Nakatapos ako ng pag-aaral sa tulong ng tunay kong Ina. Noong una'y di ko matanggap sa ginawa niyang pagbabayad sa lahat pero kalaunay nagpasalamat pa rin ako. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa kanya, lalo na kung pwede niya 'yong maisumbat sa akin pagdating ng araw.
Walang kasingsaya ang naramdaman ko ng maisabit sa leeg ko ang resulta ng mga pinaghirapan ko. Nahagip ng mga mata ko ang presensya ni Carla at hindi ko iyon inaasahan dahil nagkaroon kami ng usapan na si Mama na ang pupunta para sa akin.
" Julia, iimbitahan sana kita sa blow out ko bukas sa bahay namin. Pupunta raw si Ench kung pupunta ka, tsaka 'yong iba pa nating kabatch. Sana.." Nausal na sabi ni Julia nang magkatagpo kami pagkatapos ng graduation.
Nagtaas ako ng kilay at umambang umiling nang magbaba siya ng tingin sa akin.
" Julia, congratulations. " Naramdaman ko ang kamay ni Ench sa balikat ko. Napatingin ako kay Julia Baretto, napalitan ng matabang na ngiti ang kumikinang niyang mga mata kanina.
" E-Ench.. " Naglaro ang hindi ko maipaliwanag na ngiti sa kanyang labi. Napatingin ako kay Ench at napag-alaman kong sa akin pala nakapako ang kanyang mga mata. Sino bang kino-congratulate niya? Ako? O si Julia?
Si Julia Baretto ang Summa cum laude ng aming kurso, habang ang kinababaliwanan niya naman si Ench ang naging Magna, at ako, bilang Cum laude. Hindi ko man natamo ang pinakamataas na award, nagpasalamat pa rin ako dahil sa wakas ay nakatapos na ako.
" Congrats, Julia. Wa'g kang mag-alala pupunta si Ench. " Nakataas ang pareho kong kilay habang sinisigurado iyon sa kanya. Inalis ko ang kamay ni Ench at tumalikod na sa kanila.
Sa halos apat na taong pagtitiyaga ni Julia upang makuha ang loob ko ay masusuklian ko na rin sa wakas ang mga nagawa niyang kabutihan sa akin. Palagi niya akong tinutulungan sa pag-aaral sa kabila ng pagtataray ko sa kanya. Ngunit isang araw, nalaman kong ginagawa niya lang pala iyon para kay Ench. Sumama ang loob ko dahil buong akala ko ay totoo ang pakikipagkaibigan niya. Sa galit ko ay nakipagkasundo ako kay Elmer upang mailayo si Julia kay Ench, tutal ay may lihim na pagtingin rin pala ang isang iyon sa nerdy type na si Julia.
" Hoy, ano yun? " Takang tanong ni Ench nang maabutan niya ako.
" Bukas pupunta ka sa blow out ni Julia. " Sabi ko sa normal na boses.
" Alam ko. Bakit nga ako lang? Hindi ka kasama? " Tinulungan niya ako sa pagtanggal ng graduation gown namin. Sinulyapan ko siya at umismid.
" Nasa orphanage ako bukas, may balita na daw si Sister Linda tungkol kay Denden. " Tinitigan niya pa muna ako ng matagal bago siya nagsalita.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfic-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...