Una
"Ash!" Sabay na tawag sakin nina Ryzza at Mixa.
Tumingin lang ako sakanila bago isinenyas ang upuan.
Lumapit sila at umupo sa katapat ko. Sabi ni Rick dito kami sa minimart malapit sa school magkikita-kita dahil sa project namin. Lima kaming grupo. Sina Rick at Sebastian nalang ang kulang.
Pareho silang nakacrop-top at leggings. Mukang nag-usap ang dalawang ito. Pareho din silang nakamake up. Medyo morena si Mixa kumpara kay Ryzza pero parehas silang maganda. At ako ito simpleng t-shirt lang at hapit na pantalon.
"Tagal niyo." sabi ko sakanila. Na pareho nang hawak ang kanilang cellphone.
"Yung leader nga sinabihan tayong agahan tapos nauna pa tayo." singhal ni Ryzza na ang tingin ay nasa cellphone.
"Malapit na raw si Sebastian." biglang sabi Mixa at pinakita ang chat sakanya ni Sebastian. Nilingon siya ni Ryzza.
"Bakit sayo siya nagtext?" naningkit ang mata ni Ryzza.
Ryzza and Sebastian are siblings kaya siguro nagtataka si Ryzza kung bakit kay Mixa ito nagtext imbes na sa kapatid niyang si Ryzza. Sa pagkakaalam ko broken family sila. Ryzza choose her mother while Sebastian choose his Father. Kaya hindi sila sabay na pumunta rito.
"E-ewan ko." sagot lang sakanya ni Mixa.
Hindi ko sila pinansin at humalumbaba nalang.
Ilang minuto kaming naghintay at wala parin sila. Nakita ko ang inis na ekspresyon ng dalawa.
"Napaka tagal naman ng dalawang yon." asik ni Ryzza.
"Oo nga." pagsang-ayon ni Mixa.
Kasabay non ang pagdating ng sasakyan ni Rick na Ferrari. Pinarada muna niya muna ang sasakyan bago namin narinig ang pagbukas nito.
"Thank god." bumuntong hininga sina Mixa at Ryzza.
Bumaba si Rick mula sa driver-seat. Naka itim na sando siya pero naka-leather jacket siya. Kahit sa malayuan ay hindi ko maipagkakailang maangas ang dating niya. Mula sa lakad at sa tindig mapapansin mo iyon.
"Hi girls." kaway niya samin. Bago lumapit.
Wala naman ganong tao rito sa minimart dahil sabado ngayon. Umisod ako ng kaunti ng mapansing uupo siya sa tabi ko.
"San na si Seb?" tanong ni Ryzza sakanya nang makaupo si Rick.
"Malapit na yon." sagot sakanya ni Rick. Nakita pa naming may kinawayan siyang babae dun sa loob mismo ng minimart. Nasa labas kasi kami nitong minimart kaya medyo mainit.
"Hoy Ricko Manuel kahit nga ngayon lang magpakaleader ka, hindi yung mambabae kananaman!" mataray na suway sakanya ni Ryzza.
Lumingon si Rick kay Ryzza. Kumunot ang noo niya bago siya ngumisi.
"Selosa." natatawang biro ni Rick. Nanlaki ang mata ni Ryzza. Bago niya ito batukan.
"B-bakit ako magseselos ha! Bakit." at binatukan niyang muli si Rick.
"Ouch! Don't hurt me my labs." humalakhak si Rick. Habang si Ryzza ay napipikon na.
Pareho lang namin silang tinawanan ni Mixa. Kahit sa labas ay hindi nagbabago ang dalawang 'yan. Parang Tom and jerry mahilig magbangayan.
Sa kalagitnaan ng sitwasyon ay sumunod namang dumating si Sebastian. Nakamotor siya at napakunot ang noo ko nang makitang may nakaangkas na lalaki, pareho silang nakahelmet kaya hindi namin makita kung sino iyong kasama niya, may hawak na bag. Tumigil sila Ryzza at Rick sa bangayan at nakitingin rin sa kasama ni Sebastian.
"Sino kaya yun?" biglang tanong ni Mixa.
"Bakla na ang kuya mo." pang-aasar ni Rick kay Ryzza.
Ngumuso si Ryzza bago niya hampasin si Rick. "Gago!"
Pagkatanggal ng helmet nila ay sabay-sabay kaming nagulat ng makita si. "Hashi!"
Sabay na napalingon samin sina Sebastian at Hashi nang bigla naming isigaw iyon sabay-sabay.
"Anong ginagawa ni Hashi dito? Ka-group ba natin yan?" kamot-ulong tanong ni Maxi.
"Diba ikaw ang leader Ricko. Nakalista ba 'yan?" mataray na tanong ni Ryzza kay Rick.
"Itong si taray. Hindi siya nakalista. Bakit hindi mo nalang itanong jan kay Sebastian."
Sabay na lumapit sina Sebastian at Hashi. Sebastian is wearing a plain blue t-shirt and maong with belt bag, bagay na bagay sa kaniya ang suot niya. Kapansin-pansin rin ang kumikinang na hikaw sa kaliwang tenga niya. Si Hashi naman kahit naka-shades. Alam mong singkit na siya, pangalan palang.
His wearing white long sleeve stripes and jogging pants. Naka Adidas na sapatos siya. Kumpara kila Sebastian at Rick mas maputi siya. Hindi rin maipagkakailang malakas ang dating niya lalo na sa mga babae. Kahit nga sina Ryzza at Mixa nagkagusto sakanya.
He's a tranfer. 1 week ago. 2 linggo bago ang pasukan. He's cold and quiet but we heard that he's a playboy. A silent playboy. Nung isang araw nga may nag-away dahil sabi nung isa siya daw ang gf nito, pero sabi nung isa siya daw. Pero nung sabihin ni Hashi na wala sakanila, parehong speechless yung dalawa.
He's from Beijing, China. Maraming nagsasabi na pumunta siya dito sa pinas dahil sa business ng Family niya kaya siya napilitang mag-aral dito. Maalam siyang magtagalog dahil half Filipino siya sa side ng mom niya. That's what i heard sa mga kaklase kong may gusto sa kanya.
"Yow!" napaisod muli ako ng biglang umupo si Sebastian sa pwesto namin. Nasa pinakdulo na ako ng upuan at hindi na makahinga dahil sa sikip.
"Hoy naiipit niyo na si Ash." suway ni Mixa kay Seb. Mabilis naman umipod si Sebastian.
"Bro. Bakit pala nandito si Hashi?" tanong ni Rick kay Sebatian. Sabay sabay kaming napatingin kay Hashi na ngayon ay nasa likod nila Mixa at Ryzza.
"Ah. Guys pinapasabi ni Prof na kagrupo din pala natin si Hashi. Hindi daw kasi na sali dahil lumang record ang nagamit na listahan niya." paliwanag ni Sebastian at biglang napakamot sa ulo. "Tsaka nga pala guys nasira yung camerang gagamitin natin para sa vlog."
Pare-pareho silang nagulat. Ang project kasi namin ay ipapakita ang ganda ng Lake by blogging. So talagang mahalaga ang camera. Si Sebastian kasi ang nag insist na magdadala dahil siya lang ang merong magandang camera.
"Ano!" sigaw nila.
"Oo. Sorry, naibagsak ko kasi. Pero pahihiramin tayo ni Hashi buti nalang at may camera siya." masayang baling niya kay Hashi.
Inilapag ni Hashi sa lamesa ang bag. Binuksan iyon ni Sebastian.
"Wow. High quality ang isang yan." ani Rick ng makita ang isang sikat na brand ng camera.
"Nako paniguradong mataas ang marka natin haha." natatawang ani Ryzza at inagaw lay Sebastian ang camera para suriin.