NLA 1 - WAKAS

15 4 0
                                    


Natatandaan ko pa noong simulang nagkacrush sa'yo, akala ko noon normal na pagkacrush lang 'yon. Kagaya ng dati, hindi magtatagal iba na naman ang magiging crush ko, pero hindi ko lubos akalain na lalalim pa ito at magiging gusto na kita, Johan.

Akala ko mabilis lang na mawawala ang feelings ko sa'yo, pero hindi. Mabilis ang panahon at patuloy na lumalalim ang nararamdaman ko sa'yo. Akala ko baliw na ako kasi ikaw na lang iniisip ko, kahit wala ka naman pakialam sa nararamdaman ko.

Nang malaman ko na may iba ka ng gusto hindi ako naniwala dahil akala ko hindi totoo, pero noong nagtanong ako sa'yo ng paulit ulit, nagbabakasakali na magbago pero nanatiling oo pa din ang sagot mo. Parang paulit ulit din ako nasasaktan, ang tanga ko e.

Umaasa sa pag-asang magustuhan mo din ako, na sana ako naman ang binibining maging gusto mo, malay mo magbago ang nararamdaman mo at magustuhan mo ang tulad ko, baka balang-araw ako naman ang maikwento mo sa tropa mo.

Akala mo trip ko lang lahat ng 'to? Nagkakamali ka kasi kung trip ko lang 'to hindi ako magmumukhang tanga sa'yo, magustuhan mo lang ako. Iniisip ko minsan baliw na ata ako, baliw siguro sa'yo.

Alam mo bang ang hirap alisin ng feelings na 'to? Ang hirap alisin ng nararamdaman ko para sa'yo kasi malalim na at hindi ko alam kung paano alisin 'to. Sabi nila gustuhin mo lang daw ng gustuhin kahit hindi ka gusto dahil isang araw magsasawa ka din, magsasawa at mapapagod at kapag nangyari 'yon matauhan na at marealize mong tama na.

Pero ako? Sa patuloy na paglipas ng panahon, sa oras na bumibilis at mga araw na nadaragdagan, nandito pa din ako nanatiling may gusto sa'yo. Tanga na kung tanga, hindi ko naman pwedeng utusan ang puso ko na huwag kang gustuhin. Hindi ko kontrolado ang feelings ko, hindi ako magician at imamagic ko na lang na mawala na ang feelings na 'to.

Sabi ko nga one time sa sarili ko, kung hindi ka nag-chat kung hindi ka nangulit hindi ka magkakaganito, hindi magiging ganito kagulo ang buhay mo. Gusto kung umiyak ng umiyak sa tuwing naalala ko na patuloy akong nag-ieefort makausap ka lang habang ikaw wala naman pakialam at iniisip na trip ko lang 'to lahat. Sana ganon na na lang.

Sana trip na lang 'to at hindi totoo, pero totoo 'to e, gusto talaga kita. 'Yung mga panahon na kasama kita na akala ko magkakagusto ka din sakin kapag nakilala mo ako, 'yung mga panahon na ikaw talaga nagiging dahilan ng kasiyahan ko sa school, kahit saan ako magpunta naiisip kita, 'yung halos ikwento ko sa buong mundo kung gaano kita kagusto, 'yung mga panahon na nakikita kung masaya at tumatawa ka dahil saakin, umaasa ako na sana magustuhan mo din. Pero wala talaga e, hindi ako 'yung babaeng gusto mo.

Hindi ako nakinig sa iba, hindi ako nakinig na baka masaktan lang ako sa ginagawa ko, hindi ako nakinig na baka mahulog na ako sa'yo, na baka lumalim pa 'tong nararamdaman ko.

Hindi ako nakinig kasi nagpabulag ako sa kasiyahan na nararanasan ko sa'yo, nagpabingi-bingihan sa sinasabi nila, pero noong sinabi mo na hindi mo talaga ako gusto, alam ko.

Hindi ko lang tanggap kasi masakit, masakit na 'yong taong gustong gusto ko hindi talaga ako magugustuhan. Ramdam ko naman na hindi mo talaga ako gusto, pero hindi ako nagising sa katangahan ko e. Hindi ko na inisip pa 'yon.

Hindi porke't ok lang maging tanga, sinulit ko na. Noong sinabi mo na hindi mo ako gusto, narinig ko mismo sa mga labi mo, binibigas ang mga katagang nagpadurog saking puso. Nagpaluha sa aking mga mata at nagpagising sa katangahan ko.

Siguro nga tama na, tama ng umasa pa sa wala, maging tanga sa kanya, magpabulagbulagan sa realidad na hindi ako ang babaeng pinapangarap mo, iniisip mo at laman ng puso mo. Siguro nga kailangan ng maalis ang feelings ko sa'yo, hindi madali pero kakayanin.

Siguro nga kailangan ko naman pahalagahan ang sarili ko at mahalin ito. Kasi noong nagkagusto ako sa'yo, hindi ko na naisip ang sarili ko. Pinabayaan ko lang na masaktan pa 'tong puso ko. Pinabayaan ko lang maging tanga sa harapan mo. At pinababa ko lang ang confidence at pagmamahal sa sarili ko.

Pero hindi naman kita masisi, hindi ko pwedeng pilitin na magustuhan mo din ako, mas magandang nagustuhan ako ng isang tao na walang pamimilit na naganap, 'yung bang kusa at totoo.

Balang araw din naman may magmamahal at papahalaga sa tulad ko, pero hindi pa ngayon, maaga pa. Madami pa akong laway na tutulo para mahanap ko ang taong talagang nakalaan sakin kailangan kung maging handa sa totoong mundo.

Kailangan kung maging handa na baka mas malala pa ang sakit na mararanasan ko kaysa dito.

Gusto ko lang malaman mo na kahit hindi mo ako gusto, nandito lang ako. Nandito kapag oras na kailanganin mo ng taong makakausap, makakausap sa problema mo, makakausap sa mga nararamdaman mo. Nandito lang ako dadamayan kita, nandito lang ako bilang kaibigan mo. Hindi mo man gusto pero mawawala din 'to, at pag nawala na 'to magiging ok na din ako.

Nandito lang naman ako bilang kaibigan mo pwede mong tawagan oras ng pangangailangan mo, wag lang sa pera wala ako 'non.

Ganon talaga, kapag nagkakagusto ka sa isang tao may posibilidad na magustuhan ka meron din namang hindi. Pero kahit ano man ang mangyari sa mga posibilidad na 'yan kailangan mong ihanda ang puso mo baka masaktan o baka matuwa.

Kahit na hindi ka gusto ng tao, wag mong sisihin sila dahil nasaktan ka. Una, ikaw ang nagkagusto, ikaw ang may nararamdaman. Pangalawa, hindi mo sila mapipilit, hindi pwedeng pilitin ang nararamdaman ng tao kasi kapag pinilit mo hindi na magiging totoo. Pangatlo isipin mo din na sila ang naging dahilan ng kasiyahan mo, noon, ganyan talaga kapag may kasiyahan may kalungkutan din, magkadikit parati 'yan. At panghuli hayaang mong maranasan ng puso mo masaktan, kasi diyan ka tatag, kahit nadurog magiging buo, panibagong tao ang mabubuo, malakas at matatag, handang lumaban sa darating pang mga kalungkutan.

Gusto ko lang sabihin sa kanya na. "Salamat kasi kahit minsan naging dahilan ka ng kasiyahan ko, salamat kasi napangiti mo ako, napatalon mo puso ko. Salamat kasi kahit na hindi mo ako gusto, nalaman ko at narelize ko na hindi dapat ako nagexpect at umaasa ng todo. Hindi ko dapat hayaan na masaktan ako ng sarili kung expectations. Pero tandaan mo, ako 'to si mikaela na gustong gusto ka (joke :)). Tandaan mo na Nandito lang ako kahit hindi mo gusto. Nandito lang ako kahit kaibigan lang turing mo."

Nandito Lang Ako - PART 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now