Panimula

1 0 0
                                    

Nandito na ako sa pangatlong barangay sa aming buong bayan na kahit probinsya na maituturing eh karaming tao naman ang nakatira at may isang daan at pitong barangay.

Masugid kong hinahanap pa rin ang batang pinapahanap sa akin sa aking panaginip. Hindi ko nga maintindihan ang aking sarili at nagpatianod ako sa kabig ng aking kutob na mahahanap ko ang bata iyon marahil siguro pagkatapos ko itong mapanaginipan ng ilang araw, nakahanap ako ng larawan niya sa bago kong nilipatang bahay.

Ngunit sabi sa akin ng nagbenta ng bahay eh may dalawampu't limang taon ng di natitirahan ang bahay na iyon kaya't napaka imposible pa na mahanap ko ang mga dating may ari nito.

"Jessy..." isang bulong ang aking narinig habang naglalakad sa isang barangay dito sa aming bayan.

Pamilyar ang boses dahil iyon ang boses ng bata sa aking panaginip.

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko at umusbong ang galak at kuryosidad ng marinig iyon.

Naging matalas ang aking pandinig at hinanap kung saan nagmumula ang boses na iyon

ngunit...

Itutuloy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang NawawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon