CHAPTER 24

4.3K 147 8
                                    

Chapter 24: Lost



"LISTEN, everyone!" Napatigil kami sa mga ginagawa nang marinig iyon. "Gather round. Gather round. Stop what you are doing right now." Nagtipon kami sa harap ni Sir Eddy. "Shhhh. Quite everyone. Please, consider those students at the back. They won't hear me if you are all noisy."

Nakinig naman ang iba at tumahimik pero mayroon talagang hindi nakaiintinding mga estudyante. Ang titigas talaga ng mga bungo.

"I will not start if someone was still making noises!" baritonong suway ni Sir Eddy sa lahat na nagpatahimik na talaga sa amin.

Ayan, galit na.

"Okay! Nakaiintindi naman pala kayo. Now,listen. I've divided all of you by five kanina, right?"

"Yes!" sagot naming lahat.

Biglang may umakbay sa akin kaya muntik na akong mapasigaw sa gulat. Kunot-noo kong inalam kung sino iyon pero sana hindi ko na lang talaga ginawa dahil muntik nang magdampi ang labi naming dalawa.

"Ano ka ba, Dave? Gusto mo yata akong atakihin sa puso!" reklamo ko.

"Kailan mo ako sasagutin?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko at lumabas sa bibig nito ang palaging bukambibig sa akin.

Napairap ako. "Bahala ka riyan. Saka ang bigat ng braso mo! Alisin mo nga ito!"  kunwaring reklamo ko pero sa loob-loob ko ay tumatalon na sa tuwa dahil sa kaniyang ginagawa.

Nagulat na lang ako nang magsimula nang maglakad sa iba't ibang direksiyon ang mga  estudyante para kumuha ng kahoy para sa bonfire na gagawin mamaya.

Naglakad-lakad na lang din ako papasok sa loob ng kagubatan at hindi naman ako nahirapan dahil may mga flag na kulay dilaw na nakasabit sa bawat puno para huwag kaming maligaw.

May pangilan-ngilan din akong nakikitang mga estudayante sa hindi kalayuan na pumumupulot ng mga tuyong kahoy. Ganoon na lang ang ginawa ko at hindi ko nanapansin na napapalayo na pala ako.

Napaangat ako ng tingin ng may marinig na kaluskos. Napalunok ako at naging alerto.

Ano 'yon? May momo ba rito?

Nayakap ko na lang ang mga kahoy na napulot ko at napaatras. Bakit ba mag-isa ako rito?

Dave, na saan ka na? Hindi talaga kita sasagutin kapag hindi ka sumulpot dito ngayon!

Muling may kumaluskos kaya napakuha na ako ng isang mahabang kahoy para maging armas. Tuluyan ko na ring binitiwan ang mga maliliit na kahoy na nakuha para huwag maging sagabal kung ano man ang susunod na mangyayari.

Halos lumukso na ang dibdib ko sa kaba at nabibingi na yata ako dagundong ng puso ko.

Malamig ang hangin ngayon pero namamawis ako sa nararamdaman. Inipon ko ang lakas para lang makapagsalita, "S-sino 'yan? L-lumabas ka r-riyan! Hindi 'yan n-nakatutuwang biro!"

Napaatras ulit ako nang mas lumakas ang kaluskos pero laking gulat ko nang bumungad ang mukha ng taong may kagagawan no'n.

"Miche?"

Pinalandas niya muna ang paningin sa kabuuan ko at sa kahoy na naipon ko kanina.

"Oh, Diane! Andiyan ka pala?" wika niya pero tunog sarkastiko.

Umasim ang mukha ko. Ano ba'ng kailangan ng plastic na ito? Sa pagkakatanda ko ay hindi na kaibigan ang turing niya sa akin, ganoon din naman ako sa kaniya.

"P'wede ba, Miche, wala akong panahon kausapin ang isang tulad mo," prangkang usal ko.

Ano ba ang kailangan niya sa akin? Alam ko na ang tunay niyang kulay kaya huwag siyang mag-inarte riyan na para kaming matalik na magkaibigan ngayon.

Girlfriend of the Campus King (Leehinton Boys #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon