5 - Drunksitting the Playboy

0 0 0
                                    

Nasa bukana pa lang kami ng bar ay rinig na rinig na ang malakas na pagtugtog ng Pumped Up Kicks. I looked at the facade of the bar. It looks like so high-end, mula sa neon signage na may nakasulat na “Primo”, mga sasakyan na nakapark sa tapat nito, at sa security na nakabantay sa labas.

“Sis, let’s go.” Hinatak naman ako ni Vic papasok. We walked among the crowd of people inside hanggang sa makarating sa taas  na parte ng bar kung saan makikita ang kabuuan ng dancefloor sa baba. Ito yata ang VIP section nila, since dito lang may sofa at tables. Sa baba kasi ay sa bar spot lang may high stools, habang matataas na mesa naman ang nakapalibot sa gilid ng dancefloor. I saw Andi waving at us, while Gio is sipping on his glass.

Kanina pa kayo?” tanong ni Vic sa kanila.

“10 mins ago” sagot naman ni Gio. “Nag-order na ako ng para satin. Ikaw, Vee, ano sayo?” he looked at me kaya sabi ko cocktail na lang. I don’t plan on getting wasted tonight tho. May pinindot naman itong button sa gilid ng upuan niya. Ilang saglit pa ay may dumating na waiter at kinuha ang order namin.

“Why don’t you call your friends, Vee? You seem so lonely.” It’s Andi’s turn to talk to me. I know what they’re doing. Gusto nilang maalis sa sistema ko ang “trauma” sa bar. I looked around the place. It’s been a while since I entered a bar and had fun. Dalawang taon na din, at sa Australia pa yon.

“Come on, Tats. Have fun! Loosen up!” sambit ni Vic na ngayong lumalaklak na ng Bacardi. “Hindi naman habang-buhay matatakbuhan mo ang mga bagay na naging parte ng relasyon niyo ni Oli dati.”

“I’m not running away from it, bro. I’m just not ready to face anything. Feeling ko kasi babalik lahat ng sakit.” Nakatingin lang ako sa cocktail na sinerve sa akin.

“Enough of the drama, Vee. We’re here to unwind and to chill. And we’re here to help you face your reality. Forget about Oli, he’s no good for you. Andun na sya sa Canada at nagpapakasaya kasama ang mag-ina nya I hate it when Andi always push me to move on and forget his cousin. Alam niya kung gaano ko kamahal si Oliver. He’s my first love. We’ve been together for almost half of my life. It’s not easy to get over it.

“WELCOME TO PRIMO, MOTHAFUCKERS!” sigaw ng isang lalaki na lumapit sa table namin. Tiningnan ko naman ang lalaki – matangkad, mukhang foreigner, his hair is brown, may piercing sa kaliwang tenga. Nakipagfistbump ito kay Gio at Andi.

“Twins, this is Copper. He owns this place. Cop, these are Vince’s siblings. Tristan and Vera.” Gio introduced the guy to us. Nakipagfistbump siya kay Vic at akmang yayakap sa akin nang hilahin ni Andi ang damit nito at sinapok ni Gio ang ulo nito.  Natawa na lang kami ni Vic sa asal ng tatlo.

“Come on, bro! I’m just welcoming my VIP.” Pagmamaktol nito habang pinapaupo sya ning Gio at Andi.

“Off limits yan, ikakasal na yan” tumawa si Andi nang makitang matalim ang tingin ko sa kanya and raised my middle finger on him.

“Can we not talk about that, Andersen? Hindi ko pa rin naman tanggap ang desisyon ko duh.” Umirap ako sa kanila at uminom na lang.

“Anyway, it’s nice to see you both.” Sabi sa amin ni Copper habang pinaglalaruan ang baso ng alak sa kamay niya. “Vince is a good friend of mine. We were classmates sa Masters sa Yale. And he’s been sharing stories about you two.” Sumimsim siya ng alak at tumingin muli dito na tila may iniisip.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALWAYS, Your KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon