Hi. Ano nga bang meron kay Shani para maging special siya sa iba? Wala naman diba? Isa lang siyang babaeng kumakanta at mahilig sa arts, yun lang. Wala na. The end. Saklap ng buhay niya. Iyak na tayo.
Haha. Joke lang. Eto naman, diary oh! Na-hahigh lang ako nowadays. Bigla na lang nagtransform ang aking mahiwagang system. Hahaha.
So, anyway. Tsaah. English na naman. Kelan pa ako natuto mag english ng bongga? Sabi ko sayo, something has changed!
Ay. Speaking of change... Nakakainis.
Nagchange na kasi yung turingan namin ni Charles. Hindi ko siya crush ah, lilinawin ko lang! Pero nasanay kasi akong.
Magtatanong siya kung may activities.
Kukulitin niya ako sa mga barok kong english essays.
At tatawanan niya ako pag nakakatulog ako tuwing Values.
Oh, hanyare dun?
One time kasi, kasama ko si Leo papuntang chem Lab. AWKWARD talaga yun that time.
Wala lang, feel ko lang sabay kame. Tapos, kung makatingin yung iba, WAGAS!
Pagdating namin sa entrance, andun si Vlad kasama si Marizze. Tiningnan niya ako, tiningnan ko rin siya. Hinatak na lang siya ni Marizze bigla.
Haaaay. Sad. Pero di pa nag end dun. Kaloka.
Pagpasok namin ni Leo sa lab eh, puro classmates namin andun. Kaya hayun, hiyawan at tuksuhan. Sarap batukan mga to.
May nakalimutan lang daw kasi si Leo at sinamahan ko siya. Pero parang nagtagal pa siya dun, kasi makipagkwentuhan pa siya sa iba.
"Hoy.", narinig kong sabi ni Charles.
"Maka hoy ah! Ano?", sabi ko.
"Halika nga."
"Anong halika nga? Tinotopak ka na naman. Get a life."
Hinila ba naman ako bigla. Maka hila ah! Yabang nito, forever.
"Magpapaturo lang ako. Wag kang feeler na gusto ko sirain date niyo ni Leo."
Anong date? Gagi tong taong to ah. Magpapaturo na lang ang dami pang achuchuchu sa buhay.
"May sinabi ba akong ganun? Kahit kelan talaga."
Pero, tinuruan ko rin siya. Wala tayong magagawa kung likas na anghel yung tao. Tss. Hahaha. Dejoke.
"Shani, paalis na ako. Boring dito. Lol.", sabi ni Leo sa akin.
"Ah, oh.. Osige, sabay na ako.",
"Hoy, feeler. Di ka pa pwedeng umalis kasi hindi ko pa gets.", sabi ni Charles.
"Oh? Eh, ano naman? Kasalanan ko bang pinanganak kang pedicab? Hay nako.", sabi ko ng matera.
"Sige, Shani. May club meeting pa kasi ako. Text mo na lang ako pag wala ka ng kasama. Una na ako.", sabi ni Leo.
"Sorry, pare ah? Pero talagang emergency to.", sabi ni Charles kay Leo.
"Alam mo, bading ka talaga! Siguro Chelsea ang name mo noh? Hindi Charles! Gayshit.", sabi ko.
"What are you saying? Binabipolar ka na naman."
At ako pa ang may bipolar eh siya tong biglaang ganun yung reaction. Fudge.
"Bilis na nga. At pupuntahan ko pa si Zenia kasi birthday ni Bave Vlad bukas.", sabi ko.
"Stalker ka talaga forever.",ganti niya sa akin.
Vlad. Vlad. Vlad. Birthday niya bukas. Ahihihi. Ano kayang pwedeng ibigay? Di kaya nakakahiya yun??
Should I give up or should I keep on chasing pavements even when it leads nowhere? Or would it be a waste..
"Hooy. Akala nito porke't choir sarap sa tenga boses mo. Dali na, lapit na time.", sabi ni Charles.
Homaygad. Kinanta ko malakas yun? Amasosheympul. @@
~hii. Abangan ang birthday special ng bave ni Shani. Haha. :D happy reading!
BINABASA MO ANG
Ang Mundo ng Isang Feeling na Stalker
Novela JuvenilSi Shani Frances ay isang studyante. Simple lang naman: Feeler na nga siya, eh stalker pa! Ano kayang mangyayari sa love story niya? May silbi kaya kung sisilipin mo ang diary niya?