Kabanata XXVII-Pagbabago ng Anyo

423 21 3
                                    


Nakahanap ng pagkakataon si Conseulo na makatakas sa kanyang kulungan.Ilang araw niyang pinag-isipan kung paano makalabas.

Dahil sa kanyang kakahayan nagawa niyang sirain ang rehas gamit ang isang matigas na bakal.

Labis ang kanyang galit  na nararamdaman ngayon,gusto niyang maghiganti sa pagkakulong niya sa loob ng ilang araw.

Hinding hindi niya mapapatawad sina Anyeras sa ginawa nito sa kanya.Noon paman ramdam na ni Consuelo ang pagiging sakim ng kanyang pinuno, na walang iba kundi si Heneral.

Lagi siyang pinapahirapan nito noon,kahit hindi niya gawain bilang isang Herdenero ay ginagawa niya,masunod lang ang utos ng kanyang pinuno.

Kaya nang malaman niyang umuwi na si Heneral ,hindi na siya nagdalawang isip  pa na tumakas agad,hindi na siya makapaghintay na makapaghigati,kailangan maunahan niya ito bago pa malaman ni Heneral ang tunay na pagkatao nito.

Nang tuluyan na siyang nakalabas,ay agad niyang binalikan ang lugar kung saan siya napatumba ng isang halimaw.Hahanapin niya ang isang bagay na magbibigay sa kanya ng kapangyarihan.

Pagkarating niya roon ay agad niyang hinanap ang bagay na iyun.Inilibot niya ang kanyang mata sa paligid ngunit ilang sandali ang lumipas ay hindi parin niya ito nakikita.

"Bwiset,nasaan na yun.Sa pagkakatanda ko dito iyun tumilapon.."naiinis na tugon ni Consuelo sa kanyang sarili.

Isa sa mga pinakaimportanteng bagay na iyun para sa kanya,kung wala iyun ay wala siyang lakas upang labanan ang kanyang mga kaaway.Wala rin siyang kapangyarihan na magagamit.

"Consuelo!!!.."isang sigaw mula sa kanyang likod ang kanyang narinig.

Hindi maipinta sa mukha ni Anyeras ang kabang nararamdaman.Nag-alala siya kung sakaling may mangyari sa katawan ni Juancho,ayaw niyang masira ito lalo na't kapag tuluyan na itong masira ay hindi na muling makakabalik pa si Juancho sa katawan nito.

"Consuelo!!..Umalis ka sa katawan ni Juancho..Kakailanganin namin ang katawan na iyan!!"sigaw ni Anyeras.

Lumingon si Consuelo at nakangiting tiningnan si Anyeras.

"Sa tingin mo ba,basta basta ko nalang isusuko ang katawan na ito?..Hahaha!Nagpapatawa ka ba Anyeras?"nakangising sabi nito.

"Ano bang kailangan mo sa amin Consuelo!"

"Simple lang naman ang nais  ko,ang mapasakamay ko ang mga kaluluwa niyo.."giit nito.

Labis ang galit na nararamdaman ni Anyeras ngayon kung may lakas lang siyang labanan si Consuelo ay gagawin niya.Ngunit namemeligro naman ang katawan ni Juancho.

"Kung hindi niyo iyun maibibigay.Pwes, papahirapan ko nalang ang iyong kapatid.."humalakhak ito na animo'y isang demonyo.

Natigilan si Anyeras nang marinig niya ang tungkol sa kanyang kapatid.

"Alam mo kung nasaan si Juancho?!"sigaw ni Anyeras.

"Oo,at hindi ko sa'yo sasabihin hangga't hindi ko nakukuha ang kaluluwa ni Heneral Ansilmo.."nakangiting sambit nito.

Ipinagpatuloy ni Consuelo ang kanyang paghahanap sa isang bagay.Nasisiguro siyang dito lang niya ito naiwan.

Ilang sandali pa ay namataan niya ang isang bagay na kumikinang sa ibaba,napangiti siya ng mapagtanto niyang iyun ang kanyang bagay na hinahanap.

Hindi na siya nagdalawang isip na bumaba sa bubong,gamit ang kanyang nakitang hagdanan ay mabilis siyang nakababa  patungo sa kinalalagyan ng isang bagay.

Nataranta si Anyeras ng makita niyang tumatakas si Consuelo,agad niya itong sinundan pababa.

"Wag kang umalis!!.."sigaw nito.

He's my Historic Guy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon