ma'am, meron namang iba dyan."

"Ikaw ang gusto kong mapunta dun sa posisyon na yun, Julia." Matigas na sabi ni Ms. Rhea.

"Yes, ma'am." Wala na akong magagawa, sabi na ni boss eh. Goodluck naman sa akin at sa katangahan ko.

***

"Ms. Julia, hinahanap po kayo ni Ms. Rhea." Sabi ng isa kong co-worker.

"Ah sure, papunta na." tumayo ako at pinuntahan si Ms. Rhea sa office niya.

"Ms. Julia, ngayon na dadating yung anak ni Mr. Perez. Be ready, we're going to welcome him." Sabi ni Ms. Rhea at huminga akong malalim at tumango.

"Mr. Roland Perez and his son is here." Sabi ng isang boss namin, at tumayo naman kami agad. Kinakabahan pa rin ako, dahil once na maupo na si Sir Roland at yung anak niya sa office of the CEO ay papasok na kami ni Ms. Rhea.

Naglakad papasok si Mr. Roland at nagbow kami, kasunod niya ang anak niyang nakawhite polo, nakashades at magulo ang buhok.

'talagang yan yung magiging CEO naming? Bat parang wala sa plano niya?'

Di ko nakita yung mukha niya dahil sa shades niya kaya nagbow na lang ako. Nang makalagpas na sila sa amin ay sumunod na kami ni Ms. Rhea.

Kumatok muna siya sa pinto,

"Sir, may we come in?" magalang na tanong ni Ms. Rhea.

"Please do." Sabi ni Sir sa kabilang side nung pinto.

Pumasok na kami at nagbow, nakita ko yung anak niya nakaupo sa isang couch, nakatalikod sa amin.

"Sir Perez, this is Ms. Julia Dela Cuesta, my recommendation for Mr. Chase Perez's secretary." Para akong nabingi sa narinig ko.

CHASE PEREZ

Napalingon naman siya sa akin ng may parehong gulat sa mga mata niya. Nagkatitigan kami ng ilang segundo, bago siya nagsalita.

"Ikaw?" takang tanong niya.

"Why, son? Do you know her in any chance?" tanong ni Mr. Perez.

"No, sir."

"Yes, dad."

Sabay naming banggit kaya napatingin sa amin si Ms. Rhea at si Mr. Perez na para kaming bata na nagkakailangan.

"Hahaha it's good to know, dahil hindi nyo na kailangan mag-adjust sa isa't isa." Sabi ni Ms. Rhea.

"Ah nga pala, Rhea, let's go to the conference room may meeting kami ng board members at kailangan ng ilipat sa pangalan ni Chase ang kompanya." Sabi ni Sir, at umalis na sila ni Ms. Rhea. Kaya naiwan kaming dalawa ni Chase dito.

Once A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon