NLA 1 - KABANATA 3

43 7 0
                                    


1 month later

November 5 at 11:00PM

Dalawang buwan na din akong puro stalk na lang sa kanya, paano kaya kung ichat ko na? Malay mo magreply diba? Makapal talaga mukha ko maganda ako e charot hahaha.

Mikaela: Hi

Kinakabahan ako baka hindi siya magreply, baka iseen lang ako. JUSME GHORL BE POSITIVE!!! MAG-REREPLY SIYA!!.

Ting!

Omg?! Shet!!!!

Johan: Hello

MAGPAPAKASAL NA AKO SHET, OK GUYS IM GONNA GET MARRIED!! OMG SHEZZZZ charot hahaha.

Kalma, magreply muna ako.

Mikaela: Anong gawa mo ngayon? Hahaha

Erase mali, mali.

Mikaela:Naalala mo pa ba ako?hahaha

Sent

Johan: Ha? Hindi

Mikaela: Classmate kita haler, grade 4 Hahahaha. Nag-ask ka pa sakin if may pasok e, try mo magbr sa convo natin na  toh Hahaha.

Nagbr ako sa convo namin  noong grade 4 kami, susme nagtatanong siya kung may pasok at antagal ko pa 'non magreply aabutin ng ilang days or hours.

Wala kasi akong cellphone noon nakikihiram lang ako sa mama ko. Tiyaka hindi ako ganon ka babad sa social media dati. Ngayon naman slight lang hahaha.

Johan: Sorry hahaha, familiar ka lang sakin.

Mikaela: Ikaw 'yung kasama ni Jared diba? Sa pag-uwi, classmate ko 'yon si loko e.

Johan: oo ahahaha, naalala na kita.

Wow crush ano 'yon naalala mo na ba? Ako lang to crush mapapangasawa mo, makakalimutin talaga tong asawa ko pagpasensyahan niyo na charot hahaha.

Mikaela: Nga pala, Fanboy ka pala?

Napansin ko kasi na puro shared post siya noong kpop, seventeen ata ang name ng boygroup na 'to, the rest hindi Familiar sakin.

Johan: Yeah hahahaha

Mikaela: Ano mga inistan mo?

Johan: Madami e.

Mikaela: Ah ok hahahaha, nga pala inistan mo ang Seventeen right? Nakita ko sa shineshare mo e, sino bias mo?

Johan: Woozi

Mikaela: Sa twice?

Johan: Chaeyoung

Mikaela: Gaano ka na katagal na Fanboy?

Johan: Matagal hahahaha

-_- <------ Reaction ko 'yan, aba't namumuro na e, pasalamat siya crush ko siya. Pilosopo amputek.

Johan: Salamat

Luh? Nababaliw na ata ako at kung ano ano na ang naiisip ko, parang narinig ko ang boses ni Johan na nagpasalamat e. Nagmumulto ata charot hahahha.

Mikaela: Hahahahaha, close kayo ni Jared?

Johan: Yeah ahahaha

Tawa ng tawa amputchi, tiyaka ano toh? Isang tanong isang sagot? Crush mag ambag ka naman sa convo na 'to.

Mikaela: Sabi niya lilipat ka na daw ng school next school year, totoo ba?

Johan: Ha? Hindi hahaha

Nandito Lang Ako - PART 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now