——————————————
CHAPTER 32GAB'S POV
Kahapon lang kami nag-celebrate ng first monthsarry namin ni Aldi. Sinabi niya na dito lang kami sa bahay at lutuan ko nalang daw siya ng paborito niya kahit ngayong araw lang, pinayuhan ko kasi itong umiwas muna sa Oily food.
Gusto kung i-celebrate buwan-buwan ang pagmamahalan namin dahil importante 'yun sa'kin. Unang buwan naming mag-boyfriend ay medyo smooth lang naman. May konting tampuhan pero na-uuwi din lahat sa suyo ko. Pikunin kasi itong prinsesa ko kaya todo sikap talaga akong suyuin siya.
Kahapon naulit na naman ang pagtatalik namin. Sobrang laking tulong ng mga pinanood ko na P*rn videos sa isang website dahil marami akong natutunan kong pa'no masarapan ang katalik ko. Sa tingin ko'y nagawa ko naman ng maayos ang pagtatalik namin.
It's sunday at nandito na ako simula kaninang umaga dahil paminsan-minsan ay sumasali ako sa choir at leader din kasi ako.
Sabay kaming nag-breakfast kanina sa bahay. Pupunta siya dito mga alas dos na ng hapon. Nandito ako sa isang restaurant sa labas ng church, kakatapos ko lang ma-lunch. Kinuha ko ang phone ko para i-text si Aldi.
Gabriel Echivaree
Kakatapos ko lang
kumain Prinsesa ko,
Ikaw kumain ka naba? :)Ilang sandali lang ay nag-reply siya.
My Princess
Opo kakatapos ko lang din kumain.Gabriel Echivaree
Hintayin kita dito ah,
I love you.My Princess
Mahal din kita.
I'll see you there Gab ko.Napangiti ako sa kanyang text at agad kong inilagay ang telepono ko sa bulsa ko.
Tinawag ko na ang waiter at tinanong kung magkano ang i-babayad ko.
"One hundred seventy five po Sir" sabi nitong lalaking waiter. Binigay ko naman sa kanya ang bayad ko na may-tip pa dahil nagandahan ako sa service quality nila.
"Gabriel" may tumawag sa'kin sa likod ko.
Lumingon ako at nakilala kong sino ito. Ngumiti pa ito ng matamis na parang walang ginawang masama sa'kin. Hinalikan ba naman ako. Mabuti nalang talaga at nakita ni Aldi na hindi ko ginusto ang ginawa ni Aliyah sa'kin. Nasaktan pa tuloy ang mahal ko.
"Aliyah" ngumiti nalang ako dito.
Um-upo siya sa silya na nasa harap ko."Kumusta kana? It's been awhile" ngiting sabi nito. Hindi ako tumugon dito, sa halip isang seryosong titig lang ang ginawad ko sa kanya.
"Hey didn't you hear me? Tungkol pa din ba ito noong nasa palawan tayo?" tanong niya. Tumango lang ako sa kanya.
"I'm sorry. Lasing lang talaga ako noon." nakita ko naman na parang sincere talaga siya.
"Let's just forget what you did to me. Apology accepted" I smiled a bit.
"Thank you Gabriel. Sa'n ka nga pala ngayon pagkatapos mo dito?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]
General FictionMeet Aldi Saavedra, a 21 year old BSEd-MATH teacher, he is a prudent-type of person. However, when he's inlove, he tend to be "Tanga and Marupok" that's why Aldi was deceived by his manlolokong' boyfriend and was deserted. Gabriel Echivaree, a 23 ye...